Prepaid Card Alternative to Credit Card.
Nais mong bumili ng online products pero wala kang credit card? Hindi mo kailangan ng credit card para bumili, mag-apply ka na lamang sa prepaid card.
Ano ang Prepaid card?
Tulad ng credit card, meron din siyang card number, expiry date at security number tulad ng credit card. Ang pinagkaiba lamang ay: Ang credit card ay utang, kapag bibili ka ay automatic na nagkakaroon ka ng utang. Ang Prepaid card ay kailangang lagyan ng pera bago ka makabili at bago mo magamit.
Prepaid Card Alternative to Credit Card :
Advantage ng Prepaid Card
#1 Magagamit ang Prepaid Card sa pagpurchase Online
Para rin siyang credit card at puwede kang bumili sa lazada, aliexpress, at iba pang online shops na tumatanggap ng credit card. Puwede mo rin siyang ilink sa paypal. Basta siguraduhing tama ang perang laman niya.
#1. Sa Prepaid Card, ligtas ka sa Identity Fraud, Phishing at recurring price
- Sa ngayon maraming scams at paraan para malaman ang card details mo. Pag nakuha nila ito ay puwede ng gamitin ng scammer ang credit card mo para bumili ng kung anu-ano ant magugulat ka na lamang kung bakit ang dami mong utang. Naabot mo na rin ang credit card limit ng card mo at ikaw ang magbabayad dito. Kapag prepaid ang gamit mo, kung ano lang ang laman ng card mo ang magagamit nila at puwede mo pang palitan ang card. Halimbawa, ang credit card limit mo ay P50,000 – ang mga theft ay magagamit ang buong Php 50, 000 at ikaw ang magbabayad. Kung Prepaid card at saktong P4000 ang laman, yun lang ang magagamit mo.
- Sa recurring price naman, madalas ay gagamitin natin ang card natin para sa mga “free trial” pero pagkatapos ng free month ay magchacharge na sila. Kadalasan ay nakakalimutan nating iterminate o icancel ang subscription na ito kaya nachacharge agad sa credit card. Kung prepaid card ay magcacancel lamang ang payment t hindi ka machacharge. Siguraduhin lang na sakto palagi ang pera mo sa prepaid card
#3 Makakaiwas sa Impulse Buying
Madaming napakasayang bilhin online at madali lang iorder kung may card ka. Kung may credit card ka ay sige lang ang pagbayad. Pero kung ang gamit mo ay prepaid card at walang laman, magkakaroon ka ng panahon na pag-isipan bago bilhin ang isang bagay dahil kailangan mo pang loadan ang iyong card.
Tis para makaiwas sa theft o scam
- Siguraduhing halos sakto ang laman pag bibili ka online at lagyan lang ng pera ang card kung kailangan para kahit makuha ang credentials mo ay hindi nila magagamit ito.
- Make sure na trusted sites ang pagbibigyan mo ng card.
- Umiwas sa impulse buying.
Icheck ang susunod na Post kung paano makakuha ng prepaid mastercard.
Leave a Reply