Tama bang magdeklara ng (Enhanced Community Quarantine) ECQ sa Pilipinas?
Bagong buwan, ika-una ng Abril 2020, patapos na ang unang 15 araw ng enhanced community quarantine sa Pilipinas na nagsimula noong March 17, 2020 at magwawakas sa Abril 14, 2020. Sa unang 15 araw ng ECQ ay mapapansin na napakaraming suliranin ang naramdaman ng mga mahihirap na Pilipino dahil sila ang unang nakaramdam ng impact ng quarantine. Huwag mabahala dahil ang gobyerno at kapwa mamamayan ay gumagawa ng paraan para mabawasan ang paghihirap ng ating kababayan.
Marami sa mga mahihirap ang dumadaing ng kahirap, mahirap nga naman kapag walang kita araw-araw. Subalit ang ECQ din ay para sa mga kababayang mahihirap. Ang unang magbebenepisyo sa pag-iwas ng covid19 ay ang mga mahihirap dahil kapag hindi naiwasan ang pandemic at kumalat ito sa Pilipinas ang mga mayayaman ay kayang magpaospital sa mga mamamahaling ospital habang ang mga mahihirap ay magsisiksikan sa pangpublikong ospital. Tandaan na kahit ang New York City na tinagurian na “richest city in the richest country” ay nahihirapan at nagkukulang ang kanilang medial facilities at equipment.
Tama ang pagdeklara ng gobyerno ng enhanced community quarantine upang ang Pilipinas ay hindi matulad sa mga bansang Estados Unidos, Espanya, at Italya
Tama ang pagdeklara ng gobyerno ng enhanced community quarantine upang ang Pilipinas ay hindi matulad sa mga bansang Estados Unidos, Espanya, at italya. Ang mga bansang ito ay hinigitan na ang China sa dami ng taong positive sa covid19. Ang Italya ay may higit 10,000 kataong namatay sa covid19 at ang Estados Unidos at Espanya ay may ilang libo ng nasawi sa sakit na ito. Ang kanilang mga frontliners ay nagkakasakit rin at maraming doktor at nurses na ang nasawi dahil sa covid19. Kulang na rin sila sa mga PPE, masks, ventilators, at medical supplies laban sa covid19. Sa madaling salita, nararanansan na nila ang nararanasan ng mga emerging countries sa kakulangan ng doktor at medical facilities. Ang ating bansa ay hindi handa sa malawakang outbreak ng covid19 kaya nararapat lamang na limitahan ang human to human transmission ng sakit na ito.
Ang Pilipinas ay hinigitan ang mga mayayamang bansa sa kanilang response sa covid19.
Ang Pilipinas ay hinigitan ang mga mayayamang bansa sa kanilang response sa covid19. Mapapansin na ang Pilipinas ay may isang aspeto na wala sa mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos, Tsina, Italya, Espanya na siyang nagpabuti sa pagpigil ng covid19. Ito ay ang likas na kultura ng mga Pilipino – ang BAYANIHAN. Sa mga sakuna laging handang tumulong ang mga mamayan sa bawat isa. Ang mga artista at mga malalaking korporasyon sa Pilipinas ay nagdo-donate ng mga alcohol, nutribuns, PPE, pera, pagkain at kung anu-ano pa sa mga frontliners at Local Government Units (LGU) na siyang magbibigay sa mga nasasakupan nila. Sa ibang bansa, ang mga mayaman ay pumupunta sa mga probinsya at inuubos ang mga supply nila para sa kanilang pansariling interest samantalang ang middle class doon ay walang mabili.
Ang Pilipinas ay hindi handa sa malawakang outbreak na nagpapahirap sa frontliners ng mga mayayamang bansa. Ang ECQ ang isang epektibong paraan para maiwasan ang malawakang outbreak ng covid19 na maaaring pumatay sa libo-libong pilipino. Subalit, paano maiiwasan ng Pilipinas ang pagdagsa ng covid19 mula sa ibang bansa pagkatapos ng ECQ?
Leave a Reply