Paano mag Detoxify ng social media use? Ngayong tapos mo na ang detoxify internet use, ngayon naman ay alamin natin kung paano mag Detoxify ng social media use. Isa sa napakalaking implowensiya sa buhay ng Pilipino ang facebook. Halos 24 hours everyday ang ginugugol na karamihan sa facebook. Sa isang research sa US, ay napag-alaman na isa sa dahilan ng stress at depression ay ang social media tulad ng facebook, instagram, at twitter. Bakit nga ba nagdudulot ito ng depression at stress? Ito ay dahil marami sa atin ang naiinggit sa post ng ibang kaibigan natin. Pakiramdam natin ay hindi tayo kasing suwerte nila o kasing yaman nila blah blah. Masyado nating kinukumpara ang sarili natin sa iba na ang resulta ay hindi natin napapansin ang mga magagandang nangyayari sa ating buhay. Masyado rin tayong uhaw sa “likes” at papuri ng ibang tao.Ang pamumuhay ay hindi dapat ganito. Hindi mo kailangangang humananap ng papuri ng iba para lumigaya.
Paano mag Detoxify ng social media use : Katotohanan sa likod ng facebook:
1. Sa social media e.g. facebook, ang mga pinopost lamang ng halos karamihan ay ang kanilang “blessed moments” at iyun ang ating nakikita. NAkakalimutan natin na ang mga posts na iyun ay konting portion o piraso lamang ng buhay ng kakilala natin. Minsan ay napakasaya nila sa picture pero ang totoo ay iyun lang ang panahon na masaya siya. Ang social media ay parang libro, ang nakikita mo ay title lamang ng buhay ng isang tao. Sa mga title ng libro doon nilalagay ang pinakamagandang cover para isipin ng mundo na maganda ang librong ito, ang totoo ay hindi ganun kaganda ang laman ng libro. Kaya sa susunod na nakita mo ang post ng iba at tingin mo e napakasuwerte niya, alalahanin mo na ito ay cover lamang ng libro.
2. Kung naiinggit ka sa mga napakaflawless na mukha ng ibang tao alalahanin mo ang photo shop at iba pang photo enhancement. Alam mo ba na ang mga pictures sa magazines ng mga model ay puno ng makeup at puno ng photosho o picture editing? Ganun din yun sa mga tao sa social media.
3. Alalahanin mo na bihira ang taong nagpopost ng kalungkutan at kamalasan nila sa buhay. Malamang mas maraming malungkot na karanasan ang kinaiinggitan mo kesa sa pinost niya.
Leave a Reply