Sa paano magkaroon ng Personal Style 1 ay nalaman natin na kailangan natin na malaman ang ating activities, kung saan natin gagamitin ang damit na isusuot natin. Sa Paano magkakaroon ng Personal Style 3 ay pag-uusapan natin ang isa sa pinakamahalagang hakbang para sa paggawa mo ng iyong personal style.
Paano magkaroon ng Personal Style hakbang 2
Mamili ng Body Style
Ang body style ay nais ang “form” o sillhuette na nais mong mabuo. Halimbawa, ang body style na nais ko ay long sleeves, high waisted skirt, pants, semi casual na damit.
1. Makatutulong ang pagsearch sa internet ng mga gusto mong style at iprint out ito. Idikit ito sa notebook mo.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng body style. Tingnan ang mga halimbawa at lagyan ng bilang 1-10 (10 ang pinakamataas), i-rate mo ito kung ano ang sa tingin mo ay gusto mo. Sa chart na ito, piliin at top 3 sa bawat category (dress, pants, etc.) may pinakamataas na rating at doon ka mamili ng nais mo na body form.
If you want a pdf form please put your email address in the comments and I will send it to you.
2. Gumawa ng nais na body form base sa paboritong style mula sa itaas. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng body forms:
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga maaari mong pagpilian. Ang iyong body form ay magsisilbing uniform mo sa iyong pinupuntahan.
Leave a Reply