Paano mag-invest sa stocks sa Pilipinas?
Maraming interesadong bumili ng stocks, yung iba gusto nilang matuto ng stock trading, pero hindi iyon ang pag-uusapan natin. Ang investment sa stocks ay ang pagbili mo ngayon at pagtinda sa future o mga 10 years from now. Ito ay mabisang retirement savings kaysa nakaimbak lamang sa bangko ang iyong pera. So, Paano mag-invest sa stocks sa Piliinas
Paano mag-invest sa stocks sa Pilipinas?
1. Kailangan mo ng TIN number at konting kaalaman tungkol sa presyo ng stocks.
Kapag bibili ka ng stocks siguraduhing bluechip stocks ang iyong bibilhin. Ang bluechip stocks ay mg a stable na stocks tulad ng PLDT, SM, JFC (Jollibee), BDO, BPI at marami pang iba. Iresearch mo lang ang bluechip stocks sa Pilipinas at maraming lalabas.
Alamin mo rin ang “lots”, kung saan may minimum kang kailangang bilhin depende sa presyo ng stocks. Halimbawa, kung php 1000 ang presyo kailangan mong bumili ng minimum na 10 stocks.
2. Pumili ng Stock Broker
Ngayon meron ng online at convential na broker. Kapag online may account ka at doon ka bibili ng stocks at doon din magtitinda. Ano ang mga Online Stock brokers sa Pilipinas? Marami pero eto ang common
BPI TRADE
COL FINANCING
Recommended ni Bo Sanchez ang Col Financing pero okay din naman ang BPI TRADE.
3. Paano magregister sa BPI TRADE?
Una, dapat may ATM account ka sa BPI. Pumunta sa BPI Trade website at magregister doon. Iprint mo ang mga papel at pumunta sa BPI Branch at sabihingnagregister ka online sa BPI trade. Pipirmahan mo lang yung papers sa harap ng manager at sila na ang magpro-process. Makakatanggap ka ng email mula bpi na puwede ka ng magpurchase. Note: dapat may minimum na 500 sa iyon bpi trade account.
4. Paano magregister sa Col Financing
Idownload ang forms mula sa website nila at ifill out uto. Kung taga Manila kay ay isubmit ang papers sa office nila. Kung outside Manila ay ipadala sa address ni!a kasama ang photocopy ng ID mo. Hintayin ang confirmation bago ka magdeposit ng pera. Php 5000 ang minimum.
5. Meron din silang mga free trials kung gusto mong makita ang itsura ng magiging account mo.
Leave a Reply