Paano Magbayad ng Tax for Small Businesses under 8% Percentage Tax at hindi umaabot ng more than Php250,000 ang tax every Quarter. Lahat required magfile ng INCOME TAX RETURN kahit ZERO ang iyong taxable income.
May dalawang Options ang NON-VAT taxpayer:
- GRADUATED + 3% Percentage Tax at
- TABULAR na 8% Percentage Tax
Kadalasan ay 8% Percentage Tax ang pinipili ng mga tao dahil isahang computation lamang ang babayaran. Ang article na ito ay para sa mga 8% percentage taxpayers.
Ano ang form na kailangan at Kailan ka Magbabayad ng Tax?
Ang period of filing ng income Tax para sa Tabular Rates o 8% ay:
Period Tax Form Deadline
1st Quarter 1701Q May 15
2nd Quarter 1701Q August 15
3rd Quarter 1701Q November 15
Annual 1701 April 15
Paano Mag Compute ng TAX?
Ang mga sari-sari stores, small rental business, at online sellers ay kailangang matutong magcompute ng TAX. Paano nga ba nacocompute ang TAX?
- Alamin ang iyong GROSS SALES. Ang gross sales ay lahat ng earnings mo. Hindi mo ibabawas ang iyong expenses.
- Alamin ang iyong TAXABLE INCOME. Para malaman ang taxable income, gamitin ang ganitong computation: Taxable income: GROSS SALES — Php250,000.
- Alamin ang iyong TAX DUE. Para malaman ang tax due, I-multiply ang iyong Taxable Income sa 8% na Tax o Tax Due: Taxable Income x 8%
Magsubmit ng TAX Return Online kung ZERO ang Tax Due
Zero ba ang iyong Tax Due? Magsubmit ng Form gamit ang EBIRFORMS mula sa BIR at i-install ito sa iyong computer. I-open ang software at hanapin ang kailangan mong Form. I-print mo ito at iyong i-submit. Make sure na valid ang iyong e-mail para mareceive ang confirmation e-mail. Kung wala kang nareceive na e-mail within 4 hours, mas mabuting iresubmit ang form.
Mag bayad sa Authorized Banks kung may Babayran kang Tax:
List of Accredited banks
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa inyong local BIR kung mayroon silang FREE SEMINAR every Friday at mag-attend kayo.
Leave a Reply