Puwede bang palitan ang kasarian o gender sa PSA Birth Certificate matapos ang Gender Reassignment Surgery?
Ang Gender Reassignment Surgery (GRS) ay isang klase ng surgery kung saan babaguhin ang hubog ng sex organ ng isang tao upang ito ay magmukhang female o male sex organ. Ang surgery na ito ay kadalasang isinasagawa sa taong may gender dysphoria para makamit nila ang nais na kasarian. Matapos ang matagumpay na gender reassignment surgery maaari bang magpapalit ang pangalan at kasarian sa PSA Birth Certificate?
Ang pagpapalit ng kasarian, kung may typographical error, ay maaaring baguhin sa Local Civil Registrar ayon sa RA 9048. Kung may pagkakamali, na hindi clerical error, ito ay maaaring itama ayon sa Rule 108 ng Rules of Court kung saan kinakailangan magkaroon ng trial. Ang pagpapalit ng kasarian matapos ang gender reassignment surgery ay idadaan sa Rule 108 ng Rules of Court, ngunit ito ba ay a-aprobahan ng korte?
Si MARIO DOE (hindi niya tunay na pangalan) ay mayroong gender dysphoria kung saan mula pagkabata ay turing niya sa kanyang sarili ay isa siyang babae ngunit nasa maling katawan. Ang gender dysphoria, ayon sa American Psychiatric Association, ay hindi katulad ng gay o lesbian. Ang gender dysphoria ay isang recognized medical condition ngunit hindi isang mental illness. Si Mario ay nagpa gender reassignment sa Thailand at nagsumite ng kaso sa Pilipina para palitan ang kanyang kasarian mula “MALE” to “FEMALE” at palitan ang kanyang pangalan mula “MARIO” to “MARY JANE”.
Ayon sa Korte Suprema (Supreme Court) ng Pilipinas ang pagpapalit ng kasarian matapos ang gender reassignment surgery ni Mario ay hindi raw maaari. Ayon sa Korte wala raw batas sa Pilipinas na nagbibigay pahintulot para palitan ang kasarian ng mga kababayan nagpagender reassignment surgery. Ang solusyon raw dito ay ang pagpasa ng kongreso ng batas na magpapahintulot dito.
Maaaring Palitan ang Kasarian matapos ang Gender Reassignment Surgery kung…
Si NINA DOE (hindi niya totoong pangalan) ay nagpa-gender reassignment surgery sa America upang baguhin ang kanyang sex organ mula Female to Male. Si NINA DOE ay mayroong Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH) o sakit kung saan ipinanganak siyang may dalawang kasarian. Ngayong nasa tamang gulang na siya ay naramdaman niya na isa siya ay lalake at hindi babae taliwas sa nakasulat sa kanyang birth certificate. Siya ay nagtungo sa korte para palitan ang kanyang kasarian, pinayagan ba siya?
Did you know?
Ang pagpapalit ng kasarian at pangalan ay pinapahintulutan sa mga citizens ng United States of America matapos ang gender reassignment surgery.
Si NINA DOE ay pinayagan ng Korte na palitan ang kanyang kasarian at pangalan dahil siya ay may Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH). Ayon sa Korte, ang “pagkakamali” sa kasarian ay dahil sa kanyang sakit na CAH at hindi dahil sa artipisyal na paraan.
CONCLUSION: Puwede bang palitan ang kasarian o “gender” sa PSA Birth Certificate matapos ang Gender Reassignment Surgery?
Ang pagpapalit ng kasarian sa birth certificate matapos ang GRS ay nakabase sa pisikal na karamdaman ng isang tao. Kung ang GRS ay alinsunod sa isang proven physical disorder, maaaring pahintulan ito ng Korte. Sa ngayon, hindi pa tinatanggap ng Korte ang gender dysphoria bilang isang karamdaman para baguhin ang kasarian ng isang tao.
Leave a Reply