Pananakot ng Collector ng Utang, Legal nga Ba? Lahat ngayon ng mga financial institution at lending companies ay ibinibigay ang listahan ng hindi nakapagbayad ng utang sa mga Collecting Companies. Ang mga collecting companies na ito ang tumatawag at pumipilit sa mga debtors (nagkautang) para magbayad.
Ang Kwento ni Shiela mula sa kanyang collector ng utang
Si Shiela (hindi totoong pangalan) ay nagkaroon ng utang mula sa Company X dahil hindi niya nabayaran ang kanyang credit card ng ilang buwan na. Ngayon siya ay tinatawagan at tinatakot ni Company Z kung saan sinasabi rito na siya daw ay nakalista na sa NBI at parating na ang mga pulis na aaresto sa kaniya. Madalas ay tinatawagan din siya ng madaling araw at tinatakot na isisiwalat daw ng company Z sa boss ni Shiela na siya ay hindi nagbabayad ng utang. Nakakatanggap rin siya ng mga death threats at pananakot na masisira daw ang kanyang buhay kung hindi siya nagbayad.
Isa lamang si Shiela sa mga nahaharass ng mga collecting companies para piliting magbayad. Alam ng marami na ang utang ay dapat bayaran ngunit legal ba na gumamit ng harassment ang mga collecting agents?
Ano Ang Harassment?
Ang harassment o panliligalig ay ang agresibong pananakot ng mga collecting agencies laban sa mga nagkakautang. Maaari itong gawin sa liham, email, text, facebook o voice calls. Ang harassment ay pinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Securities and Exchange Commission (SEC).
Ano Ang Mga Pinagbabawal Na Gawain Ayon sa BSP at SEC?
Ayon sa BSP Circular 454 at SEC Memo Circular 18 series of 2019, ang mga sumusunod ay pinagbabawal na gawain ng mga collecting agents ayon sa BSP at SEC:
a) Paggamit ng dahas o kaya ay pagbabanta ng karahasan o iba pang kriminal na gawain na makakasakit sa katawan, reputasyon, o pag-aari ng sinumang tao;
b. Paggamit ng mga malalaswa, pang-iinsulto, pagmumura, o bastos na wika na may katumbas na criminal act or offense sa batas;
c) Pagsisiwalat ng mga pangalan ng nagkakautang kapag sila ay hindi nakapagbayad ( except Subsec. X320.9 and 4301N.9);
d) Pagbabanta na sila ay gagawa ng mga hakbang na hindi maaaring gawin sa legal na paraan;
e) communicating or threat to communicate to any person credit information which is known to be false, including failure to communicate that a debt is being disputed;
f) any false representation or deceptive means to collect or attempt to collect any debt or to obtain information concerning a cardholder; and
g) Pagcontact mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM na walang paunang pahintulot mula sa nagkakautang.
Sino ang mga Pinagbabawalan ng SEC at BSP?
Lahat ng Financial institutions at lending companies tulad ng banko, subsidiary/affiliate credit card companies, collecting agents, abogado at kanilang agents.
Ano ang Parusa sa Mga Gumagawa ng mga ito?
Ayon sa SEC ang parusa sa mga gumagawa nito ay ang mga sumusunod.
Mapapansin na mababa lamang ang penalty na ito ngunit maaari rin na mawalan sila ng lisensya kapag paulit-ulit nilang ginagawa ang mga pinagbabawal na pangongolekta.
Anong Gagawin ko kung ako ay Hinaharass ng Collecting Agents?
Una, itago lahat ng komunikasyon sa debt collector tulad ng demand letters, text messages and e-mails. Kung maari at kung pumayag ang debt collector, irecord ang inyong mga usapan sa telepono o kaya habang kayo ay magkaharap na nag-uusap. Tandaan na ang pagrecord ng usapan na walang pahintulot ay isang krimen ayon sa anti-wire tapping law.
Pangalawa, bumisita sa Financial Consumer Protection Department ng BSP at/ o ireport ito sa Securities and Exchange Commission.
Disclaimer: Mas makabubuting kumunsulta muna sa abogado bago magreport upang mas makatanggap kayo ng tamang gabay sa pagsettle ng inyong utang. Ang sitwasyon ay iba-iba sa bawat tao kung saan nangangailangan ito ng iba’t ibang legal na solusyon.
Leave a Reply