Paano magbudget gamit ang Envelope System? Para sa ibang financial tips basahin dito.
Ano Ang Envelope System?
Ang envelope system ay ang pisikal na paghihiwalay ng pera gamit ang coin o money envelopes. Bawat isang envelope ay nakalaan ang isang gastusin at lalagyan ito ng pera na pangbayad. Kapag naubos ang laman ng envelope, hindi ka maaaring basta basta kumuha mula sa ibang envelope.
Paano magbudget gamit ang Envelope System?
1 Ilista ang mga gastusin bawat buwan. Ang sumusunod ay halimbawa ng basic household budget para sa hindi hihigit ng 6 na tao: Php18,000
- Electric Bill Php1000
- Tubig Php500
- LPG Gas Php1000
- Rice Php2000
- Food (ulam, drinking water) Php3000
- Emergency Fund: Php1000
- Savings: 2000
- Grocery (cleaning materials, condiments)Php1500
- Anna Allowance: Php2000
- Betty Allowance: Php2000
- Candy Allowance: Php2000
2 Kumuha ng Coin Envelopes batay sa dami ng category mo sa #1. Sa ating halimbawa, mayroong 10 items kaya kailangan mo ng 10 na envelopes. Lagyan ng label o pangalan ang bawat isang envelope.
3 Iwasang kumuha ng pera mula sa ibang envelope para sa ibang kategorya. Halimbawa, huwag kumuha ng pang grocery mula sa budget para sa rice. Huwag kumuha ng allowance ng mga bata mula sa savings o mula sa Food allowance.
4 Gumawa ng bagong budget para sa susunod na buwan bago matapos ang kasalukuyang buwan. Halimabawa, habang February 26 pa lamang ay gumawa na ng budget para sa March. Iadjust mo ang budget depende sa gastusin sa buwan ng March at batay din sa income na nakuha mo para sa March. Makakatulong sa iyo ng malaki kung meron ka ng 1 month na advance budget para sa March.
5 Kung may natirang pera sa envelope ay ilagay ito sa emergency fund o sa savings. Huwag itong gamitin sa gastusin na hindi nakalista sa iyong monthly budget.
Bakit ito Mahalaga ang Envelope System?
Mahalaga ang envelope system dahil maiiwasan nito ang overspending sa perang may pinaglaanan na. Kung may pisikal kang senyales na paubos na ang iyong pera ay mapipilitan kang magtipid. Ang conscious spending ay ang pag gastos ng pera na may plano. Makikita mo rin kaagad kung para saan ang pera at kung magkano lamang ang dapat mong gastusin.
Marami sa mga nagbubudget ang hindi gumagamit ng enveope system kaya hindi nila napapansin na nauubos na ang pera nila na dapat sana ay nakalaan sa ibang bagay. Kung naka lagay lamang sa wallet ang pera, hindi talaga namamalayan na nauubos na ito. Kapag may pisikal na palatandaan mapapansin agad kung magkano na ang nagastos at mapipigilan ka na aksidenteng magastos ang pera na may pinaglalaanan na.
Gaano ka-epektibo ang Envelope System sa Pagbubudget?
Ginagamit ko ang envelope system sa loob ng walong taon ( 8 years), ito ay epektibong paraan para manatili sa budget. Sa taon ko na paggamit nito ay masasabi kong mas nakatipid ako at mas nagstick sa budget kumpara kapag hindi pisikal na nakahiwalay ang pera. Subukan niyo ito para sa inyong financial goals.
[…] Paano magbudget gamit ang envelope system? […]