Requirements kung ibang tao ang kukuha ng Passport? Paano kung ipapakuha ko sa ibang tao ang Passport ko, ano ang mga kailangan kung gawin?
Question: Wala akong oras bumalik sa DFA, ano ang kailangan para maipakuha ko sa kapatid/kamag-anak o kakilala ko ang Passport? Sapat na ba ang authorization letter?
Requirements kung ibang tao ang kukuha ng Passport?
Answer: Hindi po sapat ang authorization letter kung ibang tao ang magcla-claim o kukuha ng iyong Passport. Minsan tintanggap nila ang mga authorization letter, kadalasan naman ay hindi. Ang kailangan mo ay Special Power of Attorney to claim Passport na natorized ng lawyer. Kailangan mo itong ipakita sa DFA bago nila pahintulutan ang iyong representative na kumuha ng Passport.
Ano ba nag Special Power of Attorney?
Isa siyang kasulatan na nagbibigay ng kapangyarihan sa iyong representative na gawin ang bagay na maari mong gawin. Sa kasulatan din na ito nakalagay ang limitation ng puwede niyang gawin.
Question: Magkano ang pagpapagawa ng SPA to claim Passport?
Answer: From Php 500 pataas ang presyo nito depende sa kung saan ka magpapagawa. Mas mua kung meron kang prepared SPA at ipapanotaryo lang ito.
Question: Saan makakakuha ng Prepared affidavit ng SPA?
Answer: You can download forms from the internet pero hindi lahat tama.
Leave a Reply