Why Minimalism – Reclaim our Time
Mas masuwerte pa rin ang mga Pilipino dahil meron tayong “Labor Code of the Philippines” kung saan ang maximum work hour bawat araw ay 8 hours. Sa ibang lugar tulad ng China ay wala sila nito. Mapalad pa rin ang Pilipinas dahil dito ay hindi tayo sinasakal ng trabaho kumpara sa ibang lugar sa Mundo. Gayun pa man, bakit parNg laging kulang ang oras natin? Lilipas ang araw na para tayong walang nagawa sa isang araw. Madalas marmi tayong planong gawin pero hindi natin nagagawa dahil sa trabaho natin o kaya sa pag-aaralnatin.
Kadalasan ay magigising tayo ng 7:30 at magtratrabaho hanggang 5 pm, matratraffic ng halos dalawang oras bago makauwi. Pag-uwi ay pagod na tayo at lahat ng gusto nating gawin ay hindi na natin magawa. Sa nabanggit na sitwasyon ay may mga katanungan na nais kong malaman:
1. Ano ba ang nais mong gawin at bakit mo ito ginagawa?
2. Ano ang mga maaari mong bawasan para magawa ang nais mo.
Sa post ko na ito ay nais ko na gumawa ng oras para sa mga bagay na gusto at kailangan kong gawin. Paano ako gagawa ng mas maraming oras para magawa ang mga bagay na dapat kong gawin. Subalit bago ka gumawa ng extra time ay tanungin mo muna kung bakit gusto mo ng extra time?
Gusto mo bang pumunta sa spa at magpafacial o magrelax?
Makapag-aral o makapagresearch?
Gusto mo bang matuto ng bagong bagay na pagkakakitaan?
Gusto mong magpahinga o makapagrelax?
Magkaroon ng oras para sa anak mo?
Magkaroon ng oras para magawa ang nobela mo sa wattpad?
Napakaraming dahilan kung bakit gusto mo ng oras pero minsan ay lagi itong wala.Bakit nga ba kulang ang oras natin?
Why Minimalism – Reclaim our Time
Madalas ang dahilan ay dahil napakarami nating ginagawa na hindi talaga nakakapag improve ng pamumuhay natin. Minsan ay imbis na magpahinga o gawin ang bagay na magpapaganda ng buhay natin ay nakikipag-inuman tayopalagi. Pag paminsan minsan ay okay lang maglibang pero kapag nagiging sanhi na ito ng pagkawala ng oras natin para sa mga bagay na mas importante ay hindi na ito maganda.
Idadahilan din natin na kailangan natin ng overtime at extra income pero bakit nga ba natin kailangan ito? Hindi kaya masyadong marami ang priority natin at hindi ntin napapansin na ang iba nating pinagkakagastusan ay wala talagang kuwenta? Halimbawa, mag oovertime ka ba at uubusin ang oras parasa sarili mo para lamang sa materyal na bagay na madaling manakaw at mawala? Kailangan mo bang magkaroon ng napakaraming pera para makabili ng iba’t ibang damit kung puwede namang kunti lang ang damit mo?
Sa minimalism ay mababawasan ang unnecessary priorities mo sa buhay at mgkakaroon ka ng oras para sa iyong sarili at pamilya. Mababawasan ang pagkahilig mo sa materyal na bagay na dati ay sinsamba mo. Natutuwa ako sa Japan Minimalism dahil ang bahay nila ay hindi maarte bagkus ay necessities lang at important things ang laman. Hindi pa naman huli ang lahat para magkaroon din ng minimalist life ang pinoy. Bago lamang ang konsepto ng minimalism sa buhay ng pilipino ngunit hindi imposible na magkaroon din tayo ng minimalist lifestyle. Bakit gusto ko na magkaroon ka ng minimalist lifestyle?
Why Minimalism – Reclaim our Time – You may also read, Why Minimalism – Pursue our Passion
Leave a Reply