Sekreto ng Mayayaman #3, Huwag basta naniniwala sa mga promo, adverstisement, lotteries, at kung anu-ano pang gimmick ng advertisers.
BABALA: Huwag basta magregisters sa promos dahil baka isa itong patibong para makuha ang iyong pera.
Ang mga promos ay isang marketing strategy para i-introduce ng mga company ang kanilang produkto. May mga legitimate business na ginagawa ito, meron din mga kumpanya na ginagamit ito para manloko ng tao. Kadalsan, sng mga kumpanya na ginagamit ito para manloko ng tao ay credit card companies, post paid plans at mga “buy this to get that” promo.
Ang Sekreto ng Mayayaman #3 ay ang paggawa ng traps o patibong sa pamamagitan promos para akitin ang ordinaryong tao na bilhin ang kanilang produkto. Paano ito naging sekreto? Ang sekreto nila ay ang pag exaggerate at pagtatago ng mga bagay na dapat mong malaman. Ito ay tinatawag na “hidden schemes” o “hidden terms and conditions”.
Sekreto ng Mayayaman
Ang #3 na sekreto ng mayayaan ay ang paggamit ng False Promos:
Gumagamit sila ng bait gamit ang promos para kapag kumagat ka ay mahuhuli ka nila sa kanilang patibong at mahihirapan ka ng umalis. Parang trap ng daga, may ilalagay na pagkain para kapag lumapit ang daga ay huli sila sa patibong.
Heto ang Top False Promo ng mga companies sa Pilipinas:
- Credit Card Companies – Ang problema sa credit card companies at bangko ay ang kanilang sales agent na hindi nagsasabi ng totoo at minsan masyadong exaggerated o labis labis ang kanilang pinapangakong benepisyo ng produkto. Ang totoo kalahati sa sinabi nila ay hindi totoo at marami silang hindi sinabi sa iyo. Tandaan na ang agents ay may commission sa bawat sales nila kaya kung ano ano ang sinasabi nila. Ang mga prinapromise nila ay hindi tinatanggap ng credit card company. Isa sa fake nilang promo ay ang “MAGBAYAD LAMANG NG MINIMUM”. Kahit magbayad ka ng minimum ay tuloy pa rin ang pagpatong ng interest sa “credit” mo. Napakaraming articles ng mga call center agents ang nagsasabi na mula sa P20,000 nilang utang ay umabot sa P100,000 ang utang nila dahil minimum lang ang binabayaran nila. Basahin ang dapat malaman bago kumuha ng credit card. Isa itong sekreto ng mayayaman dahil hindi sinasabi ng mga bangko ang mga terms and conditions sa malinaw na paraan. Hindi rin sila nagbibigay ng parusa para sa mga sales agent nila na nagsisinungaling.
2. FREE PHONES SA POST PAID PLANS – Isa sa sekreto ng mayayaman tulad ng cellphone network companies ay ang pagsabi na libre ang phones sa post paid plan. Hindi po libre ang “phones/iphones/tabs” nila. Sasabihin nila na libre daw ito pero ang totoo ipinapahiram lamang nila sa iyo ang telepono sa loob ng subscription mo sa kanila. MAlamang iniisip mo sa iyo na ang phone pagkatapos ng 2 years lock in period/subscription. Nagkakamali ka dahil pagkatapos ng subscription period ay magiging “DEAD PHONE” na ang “libre” nilang iphone, di mo na ito magagamit at hindi ito marerepair ng mga techinitians. Malalaman niyo na lamang na hindi ito libre kapag hindi niyo na magamit ang cellphone niyo.
3. NETWORKING SCAMS – Kahit ano man ang tawag nila dito ay tiyak pa rin ang pagbagsak nila dahil ito ay isang scam. Maraming OFW ang dito nag-iinvest at naloloko. Umiwas sa networking dahil kahit ano mang promo o ano mang “products” ang gamitin nila ay hindi ka yayaman dito. Ang problema sa networking ay hindi ito stable na source of income, kapag naabot na ng scammers ang quota o target amount nila ay isasara na nila ang kumpanya nila. Iinvest mo na lamang ang pera mo sa UITF, MUTUAL BONDS, STOCKS sa mga bangko kesa dito.
4. “Buy this to get that Items” – Ito ay ang promo na bilhin mo itong electric fan para may 50% off sa TV. Scam ito dahil kung ito-total mo ang presyo ay mas mataas pa kaysa kapag binili mo ito ng hiwalay. Isa pa, kung ang TV ang kailangan mo yun na lang ang bilhin mo dahil hindi mo na kailangan ng electric fan.
5. Iceberg Promo – Ito yung mga promo na kunwari mababa lang ang babayaran mo pero pagtapos na ang promo ay sobrang laki ng kailangan mong bayaran. Halimba ay mga car at house loans. Sasabihin nila na sa unang taon ay 1% interest lamang ang interest pero pagkatapos ng isang taon ay 12% na ang interest.
Lesson 3:
Bago magregister sa mga promos tingnan mabuti ang terms of agreement dahil baka mas malaki ang babayaran mo kesa sa akalan mong matitipid mo.
Leave a Reply