Karamihan ng networking ngayon ay scams kaya mahirap magtiwala sa mga taong nagrerecruit. Marami pa sa mga members ay napaka-aggressive at defensive sa kanilang “kumpanya” na may masabi lang na negative sa kanila e para na silang bombang sumasabog (kahit totoo naman yung article hehe). Pag may negatibo kang comment e iinsultuhin ka pa at sasabihing forever empleyado, ayaw yumaman, at kung anu-ano pang panghahamak na mga alagad lamang ni satanas ang nagsasabi. Bago ninyo ilabas ang pera ninyo, at bago kayo turuang mambola ng ibang tao, pag-aralan muna natin ang networking.
1. Ano ba talaga ang networking na ito?
Ito ay tintatawag din na MLM o Multi Level Marketing programs. Ito ay hindi business kundi isang Marketing Strategy na ginagamit ng malalaking kumpanya na tulad ng AVON at Natasha. Dahil epektibo ito sa ibang kumpanya ay pinamukha ng mga “recruiters” na, ito daw ay easy money. Subalit ang yumayaman dito ay ang mga taong organized at hardworking at gumagawa ng seryosong fieldwork lamang. Kung wala kang oras at determinasyon, hindi ito nababagay sayo. Isa sa successful company na gumagamit ng MLM stategy ay ang AVON, mayroon silang passive at active income. Ibig sabihin may dalawang paraan kung paano ka kikita ng pera, una pagnagdirect selling ka mayroon kang 25% commission sa bawat benta, pangalawa pag naging sales leader ka at kung ano pang level ng sales leader nila ay kikita ka ng passive income o tinatawag na commission sa sales ng narecruit mong member mo. Ito ang tunay na MLM kung saan ang hardworkers lamang ang umaasenso. Ginagamit ko ang Avon company dahil sila ay legitimate business na gumagamit ng MLM model strategy na gagamitin nating basehan sa networking scams. Nasubukan niyo na bang mag tinda ng avon products o kaya may kakilala ba kayong nagtitinda ng avon? Madalas e lagi silang naghahanap ng referrals at mga taong puwedeng tindaan ng kanilang products. Kung walang tinda, walang kita. Ngayon naman pag-usapan natin kanilang passive income, kung saan pumapasok ang networking scams ng mga fake na company. Ang avon o other companies na may MLM strategy ay may iba’t ibang levels ng sales leader o executive. Ganun din sa ibang networking scam companies may level level silang nalalaman at tinatawag din nilang sales leader/executive o kung ano ano pang tawag. Ngayon balik tayo sa legitimate business, and avon ay may multilevel leadership kung saan may commission sila sa bawat sales ng recruit nila, halimbawa 2% sa bawat 500 pesos sales ng recruit nila. Ang mga leaders na ito ay dapat magpundar ng maraming oras sa pagtrain ng recruits nila para marami ring maitinda ang recruit nila at marami silang makuhang commission sales, kung hindi ka magaling sa sales wala ka ring maituturo sa recruit mo kaya dapat maghire ka ng magaling na trainor kug wala kang alam sa field na ito. Ang ganitong paraan (multi level passive income) ay ginamit ng scammers at tinawag nilang “business”.
Pagkakaiba ng NETWORKING SCAM at Legitimate MLM BUSINESS.
SA Networking Scam, ikaw ay kikita kapag nakarecruit ka ng members. Halimbawa, may Php1,000 ka kapag may narecruit kang 2 na tao.
Sa MLM Business kikita ka ng commission sa sales ng affiliate mo tulan ng sa AVON.
Unlike sa totoong MLM strategy, nagfofocus ang mga networking scams sa pagrecruit ng members at hindi pagtinda ng produkto. Imbis na marketing strategies ang tinuturo ng mga scam companies e tinuturo nila kung paano magrecruit ng members at paano sila mag-imbita ng mga tao sa kanilang “orientation”. Taliwas sa MLM stratgey kung saan magrerecruit at magtratrain ka ng taong magtitinda para sa iyo, ang networking scams ay nagrerecruit ng tao na magbibigay ng pera sayo at ng sa kumpanya mo.
Sa networking scams, ganito ang gagawin mo:
1. Kakailanganin mong magsinungaling para makarecruit
Kakailanganin mong magsinungaling sa mga irerecruit mo. Tutulungan ka pa ng mga upline mo kung paano magsinungaling.
2. Mawawalan ka ng pera o ang recruit mo ang mawawalan ng pera at tiwala sa iyo:
Kung ikaw ang nasa baba, mawawalan ka ng pera. Itatanong mo, e nakakapagrecruit naman ako, ang tanong ko sa iyo instant ba na makukuha mo ang pera mo mula sa recruit mo? Kung oo, e di maganda pero kung sila ang magbibigay malamang idedelay nila ang pagbigay ng commission mo hanggang sa mawala na sila na parang bula.
3. Magcocollapse ang mga pyramid scam sa ayaw mo at hindi.
Ang proseso ng networking scam e ganito, kinukuha nila sa new recruits ang pangbayad nila sa old recruits. Madalas gagawin nilang mukhang legal ang business sa paglagay ng produkto kuno. Subalit, kapag lumaki na ito ay hindi na sapat ang nakukuha nilang pera para bayaran ang old recruits. dahil dito, marami ang hindi nabayaran at nawalan ng pera.
Tingnan ang grap na ito, kung paano impossible na hindi magcocollapse ang isang pyramid scam company dahil ang recruit na kinakailangan e lalagpas na sa actual na populasyon ng tao sa mundo.
Kahit sabihin nilang every year e dumadami ang population, ang bagong panganak ba o mga bata e marerecruit mo? Para tuloy tuloy ang daloy ng downlines mo e kailangan hanap ka ng hanap ng bago.
Ngayon ang tanong, ano ngayon kung networking scam ang sasalihan ko, kumita sila e di kikita din ako? Bakit hindi ako dapat sumali sa networking scam? Narito ang mga sagot:
Paano makakaiwas sa networking scams part 2
Leave a Reply