Si Lisa ay isang online tutor at may suweldo siyang P12,000 kada buwan. Pagkatanggap ng suweldo ay nakipag-inuman siya sa co-workers niya at nanlibre pa ng ilang pagkain. Nagshopping siya kinabukasan. Pagtingin niya sa account niya ay halos kalahati na ito. Ikatlong linggo ay ubos na ang pera niya at kailangan niyang umutang sa iba. Sunod na buwan ay ganun ulit ang ginawa niya, ang pinagkaiba lang ay nadagdagan ang utang niya at hindi niya nabayaran ang dating utang. Ngayon ay baon na siya sa utang. Tiningnan niya ang cabinet niya, napakarami na niyang damit, bag, at sapatos, kalahati dun ay hindi niya pa nasusuot kahit isa. Puno ng mga gamit at bahay niya at hindi niya maalala kung kelan niya nabili ang mga yun. Nagkasakit ang nanay niya, wala siyang ipon kaya kailangan ulit mangutang. Sa isip niya, kung mas malaki ang suweldo niya hindi siya mababaon sa utang at may ipon siya ngayon.
Kapag lumaki ba ang suweldo ni Lisa ay magiging maginhawa ang buhay niya? Wala ba siyang utang at may malaking ipon? Ang totoo, kahit P100, 000 ang suweldo niya kada buwan kung hindi niya palitan ang lifestyle niya ay parehas din ang resulta – mababaon pa rin siya sa utang at walang ipon. Ang dahilan ng paghihirap niya ay hindi dahil sa suweldo niya kundi dahil sa lifestyle niya. Pagkatanggap ng suweldo ay makikipag-inuman at hindi alam kung magkano ang nagastos sa gabing yun. Bibili ng gamit kahit hindi kailangan.
Ano ba dapat ang gawin ni Lisa para makabayad ng utang, makatipid, at makapag -ipon?
1. Pagkakuha ng suweldo ay automatic na maglaan ng kahit 5 to 10% ng suweldo at ideretso sa bangko – Bawat suweldo niya ay ibangko niya ang P600 o hanggang P1, 200. May mga automatic savings account ang BPI at BDO kung saan automatikong kakaltasan ang suweldo kada buwan at diretso sa kanilang savings account. Basahin ang emergency fund at saving tips dito.
2. Huwag iinom pagkatanggap ng suweldo – Hindi kailangan ng inuman para magcelebrate. Pag inuman kasi ay hindi napapansin ang gastos. Maaaring magcelebrate sa paboritong restaurant o magtake home ng ice cream o cake para sa pamilya. Kung ang kaibigan mo ay laging nag-aaya ng inuman oras na para maghanap ka ng bagong kaibigan.
3. Bawasan ang shopping – Ilang damit, bag, o sapatos ang kailangan mo sa isang taon? Ayon sa into-mind blog, gumawa ng capsule wardrobe at fashion style para hindi kailangang bumili ng napakrami. Mababasa ang capsule wardrobe dito.
4. Tandaan na sa bawat pagbili ng gamit ay kailangan mo ulit bumili ng mga cabinet at organizing tools. The more you have, the more you need. Bumili lamang ng gamit kung kailangan.
5. Maging minimalist. Basahin ang tungkol sa minimalism dito
Leave a Reply