Paano malilipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak? Marami ang hindi nakakaalam na may proseso upang mailipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak tulad ng magulang, anak, asawa, at mga ninuno. Hindi agad-agad mailiipat sa anak ang titulo at madalas nagiging problema ito ng mga magkakapatid lalo na kung walang Will and Testament ang yumaong mahal sa buhay.
Paano malilipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak? (Kung walang Will and Testament)
Ang unang dapat isa-alang-ala ay kung sino ang maaaring magmana ng lupain o ano pang pag-aari mula sa pumanaw na kamag-anak. Narito ang basic na mga tagapagmana:
Sino ang maaaring mag-mana kung walang Will and Testament:
Pumanaw na Magulang (Parents)
Kung ang pumanaw ay ang magulang, ang magmamana ay ang asawa at anak. Kung isa lamang ang pumanaw na magulang at walang property regime tulad ng prenuptial agreement, ang kalahati ng lupa o ari-arian ay mapupunta sa asawa bilang conjugal ownership. Ito ay dahil sa batas na nagsasabi na parehong mag-asawa ang nagmamay-ari sa mga lupain na bibilhin nila bago at habang sila ay kasal.
Matapos makuha ang 50% share ng asawa sa conjugal ownership, ang kalahati ay muling paghahatian ng mga anak at asawa. Oo, meron ulit makukuha ang asawa kahit mayroon na siyang 50% share, ito ay dahil ang 50% ay tinuturing na pag-aari niya at hindi pag-aari ng pumanaw na asawa. Ang mga sumusunod ay ang makukuha ng mga tagapagmana ayon sa batas matapos kunin ng nabubuhay o namatay na asawa ang kanyang 50% share.
- Kung iisa ang lehitimong anak (legitimate child), ang lupain ay paghahatian ng anak at asaws ng 50-50 o equally. 1/2 sa anak, 1/2 sa naiwan na magulang.
- Kung dalawa o mahigit ang lehitimong anak, ang lupa ay paghahatian ng lahat ng anak na may pantay pantay na bahagi (equal shares) at ang nabubuhay na asawa ay makakuha ng bahagi na parehas sa isang anak.
- Kung may walang lehitimong anak (legitimate child) ngunit may ilehitimong anak (illegitimate child) – Ang 1/4 ay mapupunta sa illegitimate child, at ang 3/4 ay mapupunta sa asawa.
- Kung may isang legitimate na anak, isang illegitimate na anak, isang asawa. 1/2 sa lehitimong anak, 1/4 sa illiegitimate na anak, 1/4 sa asawa.
- Kung may mahigit higit sa isang legitimate na anak, higit sa isang illegitimate na anak, at isang asawa. Kung may dalawa o mahigit na legitimate na anak, sila sa maghahati ng pantay-pantay na bahagi sa lupa. Ang asawa ay makakakuha ng bahagi na parehas sa isang legitimate child. Ang illegitimate child ay makakakuha ng kalahati ng nakuha ng legitimate na anak.
- Kung pumanaw ang isa sa magkakapatid at ito ay may anak, ang mana nito ay mapupunta sa mga anak sa pantay-pantay na bahagi. Kung walang anak ang namatay na kapatid, ang kanyang share ay paghahatian ng mga magkakapatid at nabubuhay na magulang.
Sino ang Legitimate at Illegitimate na Anak?
Ang legitimate o lehitimong anak ay mga anak na ipinanganak matapos ikasal ang kanilang magulang. Kasama rin ang mga ipinanganak bago ikasal ang kanilang magulang, ang tawag sa kanila ay legitimated.
Ang illegitimate o ilehitimong mga anak ay mga anak na ipinanganak ngunit ang kanilang magulang ay hindi ikinasal, halimbawa ay mga anak ng live-in partners na hindi nagpakasal.
Pumanaw na Anak (Child)
- Kung ang pumanaw ay isang anak, at ito ay walang asawa o anak, ang nabubuhay na magulang ay makakakuha ng 100% na lupain. Kung wala namang magulang ngunit mayroon siyang kapatid, ang mga kapatid ay paghahatian ang lupain o pag-aari ng pantay-pantay na bahagi.
- Kung ang pumanaw ay may asawa ngunit walang anak, ang lupain o ari-arian ay paghahatian ng asawa at magulang. Una, ang 50% conjugal share ay ibibigay sa asawa kung walang property regime. Ang natitirang 50% ay paghahatian ng magulang at asawa ng pantay-pantay na bahagi.
- Kung ang pumanaw na anak ay may sariling anak at asawa, ang lupain ay mapupunta sa anak at asawa. Walang makukuha ang magulang.
*** May mga exception sa batas pero yan muna ang basic sa mga tagapagmana.
Paano malilipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak? (Kung walang Will and Testament)
Ngayon na alam mo na na ikaw ay isa sa mga tagapagmana. Ang tanong mo ngayon ay Paano malilipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak?
Ang una ninyong gagawin ay gagawa ng Extra-judicial Settlement of Estate. Dito ninyo kakailanganin ng abogado dahil sila ang gagaawa at magnonotaryo ng dokyumento na ito. Ano ang nilalaman ng Extra-judicial settlement of Estate? Ilalagay dito ang lahat ng tagapagmana at kung ano ang kanilang mamanahin. Kailangan lahat ng tagapagmana ay pumirma dito. Maaari ring ipa-subdivide na ang lupain para mapaghatian na at magkaroon ng hiwa-hiwalay na titulo o maaari rin na co-ownership kung saan may isang titulo na may pangalan ng lahat. Kung paghihiwalayin ang lupa, kailangan ninyo ng geodetic engineer na gagawa ng partition.
Maaari rin ninyong itinda ang lupa at maghahati na lamang sa pera na ibinayad, ang gagawin ninyo ay Extrajudicial Settlement with Simultaneous Sale.
Paano malilipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak? (Kung walang Will and Testament) – PROSESO NG PAGLIPAT
Bago malipat ang titulo sa inyong pangalan, kailangan niyo munang dumaan sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Local Government, Register of Deeds (ROD), at kung agricultural land – Department of Agrarian Reform (DAR).
Mga Kakailanganing Dokumento sa Pagpalit ng Pangalan sa Titulo Kapag Namatay ang Kamag-anak:
- Extrajudicial Settlement of Estate
- Family Tree
- Death Certificate ng pumanaw
- Birth Certificate ng mga nabubuhay
- TIN ng Estate
- TIN ng mga tagapagmana
- Tax Declaration ng Lupa
- Certified True Copy ng Titulo ng Lupa
- Certificate of Non-Deliquency
- TIN Verification
- (Tax Payment Forms/Receipts mula sa BIR, LGU)
- (Certificate of Registration – BIR)
Paano malilipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak? – PROSESO NG PAGLIPAT
STEP 1: Bureau of Internal Revenue (BIR)
Kapag meron ka na ng mga dokumento na nabanggit, pumunta sa BIR upang ipasuri ang mga dokyumento at bayaran ang tax. Ang tax ay 6% ng BIR zonal value o Market Value ng lupa, depende kung ano ang mas mataas. May deduction na Standard Deduction na PHP5 Million ang mga ari-arian at may karagdagan na bawas kung ito ay family home. Matapos mabayaran ang Tax, magbibigay ang BIR ng Certificate of Registration (COR). Ito ay gagamitin mo sa LGU at Register of Deeds. Matagal ang proseso sa BIR kaya magdala ng tubig at snacks. Mag-aapply ka muna ng TIN para sa estate at ipapaverify ang mga TIN numbers bago nila suriin ang mga papeles.
STEP 2: Local Government Unit
Matapos makuha ang mga papeles at COR mula sa BIR, pupunta ka ngayon sa Municipal Hall ng lugar kung nasaan ang lupain para magbayad ng local transfer tax. Kadalasan ay meron silang one-stop shop, matapos magbayad, ikaw ay bibigyan ng resibo.
STEP 3: Register of Deeds
Matapos mo makuha ang Transfer Tax Receipt, isama mo na ito sa Register of Deeds at ipakita nag iyong mga dokyumento. Kailangan mo na rin ibigay ang original na titulo ng lupa. Susuriin nila ang iyong mga dokyumento at kapag ito ay sapat na, magbabayad ka na ng registration fee at maghihintay ng ilang linggo para makuha ang titulo.
STEP 4. Local Government Unit – Assessor’s Office
Kapag nakuha mo na ang mga dokyumento sa Register of Deeds, mag request ng Certified True Copy ng Nakaraang Titulo at bagong titulo. Ito ay iyong ipapasuri sa Assessor’s Office para naman palitan ang nakapangalan sa Tax Declaration.
Paano kung Tax Declaration lamang at Walang Titulo?
Parehas lamang ang mga hakbanh pero hindi ka magpapakita ng titulo ng lupa, ilalagay mo sa Extrajudicial Settlement of Estate na ang lupa ay unregistered land.
Matapos lahat ng mga proseso na yan, mayroon ka ng bagong titulo. Aabutin ka ng mahigit isang buwan para sa nasabi ng proseso. Yan ang mga sagot sa katanungan na ” Paano malilipat ang titulo ng lupa kapag may namatay na kamag-anak? “
CHEERRRSSS!!!
Anonymous says
Kung ang lupa ay iniwan sa aking tatay ng kanyang magulang at namatay si tatay sino ba ang dapat magmana nito, ang asawa’t mga anak o ang kanyang mga kapatid? At kung ang lupa ay di pa nakapangalan sa aking ama, pero nasa amin ang titulo pero kinuha ng kapatid ng aking ama kanino ba dapat ipangalan ang titulo?
Simplify says
Depende po kung sinong nakapangalan sa titulo. Kung ang nakapangalan ay ang lolo at lola, ang magmamana ay yung mga anak nila (tatay at mga kapatid mo). Kung ang titulo ay nakapangalan sa tatay mo lamang, yung mga anak niya (kayo) ang magmamana.
Kung wala pong titulo o tax declaration, kung sino po ang gumagamit ng lupa.
Anonymous says
ang property ay mana ni nanay mula sa kanyang magulang. samakatuwid ito ay paraphernal property o bukod n pag mamay ari ni nanay na maari nya ibenta kahit wala pahintulot ni tatay. pero si tatay ay patay na kailangan pa b p mag extra judicial settlement
Simplify says
Conjugal pa rin po yun kahit mana sa magulang, maliban na lamang kung meron silang prenuptial agreement. Kailangan pa rin yun ng EJS.