Para magkaroon ng personal style napag-usapan natin sa part 1 at part 2 na ang activities at body form ay dapat na naaayon sa iyong lifestyle. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang colors ng iyong buong wardrobe. Makabubuti naang iyong wardrobe ay may color palette na nakabase sa mga bagay na magpapasaya sa iyo. Ang topic natin ngayon ay kung paano gumawa ng color palette para sa iyong personal style.
Paano Magkaroon ng Personal Style 3: Color choice
Importante ang color choice sa paggawa ng iyong personal style. Ang kulay na pipiliin mo ay dapat magpapasaya sa iyo. Paano ka magkakaroon ng magandang color pattern? Sundan ang basic steps na ito:
1. Gumawa ng mood board. – Ano ang mood board? Ito ay collage ng mga bagay, pictures etc. na nagpapasa sa iyo. Para makagawa ng mood board ganito ang gawin mo:
Kumuha ng mga pictures ng mga bagay na nagpapasa sa iyo, mga pictures ng damit na gusto mo. Sa akin ang pinili ko na pictures para sa tag-araw na damit ko ay ang cherry blossoms ng Japan at Japanese Kimono. Kolektahin nag mga pictures na ito. Pwede ring mga tela at pictures ng mga damit na gusto mo.
2. Screening time – Bago ka gumawa ng collage isa-isahin ang pictures at suriin kung masaya ka bang nakikita ito. Kung oo itago ito, kung hindi ay itapon it. Para makatipid ka sa printing, suriin mo muna kung masaya ka bang nakikita ang picture na ito o kung hindi ay idelete na siya. Kapag natapos mong suriin ay itabi muna at balikan ito kinabukasan. Gawin muli ang prosesong ito sa mga natirang pictures o materials.
3. Gumawa ng collage – Iarrange ang mga napiling pictures sa arrangement na gusto mo. Mas makabubuti kung ang paborito mong picture ay nasa gitna ng mood board mo. Pwedeng gumamit ng folder o illustration board para sa mood board.
4. Titigan ang mood board at piliin ang mga kulay napansin mo. Ilista ang kulay na ito sa papel.
5. Ngayon, piliin na natin ang main colors, neutral colors at accessory colors mo.
Ang Main Colors ay ang kulay na pwede mong isuot sa araw araw – yun yung madalas na kulay ng jackets, shirts, dress, etc. mo.
Ang nuetral colors daman ay ang kulay na maaari mong iparehas sa mga main colors, ito ang kulay ng mga pantalon, skirts, o iba pang staples. Mostly na kulay ay black, white, dark biege, at iba pa pwede ka ring mag-dagdag ng colorful na damit.
Ang accessory colors ay kulay ng mga accessories mo tulad ng sapatapos, t shirt, scarfs, bags etc.
6. Ang main color ay 3-4 colors, nuetral ay 2-3 colors, at accessories ay 3-5 colors. Mas maganda kung harmoniuos ang kulay na napili mo. Halimbawa ng mga ito ay:
7. Ngayon ay pwede mo ng iassign ang color pattern mo sa napili damit mo:
8. Ngayon, bago ka bumili ng bagong damit ay tingnan kung naaayon ba itp sa ginawa mong personal style.
Leave a Reply