Paano makakaipon ng pera ang gastador? Marami sa atin ang gustong mag-ipon pero hindi makapag-umpisa dahil kapag narinig nila ang salitang “ipon” ay sasabihin natin na tayo ay gastador. May pag-asa pa ba para makaipon tayo? Kung hindi natin kayang mag-ipon, kaya ba nating mangolekta ng mga bagay-bagay? Hindi man tayo marunong mag-ipon ay marami sa atin ang collectors o mahilig mangolekta.
Paano makakaipon ng pera ang gastador #1
Sabi dati ng kapatid ko ay hindi siya mahilig mag-ipon pero kaya niyang mangolekta ng mga bagay bagay kaya ang ginagawa niya ay ganito: Kapag may natanggap siyang P5 at P10 ay diretso na ito sa kanyang collection wallet. Ganito lang ang ginagawa niya, nangongolekta siya ng P5 at P10 coins at kapag naipon o napuno na ang wallet niya ay idedeposit na niya sa bangko. Ang mga kaibigan ko naman ay iba ang paraan, basta shiny coin at malutong (bago) na bills ay diretso sa kanilang coin bank. Kapag napuno ang coin bank nila ay doon nila dinedeposit sa bangko. Ako ay nangongolekta ng P20, basta P20 ay hindi ko gagastusin. Mahirap sa una, pero pag nasanay ka na ay madali na lang.
Paano makakaipon ng pera ang gastador #2
Sabi nila, “what you do not see, you forget” kaya ang isa sa sagot sa paano makakaipon ng pera ang gastador ay ang pagbukas ng bank account. Kung hindi natin nakikita ang pera natin, hindi natin ito magagastos. Every payday ay itabi na ang 10% na savings at ideposit na sa bangko. Kung ikaw naman ay nangongolekta ng coins at bills, makatutulong ang bangko para panlagyan mo ng nakolektang pera. Madali lang naman mag-bukas ng account at kung may account ka, maiinspire kang mag-ipon. Wala mang scientific basis, pero pag may bank account ka ay gustong mong may mailagay dito.
Paano makakaipon ng pera ang gastador?
Summary:
1. Magbukas ng bank account
2. Bumili ng coin bank o piggy bank
3. Gumawa ng collection ng coins o malutong na bill. Be creative!
Leave a Reply