Paano magsimulang mag invest sa Pilipinas?
Maraming gustong magsimula ng investment sa Pilipinas pero hindi alam kung paano. Ngayon tutulungan ko kayong magkaroon ng unang investment. OFW man o empleyado o estudyante ay puwedenv mag-invest kahit hindi ka masyadon marunong dito. Ang investment na ito ay UITF. Kung baguhan ka pa lamang at wala pang pera ay puwedeng puwede kang mag-invest. Tandaan na hindi ka makakasumula kung hindi ka hahakbang. So, paano nga ba maginvest sa UITF?
Paano magsimulang mag invest sa Pilipinas
Para kanino ang investment na UITF?
Para ito sa mga:
OFW
ESTUDYANTE
EMPLEYADO
ETC.
na nais matutunan at maexperience ang investment. Siyempre, una e takot kang mag-invest pero kapag nasubukan mo na ay masasabi mong kayang-kaya pala. Para mas makarelate kayo ay ikwekwento ko ang unang investment ko.
Paano magsimulang mag invest sa Pilipinas
1. Iprepare ang ID at pera
Ang minimum ay Php 10,000 para sa Security Bank Equity Fund. Kung ayaw mo ng risk ay mag invest ka na lang sa bonds o balanced fund. Security bank ang pinili ko dahil mababa pa ang kanilang NAVPU, mga php 2.1 siya at maaarinb tumaas ito hanggang 2.4 o higit pa sa susunod na mga taon.
Ang kailangan mong ID ay passport o iba pang government ID. Mas maganda ang passport kung meron ka, ang ginamit ko ay postal ID at TIN ID. Kailangan mo ding magkaroon ng TIN number. Puwede kang kumuha nito kahit wala ka pang trabahk tulad ng ginawa ko, may form kang dapat ifill out. Iresearch na lanv ito o abangan ang post ko tungkol dito.
Kapag hindi passport ay at least 2 government ID. Kung estudyante ay puwede ang school ID at enrollment form.
2. Pumunta sa bangko – Iapproach ang mga nasa desk at sabihin na mag-aapply ka ng UITF. Sa umaga ka dapat pumunta, kung hapon lang ang free time mo, sabihin na ngayon ka pipirma per bukas bibilhin yung uitf. Ganun yung ginawa ko.
Marami kang pipirmahang papel pero hindi lalagpas ng 1 hour ang transaction.
Pagkatapos ng pirmahan at bayad, may investment ka na.
Yehey!
Bonus: ipapaliwanab sa iyo anv UITF bago ka pumirma, huwa mahiyang magtanong sa kanila.
Pababalikin ka after 1 week para sa uitf certificate.
Yan ang aking first investment. Nung nagregister ako ay 2.07 ang price ngayon ay 2.1 na.
Isaac says
Just desire to say your article is as surprising.
The clarity in your post is simply spectacular and i could assume you are an expert on this subject.
Well with your permission let me to grab your feed to keep up to date with forthcoming post.
Thanks a million and please carry on the enjoyable work.