Paano Maiiwasan ang Stress Part 1
Catch yourself and pause. Breathe. Relax. Focus. Remind yourself that you can do it and everything will be okay.
Lahat tayo maraming ginagawa sa araw-araw. Napakaraming chores, activities at mga bagay na dapat matapos sa isang araw. Kadalasan minamadali natin ang ating sarili na tapusin ang isang bagay para simulan ang pangalawa. Habang ginagawa natin ang isang bagay ay iniisip natin ang iba pang mga bagay na kailangan nating gawin. Ang resulta, Stress.
Maiiwasan natin ang stress kung gagawin natin ang simple relaxing cycle:
Catch yourself and pause. Breathe. Relax. Focus. Remind yourself that you can do it and everything will be okay.
Catch yourself and Pause– Huliin natin ang ating sarili kapag napre-pressure na tayo at iniisip na natin ang nakapilang gawain natin. Kapag minamadali mo na ang iyong sarili sa pagtapos ng ginagawa mo, oras na para huminto ka. Hindi mo kailangangang isipin ang mga susunod na gagawin mo.
Breathe – Sa paghinto mo huminga ka ng malalim at tingnan ang iyong ginagawa.
Focus -Huwag isipin ang susunod na gagawin. Mag focus lang at ienjoy kung ano mang ginagawa mo ngayon.
Remind yourself that you can do it and everything will be okay – Kapag natataranta ka pa rin paalalahanan ang sarili na kaya mo ito at lahat ay magiging maayos ayon sa gusto mo.
Kaya kung busy ka masyado at natataranta na sa mga patong-patong na gawain at naiiyak ka na sa kaiisip kung paano mo ito matatapos. Alalahanin lang ang cycle. Tumigil muna sa iyong ginagawa, huminga ng malalim at magrelax. Magfocus sa ginagawa at ienjoy lang kung ano ang nasa harapan mo ngayon. Huwag mong isipin ang mga susunod na gagawin, ito lang muna – focus. Laging tandaan na kaya mo yan.
Kapag tinataranta mo ang iyong sarili at minamadali, ang nadudulot lang ay stress at hindi quality of work. Kung magfofocus ka sa isang bagay at ibigay mo ang attensyon mo dito, mas mabilis mo itong matatapos. Halimbawa, kung marami kang appointments na dapat puntahan sa isang araw, at hindi mo hinuhuli ang sarili mo ganito ang resulta:
Nasa appointment ka pero ang utak mo ay nasa susunod na appointment, ganun din ang mangyayari sa susunod na appointment mo. Ang resulta: wala kang natutunan at nastress ka lang sa kaiisip sa bagay na hindi mo makokontrol sa pag-aalala.
Kung nagrelax ka at sinabi sa sarili ang nabanggit:
Isipin mo lang ang unang appointmnet, makinig at matuto. Ganun din ang sa susunod. By the end of the day, may natutunan ka at naintindihan. Hindi mo minadali ang sarili mo.
Kaya:
Catch yourself and pause. Breathe. Relax. Focus. Remind yourself that you can do it and everything will be okay.
Tandaan na ito ay dapat maging isang habit, kailangang ipractice at hindi biglaang matututunan.
kung nagustuhan mo ang Paano Maiiwasan ang Stress Part 1, maaari ring basahin ang:
Paano mo babawasan ang Stress sa Buhay, Nakaka-stress na balita, bakit papakinggan?
Leave a Reply