Sekreto Ng Mayayaman 2 – Price Is Not Equal To Quality
Sekreto Ng Mayayaman 2 – Ang presyo ay hindi batayan ng quality o kaledad ng isang produkto. Isa sa sekreto ng mga mayayaman ay ang pagsabi sa mga tao na kapag mas mahal ay high quality kaya tinataas nila ang presyo. Ang totoo ang kaledad o quality ay nakabatay sa materyales at pagkakagawa ng produkto. Ang brand at presyo ay isa lamang na ilusyon na ginawa ng mga business men para makabenta. Naaalala ko noong nag grocery ako para bumili ng ingredients ng macaroni salad sa isang grocery store. Bawat item ay maraming pagpipilian at iba iba ang presyo. Narinig ko sa katabi ko na pinili niya ang condense milk na iyon dahil nakita niya sa TV. Kung ikaw ang bibili, ano ang bibilhin mong brand? Yung may patalastas ba sa TV o ads sa newspaper? Karamihan sa mga Pilipino ay pipiliin ang nakikita nila sa commercials sa TV dahil sa tingin nila ay dekalidad ang mga ito. Maaaring sumang-ayon ka sa kanila pero nasubukan mo na ba na ipagkumpara ang list of ingredients ng mga produktong ito?
Kung pagkukumparahin ang mga branded at generic na produkto ay makikita mo na parehas lamang ang list of ingredients nila. Makikita ang list ingredient sa baba ng mga product labels. Kung parehas lamang ang ingredients bakit mas mahal ang produkto ng branded? Ito ba ay dahil mas quality ang ingredients nila o dahil ginagamit nila ang pera natin para sa kanilang advertisement? Ang mga “branded” items ay mahal dahil ang additional price ay ginagamit nila para sa commercials. Tayo ang nagbabayad ng pangcommercial ng produkto nila sa TV. Halimbawa ng ganito ay ang cheese, kung pagkukumparahin ang brand ng cheese na “Quezo” ay P33 samantalang ang eden ay P60, pareho lang ang ingredients nila pero mas mahal ang eden dahil napakarami nilang commercials.
Sekreto ng mayayaman 2 – Branded Bags at Shoes: Bakit ito mahal?
Ang “branded” items ay mahal dahil ito ay luxury brands. Sinandya itong gawing mahal para makagawa ang marketers ng ilusyon na ang mga ito ay para sa mayayaman. Ang ganitong strategy ay isa lamang sa mga tactics ng mga mayayaman para makabenta. Ang parehas na produkto ay ititinda nila sa mahal at murang presyo dahil karamihan ng tao ay binabase ang produkto sa presyo. Ang iba ay bibili dahil mahal at ang iba ay bibili dahil mura kahit ang produkto ay parehas lamang.
LESSON 2: Sekreto ng mayayaman 2: Ang tunay na kaledad ay wala sa presyo
Sa susunod na magshoshopping ng pagkain ay tingnan ang list of ingredients. Kung gamit naman ay tingnan ang materyales, pagkakatahi, at pagkakagawa. Huwag presyo ang gawing batayan ng quality ng isang produkto.
Ngayong alam mo na na hindi lahat ng mahal e high quality, ready ka na para malaman ang sekreto ng mayayaman #3.
Leave a Reply