Paano mo babawasan ang Stress sa buhay? Marami sa atin ang nakaranas na ng stress. Ang iba hindi nila alam na stress sila. Paano mo malalaman kung stressed out ka na?
Madali kang magalit at mairita
Laging hindi maganda ang mood mo
Nilalayuan ka ng mga tao dahil dito
Marami pang signs ng stress pero ang isa sa pinakahindi magandang resulta ng stress ay ang galit na laging bumabalot sa iyo. Nais nating mawala yun pero paano nga ba natin gagawin?
Ang isa sa dahilan ng stress ay dahil sa ating pag-iisip ng “ideal” situation o dahil sa ating fantasy. Masyadong mataas ang nais nating mangyari at dahil ang realidad ay malayo sa katotohanan tayo ay disappointed at naiistress. Ano ba ang ibig kong sabihin sa pag-iisip natin ng ideal? Halimbawa:
Meron tayong “ideal o fantasy” boyfriend, girlfriend, asawa
“ideal” situation sa place of work o sa eskwela
Meron tayong “ideal” sa lifestyle.
Ang lahat ng “ideal” na ito ay malayo sa totoong nangyayari sa atin. At dahil hindi natin maabot ang “ideal” situation na ito ay nalulungkot tayo at disappointed sa buhay. Ang kalungkutan na ito ay nagdudulot ng stress at galit sa ating buhay.
Paano mo babawasan ang Stress sa buhay?
- Kalimutang ang “IDEAL” na buhay at tao – Alalahanin mo na nabubuhay ka sa realidad. Lahat ng nakikita mo sa TV ay pawang kathang isip lamang. Ang mga movies na perfect ang partner, mga taong “perfect” ang buhay ay hindi totoo. Lahat ng tao ay nabubuhay sa hindi perpektong sitwasyon. Ang iba lamang ay nakakakita ng kasiyahan kahit ang buhay nila ay hindi perpekto. Matutong tangkilikin kung anong meron ka. Tandaan mo na ang “ideal” life ay hindi madaling makamit at hindi basta basta nangyayari. Matutong maging kuntento sa buhay.
2. Huwag ikumpara ang sarili sa ibang tao – Madalas naiinggit tayo sa mayayamang artista, sa mga posts ng kaibigan natin sa facebook at kung anu-ano pa. Tandaan na ang mga posts sa facebook ay bahagi lamang ng buhay ng isang tao. ayon sa isang study, ang ipinopost lang ng mga tao ay ang “blessed” part ng kanilang buhay. Kahit 10% lang ng buhay nila ang blessed, at 90% ay kalungkutan iisipin pa rin ng ibang tao na lagi siyang blessed. Tandaan na bawat tao ay may kalungkutan na hindi naipapakita ng larawan. Ganun din ang mga artista, mayaman ang karamihan pero bakit maraming nalululong sa droga, nagpapakamatay, at napapariwara ang buhay? Ito ay dahil hindi alam ng marami ang hirap na pinagdadaanan nila. Ang mga challenges na kailangan nilang labanan tulad ng mga “mapagsamantalang” producers at mga big boss. Hindi natin alam na tulad ng ibang tao, malungkot din sila.
3. Bawasan ang facebook at other social media ng nagpapalungkot sa iyo. Kung isa sa dahilan kung bakit lagi kang malungkot ay dahil naiinggit ka sa facebook ng iba o nasasaktan ka sa nakikita mo, ideactivate mo ang facebook mo. Gumamit lamang ng messenger kung kailangan.
4. Alalahanin na Life is beautiful just the way it is – Hanapin ang masayang parte ng buhay mo. Ano ba ang nagpapaligaya sa iyo? Hindi man ideal ang lifestyle mo, pero sigurado akong may dahilan para maging masaya ka.
Paano mo babawasan ang Stress sa buhay?
Ang nabanggit ay ilan lamang sa mga paraan kung Paano mo babawasan ang Stress sa buhay. Hindi biglaan ang pag-alis ng stress. Sabi nga nila ay baby steps at a time. Simulan ang pagbawas ng stress sa pag start ng habit na hindi pag-iisip ng ideals tuald ng pagbawas ng time sa facebook. O kaya simulan sa pag unfollow ng mga taong nagpapastress sa iyo. Simulan sa pagreserch ng buhay ng mga artistang kinaiinggitan mo, magugulat ka ng sila rin pala ay nakaranas ng kalungkutan tulad ng ibang tao.
[…] Paano mo babawasan ang Stress sa buhay? […]