Risk sa Stock Market
Bago mag-invest sa stock market, dapat alamin ang mga risk na kasama nito. Ang pag-alam ng risk sa stock market ay hindi ibig sabihin na huwag ka ng sumubok sa stocks. Ito ay mga gabay para hindi mashock sa huli at para alam mo kung ano ang pinapasok mo. Kung hindi mo pa nababasa ang investment para sa OFW at Paano mag-invest sa stocks, makabubuting basahin muna ito. Huwag mabahala kung wala ka pang alam sa stocks dahil ang irerekomenda kung investment ay long term investment at hindi stock trading.
Risk sa Stock Market
1. Ang mga investment ay hindi 100% proof kaya dapat magdiversify at huwag mag-invest sa iisang stocks lamang.
Tandaan na ang investment ay hindi insured at maaaring mawala kung mali ang investment mo. Tandaan na may taon na bababa ang stocks at may taon na tataas din ito. Kaya huwag mabahala kung bababa siya sa isang taon dahil maaaring tumaas din ito sa ibang taon.
2. Piliin ang trusted na stock broker tulad ng BPI at COL financial. Ang broker ay isang lugar kung saan ka bibili at magtitinda ng stocks. May mga online brokers tulad ng BPI at COL.
3. Huwag iinvest ang iyong emergency fund sa stocks. Dapat ay hiwalay ang emergency fund mo para hindi mo kailanganing i-withdraw ang investment mo pag kailangan mo ng pera.
4. Ang stock peso cost averaging ay hindi Fast money o Easy money, kailangan mong maghintay ng at least 3 years para makita ang resulta ng investment mo. Tandaan na walang easy money unless sa illegal na paraan mo makukuha.
5. Magsimula ng maliit na halaga bago ilagay lahat ang investment mo.
6. Alamin ang cycle ng stock market:
First Stage: Pinag-uusapan siya ng tao at maraming kumikita
Second Stage: Bababa ang stocks at maraming mag pu-pull out ng stocks.
Third Stage: Tataas ulit ang stocks at maraming bibili
Fourth Stage: Babalik sa First Stage.
Tandaan na laging bababa ang stocks at tataas din, kaya kung long term ang investment mo ay tataas din ito kung bluechip company ang pinili mo.
Leave a Reply