Ngayon ang tanong, ano ngayon kung networking scam ang sasalihan ko, kumita sila e di kikita din ako? In fact kumita na ako ng pera kaya uulitin ko ulit na magrecruit.
Eto ang sagot ko sa ganyang tanong:
Una, Ang pera mo ay hindi mapapasaiyo
Pagsumali ka ang pera mo ay mahahati sa ganito, 1% mapupunta sa upline mo 99% sa company niyo. Walang mapupunta para sayo, bibigyan ka daw ng produkto pero hindi naman ito in demand at kahit natinda mo lahat e hindi pa rin macocover ang initial investment mo.
Pangalawa, ikaw ay tuturuang magsinungaling sa mga mahal mo sa buhay at sa ibang tao
Pangalawa, para maibalik ng “doble” ang pera mo ay tuturuan kang magsinungaling at mambola ng ibang tao. Isisiksik nila sa utak mo na legal sila at puwede kang yumaman basta magaling kang magsinungaling at mang uto ng ibang tao.
Bakit ito masama? Tatalikuran mo ba ang Panginoon para lamang kumita ng pera? Mas pipiliin mo ba ang pera kesa sa pangakong “everlasting life” ni Jesus? May ibang paraan kung saan puwede kang kumita ng pera. Any way, ang gagawin nila sa iyo e gagawin kang lying machine, ipapasabi sa iyo ng upline mo na sabihin mo may kotse ka na, may bahay ka na at kung anu-ano pang hindi naman totoo.
Ang networking ay hindi easy money at ikaw ay magiging employee ng kumpanya
Sasabihin nilang easy money ito pero ang totoo, kailangan mo ng puspusan at walang kamatayang hardwork para makarecruit ng tao. Sabi nga ng mga millionaires at billionaires, “there’s no such thing as easy money”. Sasabihin nila dalawa lang ang kailangan mong irecruit, pero pag naibigay mo na ang pera, sasabihin nila dapat sampo kayo sa block mo, o kaya dapat yung narecruit mo e makarecuit ng 2 pa bago mo makuha yung commission mo. Kailangan mong kompletuhin ang ipapakita nilang ‘genealogy”/block/chart bago ka makapag cash out. Bale sa 10 na naglabas ng malaking pera, iisa lang ang kikita ng pera.
E bakit may kumikita ng pera kahit scam yan?
Strategy ito ng networking scams para makahikayat ng ibang tao na sumali. Para ipakita na yung members nila e nakabili na ng kotse. Pero ang hindi alam ng mga members na ito ay plinano na ng kumpanya ito, na sige 20% ng kita natin ay ibigay natin sa members natin, 80% ay sa atin at kapag naabot na natin ang quota natin itakbo na natin ang pera nila at palitan natin ang pangalang natin at magreruit ulit tayo.
Ang mga networking scams e pareparehas lang ang totong may ari, binabago bago lang ang pangalan at details. Sinabi nila, suwerte ka kung pioneer ka dahil daw malaki pera mo, oo suwerte ka talaga dahil pinili ka ng kumpanya na maging pa-in/pangfront nila sa tao. Ikaw ang gagawing halimbawa ng lahat ng orientation, kung saan gagawin ka pang guest speaker at doon mo sasabihi ang speech mo na, “halos itakwil ako ng pamilya ko noong sumali ako sa networking, ngayon may bahay, kotse at business na ako”. Ilan na ba sa inyo ang nakaattend ng orientation at ni isang beses e hindi nasabi ang mga ganitong speech?
Itatakbo nila ang pera mo kapag naabot na ng kumpanya ang quota nila
Kapag naabot na ng kumpanya ang kanila quota o target income, magtatago na sila at lahat ng commissions at income ay hindi na nila ibibigay sa members. Para silang nilamon ng ibang dimesion at napunta sa kawalan, ang mga narecruit ay sinisisi ang mga uplines. Ang mga kaibigan e nag-aaway kahit magkakapamilya nagsisisihan kung sino ang may kasalanan. “Kung hindi dahil sa iyo hindi mawawala ang 100,000 ko ! blah blah blah” sasabihin ito ng kamag-anak, sagot naman ng nagrecruit ” Bikitima din ako!”. Pagkatapos ng away, magkaaway na sila at habangbuhay na magkaaway – dahil sa networking. Pero after a few months, may bago nanaman daw networking legal daw eto at blah blah blah. Pero ang may ari e yung dating may-ari ng naunang networking scam. Tapos balik ang cycle, recruit blah tapos mawawala ulit.
Aabalahin mo ang ibang tao para sa pansarili mpng interest
Sa sobrang desperado mong kumita ng pera, tinalikuran mo na ang Panginoon, tatalikuran ka pa ng kamag-anak at mga kabigan mo. Bakit? Sino ba namang hindi hihimatayin sa araw araw at miuminuto mong texts at message sa fb at posts sa mga timeline nila. Siyempre turo yun ng mga trainers. Sasabihin pa “uy, si kaibigan mong si X iinvite mo sa orientation natin, kunwari dinner at libre mo”. Yung kaibigan mong naghahanap ng trabaho e pinaupo mo sa orientation ng 3 oras na kung ginamit niya sa pagbisita sa mga kumpanya e may trabaho na siya.
Ipapasabi sayo na kapag estudyante e tuturuan mong mangupit sa tuition at magsinungaling sa magulang. Aba, maninira ka pa ng buhay ng ibang tao para lang magkapera? Ano nga naman kung lokohin niya ang magulang niya e kikita ka naman ng pera diba? Tutal ititinda rin naman ng recruit mo yung kaluluwa niya sa demonyo para magkapera din diba? Ano ngayon kung kinasuhan ang recruit mo ng estafa dahil nangutang siya pambayad sa iyo, nagkapera ka naman di ba? Ano ngayon kung yung recruit mo e binugbog ng tatay niya dahil sinabi mong itinda niya yung kotse ng tatay niya, nagkapera ka naman e, e di walang problema. Ganyan talaga sa networking, ang diyos nila e pera.
Palatandaan kung legitimate business ang pinasukan mo
1. Ang una mong itatanong ay kung registrado ba sila sa SEC. Ano ngayon kung rehistrado sila? Pagnakarehistro sila nakalista ang mga owners at puwede silang makasuhan kapag nagscam sila. Maaaring itinda ang propeties nila para bayaran ang mga nagkakautang sa kanila.
2. Alamin ang produkong tinitinda nila. Magkano ang selling price at magkano ang presyo pag ikaw na member ang bibili. Tandaan na ang main goal ng MLM ay magtinda ng produkto at hindi magrecruit ng tao. Kung ang main goal nila e magrecruit ng tao, malamang networking yun. Dapat ang main source of income nila ay ang sales nila ng produkto itinitinda sa hindi members at hindi sa mga benta mula sa sarili nilang members.
3. Kung may joining/Membership fee (perang kailangan mong ilabas para makasali),scam yun. Simple lamang, kapag ikaw ay kailangang maglabas ng pera para makasali at para makarecruit, ito ay scam. period.
4. Ano ang main source ng income mo, dapat e sa commission mula sa sales ng produkto ng kumpanya. Kapag ang main income mo ay galing sa membership fee ng recruits mo, scam yan.
5. Kung ang highlight ng kumpanya ay magrecruit ng tao at hindi mag increase ng sales ng kumpanya, networking scam yun.
Paano ako kikita ng pera kung hindi ako sasali sa networking scam?
Maraming ibang pagkakakitaan na hindi networking. Una sa lahat dapat meron kang tamang budgeting at financial literacy. Kung magaling ka sa sales, sumali ka sa MLM Business tulad ng Avon o kaya maging insurance agent ng legitimate business tulad ng Philam life, Manulife, Pru Life UK, at iba pang legitimate business.
Pag-aralan muna ang kumpanya bago sumali, sumangguni sa SEC kung legitimate ang isang business.
Leave a Reply