Narito ang sagot sa mga natanggap naming katanungan mula sa comment section. Ang mga sagot na ito ay general answers lamang na magsisilbing gabay sa pag-ayos ng inyong birth certificate. Paki-hanap na lamang po rito kung andito ang inyong katanungan.
Ito ang katanungan na aming natanggap:
Ang aming sagot:
Una sa lahat ang sagot namin ay base lamang sa nakalagay sa tanong. Hindi mo maaaring gamitin ang apelyido ng iyong stepfather. Para magamit mo ito kailangan ay Adoption. Ngunit dahil kasal pala ang iyong biological parents, hindi ka puwedeng i-adopt ng iyong stepfather. Hindi ka rin puwedeng i-acknowledge ng iyong stepfather dahil hindi siya ang iyong biological father. Kahit mapawalang bisa ang kasal ng iyong biological parents, hindi mo pa rin magagmit ang apelyido ng iyong stepfather. Ang Acceptance Fee ng abogado sa pagwalang bisa n kasal ay aabot ng at least PHP300,000.00 at ang resulta ay hindi garantisado kahit matagal na silang hiwalay.
Mas makabubuting gamitin mo na lamang ang pangalan mo sa iyong PSA Birth Certificate kung saan gamit mo ang apelyido ng iyong ina at ipa-correct ang mga documents mo para umayon sa iyong PSA Birth Certificate. Mas mura din ito kaysa ipa-walang bisa ang kasal.
Ito ang natanggap naming tanong:
Ang Aming Sagot:
Maaaring bawasan ang pangalan ng isang tao kung ito ay mahirap isulat. Kailangan mo pag file ng Petition o kaso sa korte under Rule 103. Ang first move mo ay kailangan mong kumunsulta sa abogado para gumawa ng Petition at para maghandle ng kaso para sa iyo. Ang attorney’s fees ay depende sa lalapitan mong abogado.
Normal lamang po na walang middle name sa Birth Certificate kung ang kanyang magulang ay hindi kasal at hindi siya na-acknowledge ng biological father niya. Hindi namin masasagot kung ano dapat ang gagawin dahil kulang ang detalye sa iyong tanong at iba iba ang solusyon sa mga issues. Mas mabuting lumapit sa abogado para ipa-correct kung may defect sa Birth Certificate.
Narito ang tanong na aming natanggap mula sa reader:
Ang aming sagot: Mas makabubuti na lumapit sa abogado dahil komplikado ang iyong katanungan at kailangan malaman ang birth date ng partner mo at kung kayo ay kasal o hindi. Kung ipananganak siya bago August 3, 1988 ay hindi niya puwedeng gamitin ang apelyido ng tatay niya maliban na lang kung kinasal ang kanyang magulang. Kung kasal sila, ang process ay LEGITIMATION. Kung pinanganak siya after 1988, kailangan na ang tatay niya ay gumawa ng Affidavit to use surname. Ang mga process na ito ay gagawin sa Local Civil Registrar kung saan nakarecord ang kanyang LCR birth certificate.
Kung hindi maaring ayusin ang apelyido ng tatay ng iyong mga anak, palitan na lamang ang apelyido ng iyong mga anak sa kanilang local civil registrar at ipakita ang PSA ng kanilang tatay.
Ito po ang katanungan na aming natanggap:
Sagot: Kung naipanganak ang baby ninyo ng 2016 to 2023, kailangan po gumawa ang tatay ng Affidavit of Paternity at Affidavit to use surname. Tapos ibibigay niyo po iyon sa inyong local civil registrar para magamit ng inyong anak ang apelyido ng kanyang tatay. Ang local civil registrar ay madalas matagpuan sa inyong City o Municipal Hall. Ang ahensiya na iyon ang nagrerecord ng mga Birth Certificate.
Susunod na po ang ibang mga katanungan sa susunod na araw. Salamat.
MARIA CONCEPCION CASTILLO GUIANG says
Hello po. Paano po papalitan ung apelyedo ngayon ng anak ko. Ni acknowledged po ng tatay nya..
Ngayon kasal na po ako sa iba
pwd ko po bang papalitan gamit ung apelyedo ng asawa ko?
Simplify says
Kailangan po adoption para magamit ng anak mo yung apelyido ng husband mo. SA DSWD po nagpro-process ng adoption
Anonymous says
Paano Kong Ang pangalan Ang baguhin Kasi Ang nakalagay sa psa ko ay John pero Ang ginagami t ko Ngayon ay jun Mula noong ako ay nag aaral ay yong jun na Ang ginagamit ko Hanggang akoy kinasal, among kaylangang documents para makuha yong jun na pangalan ko? Thanks po
Simplify says
Punta po kayo sa LCR para po palitan yung first name ninyo. Magbibigay po sila ng checklist ng requirements.
John paul mabalay says
Paano ko po magagamit sa birth cert,nso,psa ang apelyido ng tatay ko kung patay na po sya. Ngunit ngunit wala syang pirma ano po ang dapat kong gawin para magamit ang apelyido nya
Simplify says
Kasal ba ang iyong mga magulang? Kung hindi, kailangan mo ng naiwan na kasulatan mula sa kanya na nagsasabing ikaw ay anak niya. Kailangan mong magsampa ng kaso ng paternity sa korte at gamitin ang nasabi na ebidensiya na ikaw ay inako niya bilang anak.