Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate? Paano nga ba papalitan ang first name kung wrong spelling, baby boy/girl, o iba sa pangalan na kinalakihan mo? Kung wrong spelling ang middle name, other entries, maling kasarian, maling birth day at month basahin dito.
Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate kung wrong spelling/ baby boy o girl ang nakasulat, o iba siya sa school records mo?
Q: Ano ang puwedeng palitan na pangalan?
A: Ang puwede lamang palitan ay ang FIRST NAME na wrong spelling o ang nakalagay ay BABY BOY o BABY GIRL.
Wrong spelling na Apelyido (LAST NAME) , Place of Birth, Name of Parents.
Walang Birth date o may blanko sa Birth Certificate.
Kung hindi ito ang batayan ng pagpalit ng iyong pangalan, basahin ang guide sa: Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate (Kung hindi wrong spelling)
Q: Kailangan ba ng attorney?
A: OO, dahil kailangan mong magpagawa ng affidavit/ petition na ibibigay sa local civil registrar. I google lang o ipagtanong kung saan ang Local civil registry sa inyong lugar.
Q: Ano ang mga kakailanganin para sa pagpalit ng pangalan?
A: Kailangan ihanda mo muna ang mga sumusunod:
(a) Photocopy/ machine copy ng page sa book register ng maling pangalan na papalitan. Makukuha ito sa local civil registrar kung saan nakatago ang records mo o kung lumipat ka na ng tirahan sa local civil registrar kung saan ka nakatira.
(b) Dalawa o mahigit pa na private o public document kung saan makikita ang tamang pangalan (correct name) tulad :
- baptismal certificate,
- voter’s affidavit,
- employment record,
- GSIS/SSS record,
- medical record, school record,
- business record,
- driver’s license,
- insurance,
- land titles,
- certificate of land transfer,
- bank passbook,
- NBI/police clearances
- civil registry records of ascendants
- and others.
(c) Affidavit o petition to change name;
(d) Notice and Certificate of Posting
(e) Certified machine copy of the Official Receipt of the filing fee
(f) Other documents as may be required by the City/Municipal Civil Registrar.
Q: Magkano ang bayad?
A: Maliban sa bayad sa lawyer para sa petition, kailangan magbayad ng Php3,000 para sa Change of Name. Additional Php1,000 kung ikaw ay nasa ibang Local Civil Registrar.
Q: Saan ibibigay ang petition?
A: Sa Local Civil Registrar kung saan ipinanaganak ang papalitan ng pangalan o kung lumipat ng tirahan, sa lugar kung saan kayo nakatira ngayon.
Q: Additional questions?
A: Pumunta sa inyong Local Civil Registrar. O mag e-mail/ comment dito. 🙂
Paano papalitan ang LAST NAME dahil sa LEGITIMATION o PATERNITY RECOGNITION?
Kung ang iyong magulang ay nagakasal o ang iyong ama ay nagpakita at pumayag siya na gamitin ang apelyido niya at nirecognize ang inyong anak, pumunta lamang sa inyong pinakamalapit na Local Civil Registrar.
Anonymous says
Pwede po ba magpabawas ng letter sa first name po?
Simplify says
Kung clerical error po siya pwede
Anonymous says
Paano malalaman kung ano yung civil registrar mo? Hindi kasi kami naguusap ng mga parents ko. pero sa PSA ko nakalagay ang place of birth ko is Urgent care clinic, paranaque city metro manila.
Simplify says
Sa pinakataas na part po ng PSA Birth Certificate ninyo may nakasulat na, “Province”, “City/Municipality”, “Registry No.”
Kung anong City/Municipality yung nakasulat, doon po nakarecord ang inyong birth certificate.
Anonymous says
Pwedi po bang mag tanong magkano po kaya magagastos ko sa pagpapalit ng apilido ng anak ko dati nyang apilido soriano ngayon po gusto ko po francisco gamitin nya dahil kasal po ako sa pangalawa kong asawa.nag separate po kami kasi ng tunay nyang tatay maraming salamat po?
Simplify says
kailangan po diyan adoption. I-adopt po ng second husband ninyo yung anak ninyo. Punta po kayo sa DSWD.
Anonymous says
Admin pano po pag walang pangalan ang nakalagay sa NSO?
Simplify says
paanong walang pangalan? Negative Birth Certificate po ba o blank lang? Thank you
Pauline says
Maglalabas po ba ng pera for adoption sa dswd ?
Simplify says
Sabi po sa Infographic ng DSWD, libre po ang services ng DSWD pero kayo ang gagastos sa mga documents na kailangan
Niña karen Nogales says
Admin pwede ko pa po ba palitan yung apelido ko. nakalagay po kasi sa school records at mga ID ko apelido ng tatay ko. kaso nung kumuha ako nang NSO dun ko lang po nakita na ang nakalagay sa birth certificate ko. apelido ng nanay ko. pwede ko po ba dito ko nalang lakarin sa ilocos norte. pero pinanganak po kasi ako sa taytay rizal. salamat po !
Simplify says
Kailangan po sa Taytay Rizal ayusin, pero tawagan niyo po LCR sa Ilocos Norte kung tumatanggap sila ng Migrant Application.
Anonymous says
ask ko lng po kung ano dapat ko gawin kasi po yong nasa PSA ko ay apelyedo ng mama ko ang nakalagay pati na gitna..magkano po kaya magagastos..salamat po
Simplify says
Magfa-file po kayo ng Petition for correction of clerical error sa Local Civil Registrar. Mas mabuting tawagan niyo po yung LCR para macheck ninyo yung filing fees nila.
Anonymous says
Hello po tanong ko lang po magkano po kaya magastos pag nag papaayos ng birth certificate
Kase yung sa birth po kase ng asawa ko yung first name nya naging apilyedo nya tapos yung apilyedo nya naman naging first name nya nagkabaliktad po yung last name saka first name
Simplify says
Kailangan po niya magfile ng correction of clerical error sa Local civil Regitrar kung saan nakarehistro yung birth certificate niya. Tawagan niyo po yung LCR para malaman yung bago nilang filing fees.
CHARMAINE POLPOG ANTONIO says
Panu po pag pangalan ng tatay ko ang ginamit na apelyido ko since birth ,pwede po ba palitan ??
Simplify says
Depende po sa sitwasyon, hindi po lahat napapalitan.
Famella says
Hello po pwede ko pa po kayang papalitan ung name Ng anak ko po na from Lucifer to Lucas. Wala pa pong isang taon ang baby ko po bale kakalabas lng po namin Ng hospital
Simplify says
Punta po kayo sa Local Civil Registrar kung saan nakaregister yung anak ninyo para papalitan yung first name niya under RA 9048. Gagawa po kayo ng Petition doon.
Anonymous says
May bayad po ba kung babawasan yung pangalan yung first name po sana mapansin po.
Simplify says
May bayad po and depende po kung i-aapprove.
Cristel says
Paano naman po kung ang gamit kong apelyido ay sa tatay ko since birth nakaregisternaman sa local civil registrar yung birth certificate ko kasal both parents at may certified tru copy den pero lumabas sa PSA ko nakalagay surname nang nanay ko ?? Ano po pwede gawen ?
Simplify says
Pumunta po kayo sa Local Civil Registrar o tawagan sila para ipa-update sa LCR yung birth certificate ninyo para ilagay nila ang surname ng father ninyo. Magbibigay din po sila ng mga requirements na dapat ninyong ibigay sa kanila. Tapos po LCR na rin po magfoforward sa PSA kapag na-update na yung LCR Birth Certificate ninyo.
jm says
good day po paano po kaya ang proseso at magkano ang magagastos sa pagpapalit ng apelyedo ng anak ng aking napangasawa., gusto ko po sana ipagamit sa anak ng aking napangasawa ang aking apelyedo., ang apelyedo po kasi ng mga bata ay apelyedo ng kanilang ama., salamat po sa inyong agarang sagot
Simplify says
Hello,
Kailangan niyo po na i-adopt ang mga anal ng asawa niyo. Pumunta po kayo sa DSWD para alamin ang requirements ng Adoption.
Mavell says
Tanong ko lang po, un birtcertificate po ng anak ko ala po Middle name kc gamit po nia epilyido ko , gisto ko po sana lagay na lang middle name nia un sa father’s nia pwede po b un
Simplify says
Hindi po maaaring lagyan ng middle name kung apelyido niyo gamit ng anak niyo at hindi kayo kasal.
Anonymous says
Hello po, kumuha po ako ng PSA at ang lumabas na apilido is yung sa nanay ko, pero yung ginagamit kong apilido nung nag aral ako yung sa tatay ko. Pero ang susundin ko yung apilido ng nanay ko
Simplify says
Ipacorrect niyo po sa school yung records ninyo para tumugma sa birth certificate ninyo.
Anonymous says
Hello po tanong ko lang yung ka live in partner kopo kasi hindi kami makapag pakasal kasi Gamit po nya sa Lahat apilido ng tatay nya pero sa Birthcertificate po nya nakalagay lang name at nakaapilido apilido ng nanay nya wala po syang middle name ano po dapat gawin po
Simplify says
Palitan po niya mga IDs at school records niya para tumugma sa apelyido na nasa birth certificate niya. Most probably, hindi po kasal magulang niya or naipanganak muna siya bago sila ikinasal kaya po ganun ang nasa birth cert niya.
James Andrei Benedict Christian Baguistan Bautista says
Tanong ko lang po, puwede ko ba palitan yung pangalan ko para hindi na minamaliit yung name ko.
Simplify says
Pwede po pero sa korte na po siya.
Carl says
Nung pumunta ako sa PSA akala ko mali Ang last name ko, then pumunta ako sa LCR then pinakita ko at binigyan ako ng Certified Machine Copy ng Birth certificate ko and Tama naman Ang lahat ng entry. Tapos non pumunta ako sa PSA ulit at pinakita ko at Ang Sabi nila Hindi daw po pwede magkamali Ang PSA Kasi Same daw po Ang LCR number sadyang blurry lang daw po….
Ang tanong ko po baka biglang ehhh correct ng PSA then magalaw pa ng magkali pa, Hindi po bahh yun nila gagalawin ang record ko… Ikalawa Kong tanong. Ang birth certificate na record ko bah sa Munisipyu ehhh Hindi mawawala at mababago.. natatakot Kasi ako baka baguhin nila without my permission
Simplify says
Hindi po pwedeng palitan ng PSA yung LCR birth certificate ninyo. Kailangan niyo po lagi magdala ng LCR copy ng birth certificate niyo pag required ang PSA certificate para ipakita ang tamang spelling ng pangalan ninyo.
Arlyn Pereña says
Paanu mag pa dagdag ng pangalan sa live birth certificate?
Simplify says
Hindi po maaaring magdagdag ng pangalan sa live birth certificate. Maaari lamang po itong dagdagan kung sa school records, baptisimal, at iba pang ebidensiya ay mayroon ang nais idagdag na pangalan.
Judy Salazar says
goodafternoon po. ano pong requirements kapag mali po ung name ng father ko na nakalagay sa birth certificate. ? pwede po ba sa abogado agad?
Simplify says
Maaari po kayong pumunta sa Local Civil Registrar niyo para sa clerical correction.
Anonymous says
Hi Po nais ko pong ipagamit Ang apilyedo ko sa anak ko Ang nkaregister Po sa birth certificate nya ay apilyedo ng ama nya Hindi Po kmi kasal ng ama nya at matagal na rin Po kming hiwalay anu Po ba dapat Kong gawin…
Simplify says
Kailangan niyo po mag file ng change of name sa korte.
Joan velita says
Hello po dala po ng anak ang middle ko po,ngaun hindi po nibinigyan ng passport gawa ng pag gamitin nya ung pangalan na nasa psa birthr certicate lalabas po daw na magkapatid kami at diko sya makuha abroad,lumapit po ang sis n law ko sa municipal don sa civil registrar,binigyan po sa ng lawyer na napakamahal namn po ng bayad ang hiningi para daw tanggalin ang middle ng anak ko!!30k po ang hingi sakin,ano po gagawin ko?
Simplify says
Maaari po kayong maghanap ng ibang abogado na mas mura ang acceptance fee.
Jessabel says
good morning ! Paano po kung gusto lang dagdagan ang pangalan nasa magkano po ang magagastos at ano po ang requirements? Please sana mapansin
Simplify says
Depende po sa pangalan kung administrative or court. Visit niyo po yung Local Civil Registrar ninyo for inquiries. Thank you
Mary grace says
Tanong po
Pwede pa po bang ma correct spelling ang aking last name kahit Naka NSO na ang aking birth certificate at lahat ng school records ko ang aking last SEPOCADO KAHIT SOPOCADO NAMAN TALAGA, PWEDE PO BA?
Simplify says
yes, pwede
Lizel says
Hi,Good Pm po Ask ko lang po Mag kano po mag padagdag ng pangalan po tulad nalang po na Ferdieliza Jaudalso po pero gusto po lagyan ng Dianna pwde po ba yun
Simplify says
pwede po
Airene Ferr says
Good evening po Anu po Kung papalitan Ng apilyido kz ang unang nakalagay s apilyido Ng bata ay HND nya totoong tatay at ngaun ay gusto Ng i apilyido s totoo nyang tatay pwde po ba
Simplify says
sa susunod na post namin sasagutin ang katanungan ninyo.
Khy says
Admin magkano po magagastos kapag magpapapalit ng surname kapag yung surname ay di kanais nais.
Simplify says
Depende po sa legal fee ng lawyer na kukunin ninyo. Mga minimum of Php40,000.00
Anonymous says
Magkano po magpalagay ng name ng tatay sa birth certificate
Simplify says
depende po sa rason kung bakit hindi nakalagay yung apelyido.
Anonymous says
hi goovd evening ask ko lang po . mababago pa po ba ang apilyido ko sa nso? dahil simula pag kabata po ay last name na ng father ko ang gamit ko at late ko na nalaman na dapat ay sa mother ang last name na dapat na ginagamit. ano po kaya ang pedebg gawin?? salamat po in advance
Simplify says
Pwede niyo po palitan PSA niyo, gawa po ng Affidavit of Recognition yung father niyo at puntahan niyo po yung local civil registrar kung saan kayo nakarehistro.
Anonymous says
Hello po late registration po BC ako lahat po Ng IDs ko Luzminda po Ang gamit ko Kasi Yun po Ang given name Ng parents ko but upon getting my birth cert in PSA Ang nakasulat po ay Luzmenda ano po Kaya mabilis na paraan para maayos Kasi kailangn ko na po kumuha Ng passport pwede po ba mag present Lang sa supporting affidavit na one person Lang po so Luzminda and Luzmenda thank you po
Simplify says
Kailangan niyo po palitan muna sa Local Civil Registrar yung first name ninyo, bago ninyo gamitin sa passport ang Luzminda. Kung kailangan ninyo ng passport, gagamitin ninyo ay Luzmenda na nakasulat sa PSA kasi susundan po nila ay pangalan sa Birth Certificate kahit meron kayong Affidavit of one and the same person. Pag na-correct na ninyo sa Luzminda, gagawa po kayo ng Affidavit of Explanation sa FDA para palitan ang Luzmenda to Luzminda.
Anonymous says
Hai good day paano po ang gagawin ko kung nakarehistro na ang last name ng father ko livebirth ko pero sa psa ii last name parin ng mother ko ang nalabas
Simplify says
Kailangan po iforward yung Certificate of Live Birth niyo sa PSA. Bisitahin niyo po ang inyong local civil registrar.
Chris says
Hello, ask ko lang po bakit po dito samin per year daw ang babayaran para mapalitan ang mali sa pangalan? Parang 500 yata per year mula pagkaanak. May katotohanan po ba yun? Maraming salamat po
admin says
Greetings! Hindi ko po alam kung bakit, pero may nakatakdang presyo sa website ng PSA. Thank you.
Ana R. E. says
Hello po. Good day!
Ask ko lang po paano po kung wala akong Last Name sa NSO ko. Nakalagay po sa NSO ko ay First Name at Last Name ng Mother ko po. Pero po apelyido nang Father ko ang gamit ko.
Ano po dapat gawin?
Thank you & God bless.
Joyce says
Gud evening po tanong ko lang gaano po katagal ang pagproseso ng supplemental report ng nanay ko kasi wala po nkasulat sa psa ko kung ano religion, race at nationality.pero nkapagpasa na po ako galing sa municipal civil registral at my binigay sken document na mail ko sa legal instrument division PSA,Vidal Bldg. edsa, cor times st.OC
admin says
Greetings! Atleast 1 month po ang waiting time. Pwede niyo po puntahan ang icare ng PSA sa inyong lugar para ifollow up kung naupdate na.
Thank you.
Jonalyn says
Hello po tanong ko lng po pano kung gusto ko lng po palitan panglan ko pwde po ba yun
Simplify says
Pwede po kayong bumisita sa inyong local civil registrar. Thank you
Anonymous says
Same po rayo ng problema.. Last name din ng father ko gamit ko pero unmarried nakalagay kasi hindi sila kasal
Joan says
Ask ko lang po if anong gagawin kapapanganak ko lang po at yung b.cetificate po ng baby ko yung middle name po nia is hindi buo dxxx mxxxx po dapat pero D.M lang po ang nailagay ano po kaya pedeng kong gawin kkapa register lng po niya slamat po
admin says
Good day! magfile po kayo ng correction of entries sa local civil registry kung saan nakarecord ang pangalan niyo
Anonymous says
Ask ko lang po kung anong pwedeng gawin sa b.cert ng anak ko na mali ang first letter ng name nya. Ang galing sa LCR is Q*** J*** pero nung kumuha ako ng PSA ay Q**** S**** ang nakarecord. Anong proseso ang pwedeng gawin?
admin says
Greetings! Pumunta po kayo sa LCR para sa correction ng spelling. Sila po ang gagawa ng endorsement sa PSA.
vernadith says
hi po good morning,ask ko lang po kung ano dapat gawin kasi po iba yung nakalakihang pangalan ng mother ko imbis na vilma eh ginawang wilma yung name nya.peru vilma po talaga nasa birthcertifcate nya po talaga.kaso po sa birth certificate ko ehh wilma yung name na naka register,ano po ba ang dapat gawin,meron din cla marriedcertificte ng papa ko po wilma po talaga ang dala dalang name ng mama ko po, tnx po
admin says
Mag file ng Legitimation ang parents niyo sa local civil registrar kung saan nakaregister ang inyonh birth certificate.
Joan says
Hi! Ano pong ipafile namin, mali po yung First Name at Family name ng partner ko sa Birth Certificate niya. “Jeced Ello” po ang gamit niyang pangalan, pero “Jessid Elio” po ang nasa birth certificate niya. Pati po sa surname ng parents niya sa BC “Elio” yung nakalagay pero “ELLO” po talaga family name nila. Hindi po kami makapagpakasal dahil dito.
admin says
https://www.ikigaisimplicity.com/online-legal-consultation-in-the-philippines/
Flordeliza says
Hi po ask ko lng po anu po dapat gawin ko yung name ko po sa birth certificate flordiliza ang lahat naman ng nagamit sa school sss flordeliza anu po ang dapat kung gawin.
Anonymous says
Same as pano po?
Lory says
Hi po papaano.. po ba kasi mali young spelling ng pangalan. Mag kanu po ba yung magastos..
Dyanin says
Ask ko lang po, paano po kung walang errors pero gusto po palitan ang pangalan magkano po ang magagastos sa ganun? Salamat po
admin says
Sumangguni po sa abogado at dalhin ang birth certificates sa inyong consultation.
Gladys cruz says
Magkano Po Ang babayaran if magpalit Po Ng buong pangalan
Simplify says
Depende po sa legal fees ng lawyer na kukunin ninyo.
jonard rapada says
paano po ba mapapalitan ang isang letter sa pangalan ko . at matagal po ba proseso nun
Anonymous says
Nagpapalit ako ng letter sa PSA ko ilang days bago mapalitan ung letter?
yasmin says
hello po, paano poba mag palit ng name sa birth certificate, 1 year’s old lang po kasi ang papalitan ng name and inutos po namin sa friend ng mother ko pinaasikaso po namin, nag bayad po kami ng 3500 sa kanya ngauni’t ang birth certificate na ginawa nya late registered lang po nag doble na yung birth certificate ng anak ko pero mag kaiba ng name pero same ang last name, paano ko po kaya ito mapapatanggal yung pinagawa po namin sa iba kasi mali po yung nagawa nya.
mag papalit po ng name ng bata pero ginawa nya late registered
admin says
Greetings! Maaari po kayong sumangguni sa abogado para sa legal advice. Dalhin niyo po ang mga birth certificates sa inyong consultation.
Kimmy says
Good morning po! Nagkaproblema po kse sa birth certificate n anak ko mali po kase yung nailagay na last name ko dun sa birth certificate nya.. wla po kase akong middle name so yung gamit kong last name ay last name ng mother ko.. pero ung nailagay ko dun sa anak ko is last name ng father ko bale ung naging middle name nya is ung last name ng father ko. Gaano po katagal maayos yun?
admin says
Kailangan niyo pong magfile ng correction of entries sa korte (court). At least one year po ang proseso.
Anonymous says
Paano po mapapatangal Ang date Ng marriage Ng magulang mo sa birth certificate Kung ang magulang ay Hindi Naman kasal marami po bang babaguhin pag Hindi kasal Ang magulang mo
admin says
Pag hindi kasal ang magulang mo ay mapapalitan ang iyong apelyido sa apelyido ng iyong ina noong siya ay dalaga pa. Mapapalitan din ang status mo bilang legitimate to illegitamate. Kung nais mong ipatanggal ang date ng kasal, kailangan mong magfile ng petition sa korte.
Anonymous says
Paano ko papalitan yng last name koh. kc d pa poh kasal c nanay ko at tatay ko ng pinanganak ako.yng nasa birth certificate koh yong last name ko poh apelyedo n nanay ko
Elenor says
Hi,,,ask lng po ano dapat kung gawin kc Mali po ang Surname at last name KO dapat po kc
xxxxxx
ang nakalagay po sa PSA KO ay
xxxxxx pati RN po ung nasa baptismal ko kagaya ng nasa PSA KO ano po dapat kung gawin,
admin says
Sundan niyo na lang po yung nakalagay sa BIrth Certificate niyo dahil yun na rin ang nakalagay sa baptisimal ninyo. Kung nais niyong palitan, kumunsulta po kayo sa abogado dahil kailangang mag file ng kaso para itama ang inyong pangalan.
Gerila says
Paanu po ako gsto q lmg palitan po or patnggal u first letter sa name q? Mgkanu po byad? Pwd po Kya y ? Eh 39 uyrs s na o slo
admin says
Check niyo po sa inyong local civil registrar kung saan nakarehistro ang inyong birth certificate.
joy says
ask ko lang po ano po pwede gawin pag pinaalis isang letter sa name ng father ko sa birthcrtifcate ko po???
admin says
Apply for correction of Entries sa inyong Local Civil Registrar
jm says
magkano po gastoa magpaayos ng birth certificate male Kasi and nakalagay at female po ako. at nung kumuha ako SA PSA Ang daming Mali Kasi Wala po akong middle initial at apelyido ng mama ko Ang naging apelyido ko
admin says
1. Punta po kayo sa Civil Registrar para sa clerical correction ng inyong gender.
2. Sa middle initial at apelyido ng inyong ina, baka po nung nairehistro kayo ay hindi pa kasal ang inyong magulang. Punta kayo sa inyong local civil registrar para sa LEGITIMATION.
LANI says
good evening po.. paano po gagawin namin kasi ang name ng nanay ko na nakaregister sa PSA ay xxxx.. Kaso po ang gamit po ng nanay ko ay xxxx.. sa lahat po ID nya at sa marriage certificate po ay mercedes mariñas.. Sa PSA lang po iba name nya.. Salamat po
admin says
Pwede niyo pong ipacorrect ang kanyang birth certificate sa PSA. Pumunta po kayo sa inyong local civil registar kung saan nakarehistro ang inyong ina.
Rosalinda says
Tanung lng po anu pong dapat kong gawin para maayos po ang birtcerticate q kc po ang last name q sa apelido ng mama q sa pagkdalga gsto q po sana ipalgy yung apelyido ng papa q yun po kc gingmit q cmula nuon hanggang ngaun magknu po kaya aabutin ng gstos pasgot po slmat
admin says
Greetings! Ano po ang birth year ninyo and year kung kelan kinasal ang parents ninyo? Thanks.
Anonymous says
Atty. Help po magkano po ba bayad kung mag bawas ako ng name sa anak ko . QUEEN ELIZABETH po sya ipatanggsl ko po QUEEN . MGA MAG KANO PO KYA SAKA ANO PO REQUIREMENTS THANKS PO
admin says
Hindi mo maaaring bawasan ang pangalan niya unless kasama siya sa mga nabanggit na dahilan sa article.
Odezza says
Good morning po, Mag tatanung lang po ako magkano po ang mgagastos ko sa pagpalit ng apelyedo ng anak ko sa birth certificate nya.. Hindi po kami kasal ng kanyang ama at hindi rin po siya nagbibigay ng sustento. Ako na po ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng aking anak. Gusto ko n pong baguhin ang kanyang apelyedo. Sana po akoy inyong matulungan. Salamat po.
wilma says
patulong naman po ano bng ggwin para maayus npo yung livebirth ng asawako.madami po kasing mali sa livebirth nia po e tuld ng middle intial nia gender tska year ng kapanganakan nia po
Marvie says
Hello po? Pwede po ba pa Advice or ano dapat gawin po kc yong name ko po sa Birth Certificate ng anak ko eh hindi po pangalan ko ang nailagay sa Birth po at sa saka ung Middle name ko po sa pagkadalaga ay dapat Pxxx eh Pxxxx po ung nalagay sa birth po ng anak ko.. ano po dapat gawin?
Myra says
Ask ko lang po about legitimation . if after po magpasa ng requirements dadalhin pa daw po ba un sa manila ? Mga magkano po kaya magagastos sa pagpapalegitimate?
admin says
Sa local Civil Registrar kung saan nakaregister ang inyong anak siya. PHP10,000 ang babayaran.
Anonymous says
hello pu tatanung lang po panu pu ung psa at nso ko mag ka iba pu lumalabas na pangalan ko panu pu maaus un
Anonymous says
mag knu pu kya magagstos
kce pangalan at idad tas lugas pu pinag ka iba ng psa at nso ko
Precious says
Hello po. Good day po. Gusto ko po sanang palitan ang name ng anak ko kasi po mejo mahaba PRxxxx ELxxxx po. She was born may 16 this year pwde po ba?. Thank you
admin says
Hindi po siya pwedeng palitan unless may grounds ng change of name.
Thank you.
Kcee Alindogan says
Yung apelyido po na nakalagay sa birth certificate at baptismal ko ay alindogan pero ang totoo po ay alindugan. U po dapat at hindi po O. Simula po nung nag. elementary ako hanggang college yun na po ang gamit ko. Hanngang sa mga i. d katulad (din po ng voter’s ) yun na po ang nakalagay sakin.Anu po ang maaari ko gawin dun? Nagbabalak pa naman po ako mag. ayos na ng UMID tsaka magrerenew na ako ng lisensya kasi po nmna. expired na. Pls. do a reply po. Salamat and God bless po!
admin says
Sundan niyo kung ano ang nasa Birth Certificate, unless ipachange niyo ang nakalagay sa birth certificate niyo.
Pao says
Hi. Good morning po.
Kailangan po kasing i-correct ang first name ko and last name sa aking birth certificate. Kulang po kasi ng Miguel ang first name ko at middle name at apelyido po ng nanay ko ang nakalagay na middle name ko at apelyido ko imbes na sa aking tatay. Need ko sana yun ma icorrect para magkaroon nadin ako ng permanent SSS number since matagal nadin akong nakakapag-hulog po dito. Ang sabi sa askin kailangan ko daw po ng baptismal certificate kung magpepetition po ako kaya lang sabi ng church kung san ako bininyagan ay wala daw po akong record doon. Ang pangalan ko po sa aking baptismal certificate ay kapaeho ng pangalan ko sa aking birth certificate na kailangan ko pong itama. Ano po ang kailangan kong gawin para ma itama ko ang aking pangalan? Maraming salamat po.
admin says
Sundan niyo na lang po yung nasa Birth Certificate ninyo at ipacorrect ang SSS ayon sa birth certificate.
Kung gusto niyong papalitan yung birth name. Kailangan ng Legitimation sa Local Civil Registrar.
Anonymous says
Yung pangalan nya po kasi sa birth certificate ay mali po.
admin says
Punta po kayo sa inyong local civil registrar kung saan siya nakarehistro.
Pao says
Hi. Good morning po. Kailangan po kasing i-correct ang first name ko and last name sa aking birth certificate. Kulang po kasi ng Miguel ang first name ko at middle name at apelyido po ng nanay ko ang nakalagay na middle name ko at apelyido ko imbes na sa aking tatay. Need ko sana yun ma icorrect para magkaroon nadin ako ng permanent SSS number since matagal nadin akong nakakapag-hulog po dito. Ang sabi sa askin kailangan ko daw po ng baptismal certificate kung magpepetition po ako kaya lang sabi ng church kung san ako bininyagan ay wala daw po akong record doon. Ang pangalan ko po sa aking baptismal certificate ay kapaeho ng pangalan ko sa aking birth certificate na kailangan ko pong itama. Ano po ang kailangan kong gawin para ma itama ko ang aking pangalan? Maraming salamat po.
Hope says
paano po mag pa bawas ng pangalan ano po pwedeng gawin? ma. venice( koyasha ) yan po ipapatanggal ko. salamat po sa mag rereply.
Anonymous says
pwede po ba mag palit ng first name example Silvester to Silver?Kasi po may bura sa Birth Certificate q kaya gnamit q.Thank u
admin says
Sundin niyo na lang kung ani ang nasa birth certificate niyo, unless gusto niyong magbayad ng abogado at magfile ng kaso para palitan ito.
MonicA says
Paano po ba ang proseso ng pag palit ng birth of place kase po pinanganak lang ako sa bahay sa sa tondo manila pero pinarehistro po ako sa caloocan city pero nakalagay sa birthplace yung sa tondo manila ? Paano kaya ang proseso para ilagay na lang sa birthplace ko na caloocan city na lang po
admin says
Punta po kayo sa inyong Local Civi Registrar
Monica says
Saan po ba sa caloocan oh kung saan na po ako nakatira ngayon ?
admin says
Kung saan po nakaregister ang inyong birth cert. Sa Manila LCR.
Monica says
Saan po ba dapat pumunta sa caloocan po ba oh sa tinitiran ko na po ngayon ?
admin says
kung anong nakasulat sa birth certificate niyo na place of registration or kung saan kayo nakatira ngayon
admin says
Hi! Kailangan niyo pong magfile ng petition to change name sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang inyong records
Anonymous says
paano po papalitan yung middle initial ko po instead of maloloy-on naging argawanon po ??
admin says
https://www.ikigaisimplicity.com/paano-palitan-ang-clerical-errors-na-nasa-psa-birth-certificate/
admin says
https://www.ikigaisimplicity.com/paano-palitan-ang-clerical-errors-na-nasa-psa-birth-certificate/
Hayde says
Gusto ko po palitan ang first name ng baby ko .Mhylaine po ang pinangalan ng byenan ko nung nanganak ako hindi po nya sinunod gusto kong pangalan ng baby ko na dapat sana ay Ayeisha Miles. Pwede po kaya to?
admin says
Hindi po.
Rachelle says
Hello po, ako naman po problema ko po yung middle initial ko na instead na Nxxxxx naging Nxxxxxpo sa PSA ko.. Paano po yun? At mga magkano po kayo bayad po if ipapacorrect po? Salamat.
admin says
https://www.ikigaisimplicity.com/paano-palitan-ang-clerical-errors-na-nasa-psa-birth-certificate/
Jose says
Paano po ipalalagyan ng jr. ang pangalan ko? Junior po ako pero hindi nailagay sa birthcertificate ko. Paano ko po maipalalagay?
admin says
Punta po kayo sa inyong local civil registrar
Marilyn lange says
Itanong ko Lang poh, labag poh bah sa batas ang paglagay NG apeliyedo NG bata sa hndi nya tatay?
admin says
opo
Jeffrey says
Since nung nag aral po ako hanggang natapos mag college ang gamit ko “xxxxx” as my first name, kumuha ako ng birth certificate Ang lumabas xxxx na lang wala na ung xxxx….Tama po ba na sundin ko ung nasa birth certificate ko sa pagkuha ng SSS, tin, nbi etc…. At tsaka ko na lang pabago at ayusin Yung school records ko base sa nakalagay sa birth certificate ko? Ty po!
admin says
Tama po.
Elvie says
Ano ang mga proseso sa pagpalit ng gender ko kasi male nakalagay sa birth certificate ko. Magkano po ba ang bayad? Thanks!
admin says
https://www.ikigaisimplicity.com/paano-palitan-ang-clerical-errors-na-nasa-psa-birth-certificate/
Naneth says
Panu po kaya gagwin para mo mapalitan ung wrong letter sa pangalan ko halip po kc naneth makalagay sa nso ko nanetts po nailagay nila
admin says
https://www.ikigaisimplicity.com/paano-palitan-ang-pangalan-sa-nso-birth-certificate/
Pakibasa na lang po muli ang article na ito. Salamat
Tine says
Hello po. Ask ko lang po, kung paano palitan yung first name ng papa ko. Ang nakalagay po kasi sa Local Civil Registrar Rxxxx imbes na Rxxxx pati sa BC ko ganun din, pero hindi pansin kasi parang O yung E, nakakuha na rin po ako ng passport at hindi nila napansin kasi parang Rxxxx naman nakalagay sa bc ko. Sa birth certificate ng papa ko, marriage contract at mga I.D nya Rxxxxnaman nkalagay. Mapapabilis po kaya ang pangpalit ng name nya, need ko po kasi at mg-aabroad po ako.
admin says
Medjo matagal po pagpalit ng pangalan. Punta po kayo sa inyong local civil registrar for correction of entries.
Thine says
Paano po kaya yun, sino po Ngkamali? Isang letra lng po ang mali, imbes na O ilagay, E ang nakalagay. Sige po punta nlng po ulit ako sa LOCAL CIVIL REGISTRAR . Salamat po
Lady says
Hi. Ask ko lang po same procedure din po ba kapag may typo error sa middle initial?? Axxxx po ksi ang nakalagay w/c is Oxxx po dapat. Mkikita din saB Birth Cert na Letter O pero may erasure na ginawang letter A. Pero lahat ng documents nya ang ginagamit is Oxxxx. And nasa magkano po kaya??
admin says
Check it here. Thank you
rodolfo says
paano po ang paraan sa maling first name para ma correct po sa kasalukuyan ginagamit ko na pangalan
admin says
Basahin po dito: Paano palitan ang First Name sa PSA Birth Certificate
Desiree says
Hi po…ano pong paraan pwd q gawin pra ma correct ang mid initial q kht walang birth cert ang mother q? Cxxxxx po kc ang nsa birth cert q sa halip na Cxxxxx.
admin says
Kung may school records/ baptisimal cert ka na tama ang middle name o may marriage cert./ IDs ang iyong ina na tama ang apelyido ipakita mo ito sa inyong local civil registrar.
julieann says
hello po paano ko po mapapalitan ung last name ng anak ko sa psa kasi po iba po ung spelling niya ng last name sa last name ko po .. kasi po sa school kailangan daw po tugma sa last name ko ung spelling kaso po wrong spelling po siya bale po 2 letters po ung papalitan ko .. paano po un?
Chona says
Ask ko lang, pwede po bang magpadagdag ng name kc po sa NSO ko po ay Regina lang, tapos sa baptismal ko po at Regina Chona ang nakalagay at iyon po ang ginamit ko mula ng bata ako hanggang sa ngayon. Maiaayos ko po ba yon na idagdag ang 2nd name ko. Salamat po
admin says
Opo maaayos niyo ito. Kailangan niyo pong pumunta sa inyong local civil registry for correction of entries
admin says
Hi, pwede niyo po siyang palitan since typographical errors yun. Magdala po kayo ng medical exam na nagsasabi na kayo sa hindi male at proof ng totoong pangalan ng inyong ama. Pumunta po kayo sa inyong local civil registrar
Jullie says
Hello poh pano poh palitan ang gender ko sa NSO ko male KC naka lagay dun at Yung father name ko wrong din po palayaw nya lang KC naka lagay Hind Yung totoong name nya
christine says
Hello po ask ko lang po sana kung Paano po mag pabawas ng first name ng baby ko 3yrs old napo sya. ano pong mga requirements .
admin says
Bakit ninyo po ipapabawas ang first name niya?
Pablo says
Atty.wala po nakasulat sa birth certificate ng anak ko sa kanyang birthyear.ganito po March 20 blanko po ang year sa birth certificate.pinanganak po sya sa Quezon city.dto napo kami mindoro ano po gawin ko.
admin says
Greetings!
Puwede po kayong pumunta sa Local Civil Registrar ng Mindoro. Doon po kayo kumuha ng checklist ng requirements para maayos ang birth certificate ng inyong anak.
Chrisha says
Mag aask lang po ako kung pwede papo ipapalit ang first name at last name ng baby ko kahit naka registered napo ito sa city hall?
admin says
Kailangan niyo po magfile ng Petition sa Court para palitan ang last name at first name. Kung typographical error o mali ang spelling, pumunta sa local civil registrar. Kailangan niyo ng proof na mali ang spelling ng pangalan.
Patty says
Hello po
Paano paano po ang gagawin kapag papalitan po buong pangalan
Tatay kopo kc magpapapalit
admin says
Kung buong pangalan kailangan ninyong mgafile ng kaso sa korte para sa change of name.
Buknaii says
Paano po ang gagawin kung gusto ko pong tanggalin ang surname ng tatay ng anak ko sa birth certificate nya? Mag kano po kaya ang gastos? Mag aaral na po kasi sya sa june. Salamat
evelyn says
ano po ang dapat kong gawin at anu po ang mga requirements na kailangan ko kase po wala po akong middle initial, at ung surname ko naman po e surname ng mother ko sa pagkadalaga .. wrong spelling naman ang name ng mother ko sa birth certificate pati adress din po ay mali.
admin says
Hello, normal lang po na wala kayong middle name at tanggap po iyon ng batas ng Pilipinas para sa mga ipinanganak ng single mother. Malamang po ay hindi pa kasal ang inyong ina nang kayo ay ipinanganak at walang pirma ng paternity ang inyong ama kaya walang middle name at apelyido ng inyong ina ang nakalagay. Para sa typographical error sumangguni po sa inyong local civil registrar dahil sila ang nagproprocess ng corrections ng clerical errors.Kung nais niyo pong gamitin ang apelyido ng inyong ama, kailangan mo ng Affidavit of Paternity mula sa iyong ama.
Lanie santos dalampasig says
Hello poh…ask ko lang poh…kung paanu mag change ng name.
Anu-anu po bah mga kaylangan may bayad po bah..
At kaylangan po ba ng abogado ?
Gusto ko po sanang palitan yun pangalan ko ei..
Anonymous says
Hello po admin anu po dapat gawin gamit po KC ng anak ko ang middle initial ko…eh single parent po aku.salmat po.
Simplify says
Kailangan niyo po magfile ng correction of clerical error sa Local Civil Registrar kung saan nakaregister yung bata para ipaalis yung middle name niya. Pag single parent po blank po middle name.
Russ says
Hi po.tanong ko lang po kung gaano katagal ang proseso sa pagayos ng birth certificate ko.1 letter lang po ang mali,at sa first name ko lang po.need ko po kase maayos ASAP.at kung ano ang mga possible way para sa mas mabilis na proseso.
admin says
At least 1 month. Isangguni po sa inyong local civil registrar kung meron clang mas mabilis na paraan.
roma says
Hello po!!! tanong ko lang po kung papalitan kopo ng pangalan ang anak ko 8months pa lang po sya marty po kasi ang pangalan niya papalitan po ng kapangalan ng father niya para po mai-jr.
Ano po ang gagawin at mga requirements ang kailangan po salamat po!!!
admin says
Go to your local civil registrar po. Thanks
Melanie says
Ask ko lang po magkano po ba ang bayad kapag nag papalit ng letter sa apelido kasi sa mga records ko po cocico ang mga nakalagay kasi po yon ang nasa nso kaso ang tunay po na apelido ko ay cosico kasi ganun po ang apelido ng nanay at tatay ko baka po kasi mag ka problema kapag nag abroad ako or kapag mag aasawa mag kaiba kami ng apelido ng parents ko kong sakali..kaya dapat po mapalitan na namin..
admin says
Check niyo po sa local civil registrar sa inyong lugar. PHP3,000 fee according to PSA website.
https://psa.gov.ph/civilregistration/problems-and-solutions/first-name-used-different-first-name-entered-birth
Leslie says
Hello po. Ang Surname po kasi ng BF ko ay Ibalio. pero ng nkuha nya po ang kanyang PSA, Iballo po ang nakalagay. imbes po na “i” naging “l” po. panu po kaya ito maayos. salamat po.
admin says
Hi, punta po kayo sa inyong local civil registrar para magpapalit ng pangalan.
KY** NICH** OME**PAN** says
Hi po ask ko lang po gusto ko po sana patanggal ang kadugtong na name ng anak ko kasi masyadong mahaba pwede po kaya yon ? salamat po .
Simplify says
Pwede po kung masyadong mahaba. Kailangan niyo po ng lawyer dahil kailangan magfile ng kaso sa korte.
michelle says
ask ko lang po papaano po itatama ang name ng pamangkin ko ginagamit nya pong pangalan ay randolph sa school, pero ang nakalagay sa birth cert. ay randole, sa qc po sya pinanganak at dun pinarehistro, pero dito na sa pila laguna nakatira, saan po ba ako pwede pumunta para maitama po ang pangalan sa psa? salamat po
admin says
Sa Laguna po muna kayo pumunta dahil diyan po kayo nakatira ngayon.
nelia says
paano po gagawin kung ang pangalan ng nanay ko ay napalitan ?dating “gxxxx” naging “axxxx”?pano po ba malaman ang totoong nakaregister sa kanya gayong sa aming mga anak ay sya ay “gregoria”ano po bang dapat gawin? maraming salamat po!
admin says
Punta po kayo sa inyong local civil registrar para mag inquire
pam says
hi pano po ung sa bestfriend ko kasi ang name nya talaga ay fxxxx sa birthcertfcate tapos nagpa nso po sya nung dineliver na sknya ang name nya sa nso ay ngng april ang layo sa pangalan nya talga ..pano po baun? by letter po ba ang bayad kapag ganun..
admin says
Pwede po niyang ipa correct sa local registrar kung saan siya nakatira ngayon.Maaaring nagkaroon ng double registration at nacancel ang unang birth certificate.
Mary says
Hi po,tanung ko lang kung anu po bang dapat kong,kasi yung baptismal ko ang pangalan ko mxxxx,pero yung nso record ko po ay jxxxx.ang problema ko po,noong nag aaaral po ako,yung mary jane po ang ngamit ko ng pangalan kaya naman po halos karamihan sa i.d ko po,yun ang gamit ko..tanung ko po kung saan ako mas mpapadali,yung ipapasunod ko nlg po yung pangalan ko sa nso,oh yung ipapa change name ko nlang po yung nso ko,pra di ko na po baguhin yung ibang i.d ko po.
Maraming slamat po.
admin says
Hello Mary Jane,
Ang inyong pagpapalit ng pangalan ay maaayos sa Administrative Level (LCR) at hindi kailangan na pumunta sa korte.
Ang best advice ko po ay pumunta kayo sa Local Civil Registrar (LCR) ninyo kasama ang baptisimal certificate at mga IDs. Ibibigay po nila sa inyo ang mga requirements na kailangan ninyo para palitan ang pangalan ninyo. Ang sistema ng bawat LCR ay iba’t-iba depende kung nasaan kayo. Halimbawa sa Baguio City, kung kumpleto ang mga proof of name ninyo ay on the spot na po nila kayong tutulungan na palitan ang pangalan ninyo. Baka ganun rin po ang inyong Local Civil Registrar kaya doon po kayo magpunta para magabayan kayo sa pagpalit ng inyong pangalan.
Anonymous says
paano po pag Hindi pa kasal Yung parents ko nung pinanganak ako . Magpakasal lang sila after a month nung pinanganak na ako And then Yung live birth ko is surname Ng father ko pero sa PSA surname Ng mother ok lang poba gamitin ko nlng is sa mother ko ?
Simplify says
okay lang po. Pero kung gusto niyo gamitin ang last name niyo, pwede po kayo mag-file ng Legitimation sa inyong local civil registrar. Thank you
pam says
pano po ung aking middle name mali dapat po ay dxxxxpero ung nasa birthcertcate ko at nso at psa ay dxxxx my space po ?magaabroad po kasi ako e pati passp[ort ko po ay dxxxx ung nagmit ko na pero ungg mga school records ko at ibng documnts ko devars po .nangangamba po kasi ako baka magkaproblema po pag nag aply na ko abroad?
admin says
Hello Pam,
Ang pagpapalit ng middle name po ay medyo matagal na proseso at maaaring umabot ng maraming buwan. Meron kang dalawang options:
Option 1: Sundan mo ang iyong PSA Birth Certificate. I-renew mo ang Passport mo para magtugma sa kasalukuyang nakasulat sa Birth Certificate na De varas. Iparenew mo ang iyong Passport at Kailangan mo ng Affidavit of Explanation kung bakit mo ipaparenew agad at bakit mo papalitan ang pangalan mo sa De Varas mula sa Devaras.
Option 2: Ipapalit mo ang iyong middle name sa Local Civil Registrar (LCR) kung saan ka nakatira ngayon. Pumunta lamang sa Local Civil Regisrar at isama mo ang mga dokumento na nagpapatunay na ang iyong middle name ay “devaras” at hindi “de varas”. Ang mga dokumento ay iyong mga school records at IDs. Ang LCR ang tutulong sa iyo sa pagpalit mo ng middle name. Ang problema dito ay medjo matagal ang processing depende sa work load ng LCR. Itanong mo muna sa LCR kung gaano katagal bago mapalitan ang iyong pangalan.
Option 3: (hindi guaranteed ito pero maaari mong gamitin habang inaayos ang iyong middle name)
Magpagawa ng Affidavit of One and the Same Person na nagsasabi na ang mga pangalan na may De Varas at Devaras ay iisa. Ipa-red ribbon mo ito sa DFA at isama mo sa Application mo for Abroad.
Anonymous says
Hello po ask q lng po senyo kung pd pa po ba aq mag change ng name po?gusto q po kc palitan ung name ko..mgkano po kaya lahat ng mababayaran ko kung papalitan q po ito sir?
admin says
Hi!, depende po yung reason kung gusto niyo ipapalit pangalan ninyo. Please e-mail us at [email protected] for more info
ar jay says
Hi Good am. ask lng po. yung record kopo sa school na name ko may nakalagay na dash – sa gitna ar-jay pero ang nagagamit kopo na name dati pa is ar jay may space lng po. sa mga nagawang documents kopo lahat ar jay na.I,D and passport. nakita kopo kc na may dalawang copy ako ng live birth ko na may dash – . at wlang dash. pareho original copy po at may tatak. panu kopo ba maaayus ung name ko na walang dash. kc po un na yung ginagamit kopo sa lahat lahat ng documents at info kopo pa help nmn po salamat
admin says
Mas mabuti po na itanong niyo sa school ninyo kung ano ang requirements nila para palitan ang school records niyo. Madalas po ay pagagawin kayo ng Affidavits para patunayan na kayo ang naka enroll doon. Na issue po ba ng PSA yung certificate of live birth ninyo?
K says
Bakit po ganun? Nung pumunta ako sa munisipyo na sinabi ko po na ipapalit ko po Yung name ng baby ko ng Kxxxx, Sabi sakin nung nakausap ko antayin ko daw mag aral Yung anak ko bago palitan ng first name. Di na po pwede palitan ng Kxxx Yung Kxxxxf? 4 m
onths na baby ko ngaun. Thanks
admin says
A: Requirements ng change of name: (a) Photocopy/ machine copy ng page sa book register ng maling pangalan na papalitan. (b) Dalawa o mahigit pa na private o public document kung saan makikita ang tamang pangalan (correct name) tulad ng school records, baptisimal certificate, NBI clearances, etc. Ang mga sumusunod po ay ang tanging valid reason para palitan ang pangalan ng anak ninyo. Kung wala po sa sumusunod ang reason kung bakit ninyo papalitan, maaaring ideny ang inyong change of name:
a) When the name is ridiculous, dishonorable or extremely difficult to write or pronounce;
(b) When the change results as a legal consequence such as legitimation;
(c) When the change will avoid confusion;
(d) When one has continuously used and been known since childhood by a Filipino name, and was unaware of alien parentage;
(e) A sincere desire to adopt a Filipino name to erase signs of former alienage, all in good faith and without prejudicing anybody; and
(f) When the surname causes embarrassment and there is no showing that the desired change of name was for a fraudulent purpose or that the change of name would prejudice public interest
Julie Ann says
Ako po ay Kumuha ng PSA sabi sa PSA wala daw ako record, kaya pumunta po ako sa Munisipyo kung saan ako pinanganak, at doon ko po nalaman na nakaapelyido pala ako sa nanay ko pati ang panggit na nyang apelyido yun din ang nakalagay sa Record nila, pero ang ginamit ko pong apelyido nung nagaaral po ako ay apelyido ng tatay ko hanggang ngayong may asawa at anak na ako.. Tanong ko lang po paano ko po uumipisahang ayusin ang pgtatama ng Birth Certificate ko at nasa magkano po kaya ang magagastos ko? salamat po.
admin says
Change of name po kailangan niyo sa Local Civil Registrar po kayo pumunta. Humingi po kayo ng forms for change of name at requirements. Usually pagagawin kayo ng mga affidavits. Kung buhay pa po tatay niyo gumawa siya ng affidavit of paternity.
Anonymous says
hello pano po kung ang name na nakalagay sa b.cert nya ay baby boy. He’s below 1993. paano po ang process para mapalitan yung records nya sa PSA/NSO. Thanks for response
admin says
Hi! It can be changed administratively po. Go to your local civil registry and ask for the requirements needed.You will be required to execute an affidavit of 2 disintrested persons and other affidavits.
Anonymous says
saan po ba sya pupunta sa place po ba kung saan nakaregister ang Birthcert. nya ? or kahit dito po sa lugar kung saan na po sya nakatira ngayon ?
admin says
Kung saan na siya nakatira ngayon
Anonymous says
Hi po.. Tanong q lng po kc po ung birth q nkalagay teresita pero po nong nag aral aq gamit q jelyn hanggang sa nkapag asawa na po aq un ang nkalagay sa birth certificate ng mga anak q. Ang gusto q po sana ngaun plitan nlang ung jelyn ung teresita sa birth certificate q?
Ma.Roda says
Ask ko lng po, ang original birth certificate ng husband ko ang nakalagay ay Fxxxxx…Malinaw po na yun ang nakalagay at sya nyang ginagamit na pangalan…..nung kumuha sya ng NSO naging si FxxxxO na….saan po ba ang ang may pag kakamali?..ang local civil registrar ba, o ang NSO/PSA?…..at sa maling yun kami po ba ay magbabayad pa?ano ang dapat namin gawin?…sana ay masagot nyo ang tanong ko salamat.
admin says
Hi Ma. Roda, maaari po na sa Local Civil Registrar and may problema. Kung nais niyo po na palitan and bpangalan niya, sa Civil registrar niyo papalitan at kayo rin po ang gagastos sa pagpapaayos ng birth certificate niya. Pwede niyo rin po na palitan ang mga IDs niya ngayon tulad ng passport para maging “FERNANDO”.
Maaari din po na dalawa ang Birth Certificate niya at nacancel ang pangalawa na FERDINAND ang pangalan.
Anonymous says
Pwede pa po ba palitan Yung first name ng baby ko Kasi dapat Keal Kenji Ang name niya kaso sa birth certificate niya Kleif Kenji. Pwede pa po bang mapalitan Yung Kleif sa Keal. 3 months na baby ko po ngayon. Thanks po
kenneth says
magkano po bayad papalitan buong pangalan, gusto ko kc papalitan ng pangalan ang anak kong 3yrs old.
admin says
Kung full name po kelangan idaan sa korte. Depende po sa lawyer na kukunin niyo kung magkano ang fees niya. Usually Php50,000 to Php100,000 exclusive of appearance fee at filing fee.
admin says
Yes, po punta po kayo sa local registrar ninyo at sabihin na magpapacorrect kayo ng first name. May mga list if requirements po silang ibibigay. For further assistance email us at [email protected]. Thanks
Paulo says
Magkano po ba ang bayad kung magpapadadag ng pangalan po Name ko ay Pxxxx gusto ko kaseng Gawen. Jxxxx
admin says
May records po ba kayo na John Paulo ang buo niyong pangalan? Tulad ng schoold records, IDs, etc.
Anonymous says
Hello po tanong ko lang po, kulang po kasi yung name ko sa birth certificate ng anak ko wala yubg second name ko Po, ano ba pwede gawin po? Mag kaka problema ba pag ganun? Or pwede bang yun nalang sundin nya kung ano nasa birth nya Po.
Simplify says
Mas mabuti po na ipaayos niyo sa Local Civil Registrar yung pangalan ninyo kasi magiging problema po yun ng anak ninyo.