Paano magkaroon ng Personal style at Bakit mo ito kailangan?
Isa sa problema ng mga gustong magtipid ng pera ay ang pagbili nila ng “sale” items lalo na damit. Madalas basta mura bibilhin kahit hindi naman nila kailangan. Pagdating sa bahay ay mag-iisip sila kung saan ibabagay ang damit. Dahil dito bibili ulit sila ng panibagong damit na babagay sa dating nabiling damit. Ang resulta, wala ng natipid mula sa suweldo. Paano makatutulong ang pagkaroon ng personal style para makatipid? Kung meron kang personal style, hindi ka bibili ng basta basta. Iisipin mo muna kung angkop ba ito sa napili mo na style. Ang iyong personal style ay magsisilbing ruler mo sa pagpili ng bagong damit at kakailanganin mo sa paggawa ng capsule wardrobe. Ang capsule wardrope ay set ng mga damit na pwede mong imix and match para sa pang-araw araw mong damit. Ang capsule wardrobe ay may less than 40 pieces na gamit kasama na ang jackets, sapatos, sandals, pants, skirts, dresses a kung anu-ano pa. Ang mga mga ito ay dapat mixable at nakabase sa iyong personal style. Ngunit paano magkaroon ng personal style? Marami ang nagnanais maging fashionable ngunit hindi nila alam kung paano sisimulan ang pagkaroonng personal style. Heto ang ilang haknang kung paano magkaroon ng Personal Style.
Hakbang kung paano magkaroon ng personal style:
1. Alamin ang mga activities mo. Angiyong style ay dapat base sa iyong activities. Ang tela at comfort ay dapat naaayon sa ginagawa mong trabaho, sports, o iba pang aktibidad.
2. Alamin ang body style na gusto mo. – Ang body style o silhouette ay ang itsura ng damit na gusto mo. Halimbawa nito ay ang long sleeves, high waisted form. O kaya simplt t-shirt with jeans, o tailored jacket with jeans.
3. Alamin ang color pattern na magpapasaya sa iyo. – Ang kulay ng personal style mo ay dapat naaayon sa mood mo. Kapag isusuot mo ang iyong damit ay dapat pinapangiti ka ng mga kulay nito.
Ang mga ito ay base sa into-mind.com, pinasimple ko lang siya. Kung mas gusto mo ng detailed explaination sa bisitahin ang kanyang website.
[…] Ang isang halimbawa ng conscious buying na may purpose ay ang capsule wardobe ni Anushka (paborito ko na author at blogger). Ang capsule wardrobe ay ang pagkakaroon ng ilang key items na gamit na magiging uniform mo. Ang mga damit at bagay na isusuot mo ay nakabase sa specific na tema ng iyong wardrobe. Ang capsule wardrobe ay mababasa dito. […]