Simple Living is not Living in Poverty
Bakit kadalasan kapag narinig o nabasa ng iba ang “simpleng pamumuhay” o simple living ay iisipin ng tao na katumbas niya ay mahirap na pamumuhay. Ang living in poverty ay hindi living simply. Naalala ko yun ng mabasa ko ang isang forum tungkol kay Duterte na kung saan sabi nila na kung siya ay may simpleng pamumuhay, bakit meron siyang mamahaling relo?
Naku naman, hindi naman siya pulubi para hindi makabili nun, isa pa sabi niya simple living hindi poor living.
Ano ba ang Simple Living?
Simple Living is not Living in Poverty
Ang simple living ay ganito:
1. Namumuhay ka at gumagastos ayon sa income o suweldo mo. Kung 50,000 ang suweldo mo hindi ka gagastos ng 100,000 gamit ang credit card o ano pang bagay. Sabi nga nila, “live by your means” Huwag magkaroon ng lifestyle beyond sa abot ng suweldo mo.
2. Own what you need – Hindi basta mahal anv isang bagay ay hindi mo na dapat bilhin. Taliwas sa mababaw na kaalaman ng iba, hindi dahil simple ang pamumuhay mo ay hindi ka na bibili ng mamahalin. In fact, hindi presyo ang titingnan mokundi quality. Halimbawa, an mga minimalist ay pumipili ng matibay at magtatagal na damit at sapatos. Ako halimbawa ay bibili ng custom made na sapatos kesa sa made in china na masisira sa isang buwan. Yung sapatos ko medjo mahal kasi custom made pero 7 years ko ng ginagamit. Mabuti ng kunti ang gamit kung matibay, nagtatagal, at nagpapaligaya sa iyo. Balik tayo sa relo daw ni Duterte, kung long lasting at hindi kailangang iparepare yun e di mas maganda pa siya kesa sa relo na pinapalitan kada taon.
3. Luxury is not an option – Ang luxury ang iniiwasan ng simple lifestyle. Yung ay pagbili ng mga bagay na hindi mo kailangan mahal man o hindi. Hindi dahil may sasakyan ka ay hindi na simple ang pamumuhay mo, paano kung kailangan mo iyon sa trabaho mo?
Ang luxury ay hindi nakabatay sa presyo kundi sa purpose ng binili mo. Halimbawa may 10 kang bahay pero yunay pinaparenta mo, hindi yun luxury kumpara sa may 10 kang bahay na walang nakatira, yun ang luxury. Kung may tatlo kang cellphone at isa lang ang kailangan mo, luxury na yung dalawa na extra mo. O kaya kung kailangan mo langctumawag at magtext, luxury na kung bibili ka pa ng super mahal na phone, unless kailangan mo ng added feature nung phone. Halimbawa ulit, DSLR na camera, luxury siya sa ibang di marunong magcmera pero necessity sa mga photographers. Kung hindi useful o imortante o hindi mo talaga kailangan, luxury siya.
Ang things you need at want ayhindi base sa presyo ng gamit mo.
Ang simple Living ay hindi pababaan ng presyo ng gamit kundi pagkakaroon ng value o halaga ang mga gamit mo.
Tandaan: Simple Living is not Living in Poverty
Leave a Reply