Sekreto ng mayayaman 1 – Tayo ay bottomless ATM Machines ng mga mayayayaman. Sinong tayo? Tayong mga OFW, empleyado, estudyante, at mga minimum job earners. Sa paggamit ng commercials, advertisements, at marketing strategies nagagawa ng mga mayayaman na paikutin ang mga Pilipino para bilhin ang kanilang produkto. Gumagawa ang mga mayayaman ng trends or “uso” at iaadvertise nila ito sa TV, Dyaryo, Billboards at kung saan saan pa para isipin ng mga tao na ito ang dapat nilang gawin.
Naranasan mo na ba na bumili ng lotion na pampaputi dahil inindorse ito ng paborito mong artista? Bumili kana ba ng damit dahil ito ang uso? Bumili ka na ba ng signature bag kasi popular ito? Bumili ka ba ng iphone o samsung galaxy kasi bagong model ito?
Kung nababasa natin ang utang ng mayayaman, ganito marahil iyon:
Mayaman 1: “Kailangan nating mag-expand ng project, kunin mo si Kim Chu at Marianne Rivera para iendorse ang lotion natin. Sure ako maniniwalal sila na ang lotion na yun ang nagpaputi sa kanila kahit since birth na silang maputi”
Mayaman 2: Kailangan ko na rin itinda ang mga old stocks, bayaran mo na ang mga newspapers para sabihin na ito ang uso ngayong taon para maitinda na.
Mayaman 3: OO nga, gawin mo ding mahal ang presyo para isipn ng tao ay sosyal ang tinda natin.
Mayaman 4: Maglabas na rin tayo ng bagong model ng iphone kahit pinalitan lang natin ang screen ng mas konti. Sure naman basta bago bibilhin ng tao.
Sekreto ng Mayayaman 1
Ang mga mayayaman – mga company owners- ang nag-iimbento ng mga bagay para mahikayat tayong gumastos. Sila ang nagdidikta kung paano tayo dapat manamit, kumilos, at mabuhay. Para tayong mga ATM machines na maglalabas ng pera pagka enter ng PIN code. Ano ba ang PIN Code na gamit nila? Advertisements sa TV, Newspaper, BIllboards, Tarpaulins, at mga flyers na nakalagay kung saan saan. Napakasakit ngang isipin na ang unang nauuto ng mga advertisers e hindi ang mayayaman kung hindi mga mahihirap at middle class na mga tao.
Balikan ang mga scenario na naipakita sa taas, ano ang saysay nito sa buhay mo? Kapag nalaman mo na ang mga mayayayaman talaga ang nagdidikta sa buhay mo ay baka matauhan ka at sabihing, “oo nga no, bumibili ako ng gamit hindi dahi kailangan ko kundi dahil nakita ko sa TV o dahil sabi nila bago at uso”. Isipin mo na ikaw ang may ari ng buhay mo at ang hawak mong pera ay pinaghirapan mo. Papayag ka ba na sila ang magdikta kung ano ang mga bagay na magpapasaya sa iyo?
Lesson 1: Huwag maging bottomless ATM MAchine ng mayayaman dahil ito ang sekreto ng mayayaman 1
Huwag magpadikta at gamitin ang sarili mong judgment at isip sa pagpili ng mga bagay na bibilhin mo. Bago ka bumili ng bagay ay isipin mo muna kung biilhin mo ba ito dahil kailangan mo o dahil nakita mo ito sa patalastas sa TV o diyaryo. Bibilhin mo ba ito dahil lahat ay binibili ito o dahil kailangan mo ito? Kailangan mo bang makiuso dahil ito ang sabi ng mayayaman.
Kapag may nakita kang ads o commercial sa TV o sa newspaper, alamin kung ito ba ay gawa gawa lamang ng mayayaman o makakadagdag ito sa kaledad ng buhay mo – financially, emotionally, o spritually.
Leave a Reply