Paano mag online reservation para sa Passport ? (2018 update).
Kaya ngayon, pag-uusapan natin ang online renewal at application ng passport. Kung dati ay unahan sa pila sa may SM Baguio o iba pang outlet, ngayon ay paunahan na ng reservation ng time slot.
Paano mag online reservation para sa Passport ? (2018 update)
Step by Step online reservation para sa passport 2018
- Anong pinagkaiba ng pagkuha ng passport noon at ngayon?
Importanteng malaman ito dahil walang pinagkaiba ang requirements at procedure ng application o renewal noon at ngayon maliban lang sa online appointment/ reservation. Ngayong 2018, magpa-appoint ka muna bago pumunta pero dapat lahat ng requirements mo ay kumpleto. Tingnan ang post na ito para sa pag apply ng passport.
2. Online Appointment
Ngayong kumpleto na ang requirements mo para sa passport mo, kailangan mong magpareserve ng time slot. Hindi ka papansinin kung wala kang printed na reservation form at papauwiin ka lang. So ano ang mga kailangan mo? Kailangan mo ng mabilis na internet at stable internet connection. Tandaan na marami rin ang nagpapareserve kaya dapat maunahan mo sila bago makuha nag iyong time slot.
3. Pumunta sa website na ito para sa reservation: (link to passport)
https://www.passport.gov.ph/appointment/individual/site
4. Fill in the blanks
Fill in or fill out the blanks. Sa website ay makikita mo ang Region, Country, at Site. Piliin mo ang asia pacific para sa Region, Philippines para sa Country, at Baguio para sa site kung gusto mo pwede mo ring piliin and la union kung may oras kang pumunta doon. Sa right side ay nakalagay ang office na pupuntahan mo, sa Baguio ay sa SM Baguio. Iclick ang next
Sa next page makikita mo ang isang Calendar at dates. I click ang date na nais, sa right side ay magpapakita ang oras at kung Not Available o Available. Kapag not available ibig sabihin hindi ka puwedeng magp-appointment sa araw na iyon. Iclick ng iclick ang mga dates. Iclick ang >> na sign para sa next month. kung may nakita kang available iclick na ito agad. Kapag may nahanap ka ng schedule ay iclick nag Next. Madalas not available ang month na nais mo, halimbawa ay April pa lang ngayon pero sa June 7 pa ang appointment ng ate ko dahil sobrang dami ng tao na nagpareserve. At kanina habang chinicheck ko ay may nag available sa May 22 pero nung papareschedule ko ay hindi na siya available agad.
Sa next page, ifill out ang mga tanong na may asterisk (*). Press next. Ireview at next ulit. Sa ikahuling next ay piliin kung Apply o Renew ang passport. Press next. Sa email address, gumamit ng gmail.com para may sigurado. Tiyakin na alam mo nag email at PASSWORD mo, maglog-in ka muna para sigurado. Kung wala kang e-mail ay magregister dito ng libre (gmail).
Huwag iclo-close ang browser hangga’t hindi nacoconfirm ang reservation mo. Hintayin na sabihing “a link is sent to your email” o parehas na mensahe.
4. E-mail at Appointment confirmation.
IMPORTANT!!! Icheck ang e-mail at iclick ang message galing DFA. Sasabihin niya na kailangan mong iconfirm ang reservation mo within 3 days or else mawawala ang iyong reservation.
Para Iconfirm ang iyong reservation: Pumunta sa link na ito:
https://www.passport.gov.ph/appointment/view/
Ilagay ang appointment code na natanggap sa e-mail at ang iyong email address. Iclick ang bilog sa may “I’m not a robot” at hintayin na magcheck. Click ” View Details”.
Iclick ang CONFIRM.
5. Print the form
Pagkaconfirm mo ay may bagong e-mail kang matatanggap mula sa DFA na nagsasabing confirm na ang iyong reservation. Meron siyang link kung saan pwedeng idownload ang form mo. Iclick mo ito at iprint. Ipakita sa iyong appointment kasama ng mga requirements mo.Kung hindi mo mahanap ang link ay pumunta sa https://www.passport.gov.ph/appointment/view/ at iclick ang download form.
6. Check your requirements
Icheck lahat bago pumunta sa DFA (SM). Check the requirements here:
Yan ang Paano mag renew o mag-apply ng passport (online reservation) sa Baguio 2017. Kung may katanungan magcomment lang at mas makabubuti ng imessage ang DFA.
may God bless you all!
Leave a Reply