Pinoy Minimalism blog Paano Makatipid Tips
Ang isa sa dahilan kung bakit maraming mahirap sa Pilipinas ay dahil ang mga Pilipino ay bili ng bili ng mga gamit kahit hindi natin kailangan. Ang CONSUMERISM ay isang theory na naniniwalang mas aangat ang ekonomiya kung mas maraming bibilhin ang mga tao. Ang problema dito ay ang mga middle class at below middle class na pamilya ang humihirap dahil sa pagbili nila ng mga hindi kinakailangan na gamit. Dapat bawat Pilipino ay “wise buyers”. Ang Pinoy Minimalism blog Paano Makatipid Tips for the day ay mga sumusunod:
#1. Umiwas sa konsepto ng CONSUMERSIM
Halas lahat ng Pilipino ay nabubuhay para makiuso at bumili ng kung ano ang bago. Tayo ay nakakakuha ng pera, at kinabukasan gagastusin sa mga gadgets, damit, at iba pang materyal na bagay. Kaya napakaraming mall sa Pilipinas dahil ang mga Pilipino ay madaling kumbinsihing bumili ng kahit anong produkto.
May mali ba sa paraan na ito? Hindi ba’t tayo ay nabubuhay at kumikita ng pera para gastusin lamang? Hindi ba’t ang pera ay dapat ginagastos? Ang pera ay dapat ginagamit sa makabuluhang bagay at hindi lamang sa mga bagay na nawawalan ng value sa mahabang panahon. Kung ang mga langgam ay nag-iipon ng pagkain para may makain sa tag-ulan, ang mga Pilipino ay parang si Tipaklong na hindi nag-iipon.
Ano ang Consummerism sa Pilipinas?
Bawat Christmas, bawat may pagdiriwang, bawat araw bumibili tayo ng mga bagay na itatapon natin kinabukasan o itatago na lang sa cabinet na nag-uumapaw na sa dami ng gamit. Kapag may sale, bibili tayo ng tambak tambak na gamit. Basta may pera tayo ay ibinibili natin ng materyal na bagay. Araw-araw may binibili tayo na hindi naman natin kailangan. Pabago-bago tayo ng gamit at laging nagtatapon ng luma. Yumayaman ang mga malls at stores habang tayo ay humihirap. Ano ba ang makukuha natin sa pag-ipon ng mga kagamitan na hindi naman maggagamit ng matagal?
Related Posts: Sekreto na Mayayaman part 1
#2. Bumili ng ASSETS at hindi liabilities
Related: Bakit kailangang mag-ipon habang maaga?
Marami sa atin ang nag-iipon para lamang bumili ng gadgets. Kapag nakabili na ng gadget, mag-iipon ulit para bumili ng bagong gadget. Kung may naipon kang Php6,000, saan mo ito gagastusin? Sa (1) bagong gadget? (2) Bagong damit? O (3) stocks ng jollibee, BDO, BPI, SMDC? Halos 99% ng kabataan ay 1 at 2 ang bibilhin dahil hindi nila alam na pwede silang bumili ng stocks. Ang mga gadgets, branded na damit at bag, additional appliances ay nagreresulta lamang ng gastos at hindi tamang investments. Habang tayo ay bata pa, mas makabubuting matutong mag-invest at magtipid habang maaga.
RELATED: 7 easy investments para sa mga Teenagers
Sino sa kanila ang wais at sino ang biktima ng consumerism? Kung napansin niyo, sina Anna, Jennie, at Mr. Dela Mundo ay ginagamit ang pera sa mga unnecessary things o mga bagay na hindi natin kailangan. Hindi lang pera ang nasasayang kung hindi pati space sa ating bagay. Ang mabilis na pagbili at pagdispose ng gamit ay matatawag na consummerism.
Ano ang masasabi ng Bibliya sa Consummerism?
Sabi sa bibliya,
“Unreasonable one, this night they are demanding your life from you. Who, then, is to have the things you stored up?” Luke 12:20”.
Ibig sabihin bakit ka nangongolekta ng mga bagay na walang saysay at walang maidudulot na maganda sa iyong buhay. Mahilig bumili ng mga bagay ang mga Pilipino, halos 25% na binibili natin ay hindi naman natin gagamitin.
Isa ka bang Pilipino na bikitima ng Consumerism?
#3 Gumamit ng Minimalist approach?
Dati rati bumibili ako ng mga libro dahil naka-sale siya, dahil Php20 lang o Php50.00 bawat libro. Pakiramdam ko nakamura ako. Pero ni isang beses hindi ko binasa ang librong nabili ko. Nakadagdaglang siya sa bookshelf, para lang siyang kalat na hindi ko maalis. Ngayon, pinipili ko na ang bawat bibilhin ko. Tinatanong ko sa sarili kung magagamit ko nga ba ito o hindi. May mas mura bang paraan para makuha ko ito?
May nakita akong sale na damit sa halagang Php100 pero wala akong damit ng babagay dito. Ano ang gagawin ko?
- A. Hindi ito bibilhin.
- B. Bumili ng isa pang damit na babagay dito
- C. Bilhin pa rin dahil baka may bumagay na damit.
Kung pinili mo ay (B), isa kang biktima ng commercialism. Para sa isang bagay gagastos ka ng mas malaki at magdadagdag nanaman ng damit sa cabinet mo. Kung C ang pinili mo, bumili ka ng gamit na hindi mo magagamit. Kung wala kang nahanap na babagay dito, maitatambak lang siya at nagsayang ng Php100.00. Kung wala kang maisip na babagay dito, bakit mo bibilhin?
Anu-ano ba ang mga minimalist ideas na makakatulong sa iyo upang magtipid?
Necessary, mga bagay na kailangan mo para mabuhay, mga taong magpapasaya sa iyo, mga bagay na tutulong para mapabuti ang buhay mo. Mga bagay na kailangan mo para maabot ang iyong mga pangarap. Yan ang mga necessary things sa buhay. Pagkain, desente at matibay na damit, device for communication na hindi kailangang nasa uso, kailangan mo sa eskwela na hindi mo makukuha ng libre sa ibang lugar. Kung hindi necessary ang binibili mo, isa na itong clutter at ikaw ay biktia ng consummerism.
Related Posts: Goal Setting sa Minimalist na Paraan
Ang mga minimalist ay may goals sa buhay. Ang mga bagay at desisyon nila ay dapat nakaturo sa goal na iyon.
Bago ka bumili ng isang bagay, pag-isipang mabuti kung kailangan mo ba ito? Isa sa sekreto ng Minimalism ay ang paghihiwalay na kailangan (NEED), nais (WANT), at LUXURY items. Ang necessary ay mga bagay na kailangan mo para mabuhay tulad ng pagkain, tubig, damit, shelter. Ang WANT ay mga bagay na pandagdag ng quality sa mga necessary items tulad ng brand new o second hand, generic o branded. Ang luxury items ay mga bagay na mabibili mo lang kung may sobra kang pera.
Isiping mabuti, bakit ko bibilhin ang bagay na ito. Ano ang magagawa niya sa akin?
Gumawa ng wanted list. Ilista rito lahat ng gusto mong bilhin, matapos ang isang linggo, i check ang list kung gusto mo pa ring bilhin ang mga ito.
Itanong sa sarili, may nabili ba akong WANT sa araw na ito? Ano ang magandang dulot nito sa aking kalusugan, spritual, emotional?
Pinoy Minimalism blog Paano Makatipid Tips
Kung meron kang PHP1,000.00 ngayon ano ang bibilhin mo? Naisip mo bang puwede kang bumili ng stocks ng PETRON sa halagang Php932.00?
Related Posts: Paano bumili ng stocks gamit ang BPI Trade?
Leave a Reply