Solusyon kung Nawala ang Sim Card 2020
Nawala ba Sim Card mo? Nanakaw ang phone o nabasa at hindi na gumagana? Paano kung may gumagamit na ibang tao? Huwag magpanic, meron tayong solusyon para mablock ang lumang SIM Card at mabigyan ka ulit ng Smart o Globe ng bagong Sim Card na may parehas na number.
Nabasa o Hindi na Gumagana ang SIM Card pero hawak mo pa?
Kung hindi gumagana ang SIM mo, huwag itong itapon. Dalhin mo lang ito sa Globe/Smart Service para papalitan ng bago.
Nawala ang SIM Card at hindi na maipakita sa Globe/Smart?
Kung nawawala ang SIM Card mo, kailangan mo lamang ng notaryadong Affidavit of Loss at dalawang valid government ID para makakuha ng bagong SIM Card. Kapag meron ka na nito, magtungo sa Globe/Smart Customer Service para sa replacement ng iyong SIM Card. Makukuha ang bagong sim card within the day kaya huwag ng mabahala.
Kung kailangan mo ng Notary Public sa Baguio click here
TIPS para maiwasan na manakaw ang iyong SIM Card at Cellphone
a. Huwag ilalagay sa lamesa/ table ang cellphone habang kumakain sa restaurant o fast food chains. Marami kasing naglalagay ng cellphone sa ibabaw ng lamesa, kapag dumaan na ang magnanakaw at kinuha ang cellphone mo hindi mo na siya mahahabol. Mas ligtas kung itago ang cellphone at huwag pabayaan ang bag haban kumakain.
b. Huwag ilagay sa back pocket ang cellphone mo. May mga nakikita ako na nakalagay sa back pocket ng pantalon o sa bulsa ng jacket ang cellphone. Tandaan na napakadali sa mandurukut na dukutin ang mga ito.
Solusyon kung Nawala ang Sim Card
Yan ang ilang tips at guides para sa inyo. Huwag kalimutan na laging ingatan ang gamit at kung may katanungan, huwag mahiyang magcomment o mag-email.
Yours truly,
Solusyon kung Nawala ang Sim Card
Shiella says
Nawala po simcard ko pano po yun kc ngbayad nko sa tala loan ano ggawin ko
admin says
Tanungin niyo po ang TALA LOAN regarding sa kanilang policies. As for replacement ng SIM Card, present 2 valid IDs and Affidavit of Loss sa inyong network provider for a replacement. Thank you
Anonymous says
admin nanakaw po yung cp ko
nung march 8,2024 ng mdaling araw tapos nung tinawagan ko yung nmber nagriring pero walang sumasagot paano po dpat gawin bk magamit yung s hnd maganda?salamat po
Simplify says
Good Day!
Ipa-block niyo po sa NTC at sa SMART/GLOBE yung SIM at CP niyo. Kailngan niyo po ng Affidavit of Loss para magawa yun, tapos punta kayo sa pinakamalapit na SMART/GLOBE center or National Telecommunications Commission (NTC).