Paano ka yayaman kahit empleyado ka lang? Una sa lahat may pag-asang yumaman ang isang tao kahit isa lamang siyang empleyado. Kailangan mo lamang ng tatlong bagay ;ang Panginoon, tamang pagbudget at pagiipon, tamang investment. Hindi instant ang pagyaman. Kung babasahin mo ang mga kuwento nina henry sy at iba pang mayayaman ay nagsimula sila sa maliit. Sabi nga csuccess takes a long time”. Bago ka yumaman kailangan mo munang sumunod sa ilang basic steps.
STEP 1: Mahalin mo ang Diyos at magtiwala sa kanya.
STEP 2 paano ka yayaman kahitempleyado ka lang?
Tamang pagbudget at pag-ipon. Ang isang napakalaking dahilan kung bakit laging ubos ang pera ng isang empleyado ay dahil di tayo marunong magbudget at maghawak ng pera. Ang tamang paggamit ng pera ay dapat alam ng bawat pilipino upang tayo ay umasenso. Kahit anong trabaho mo at kahit ilan ang pamilyang nakadepende sa iyo kailangan mong matutong mag-ipon at magbudget.
a. Sa pag-iipon, kailangan ay dalawa ang pag-ipunan mo, ang iyong retirement and investment savings at emergency fund. Una nating pag uusapan ang iyong emergency fund dahil bago ka mag-ipon para sa iyong retirement savings ay dapat meron kang ipon sa emergency fund.
Ano ba itong emergenct fund na ito, ito ay savings na katumbas ng dalawa o higit pang buwan na suweldo. Paano ka magkakaroon ng emergency fund kung sa suweldo ka lang nakadepende? Ito ay ituturo ko mamaya. Ang emergency fund ay mahalaga dahil dito ka kukuha ng mga panggastos mo sakaling may sakuna o kailangan kang maglabas ng pera na hindi kasali sa buwanang budget mo. Dapat ay nakalagay ito sa bangko para hindi ka matuksong gastusin ito. Maraming bangko ang nag ooffer ng minimal na maintaining balance tulad ng east west bank. Mayroon silang account na P100 lang ang maintaining balance. Meron ding ganito sa BPI. Hindi ka puwedeng mag-ipon para sa iyong investment kung wala kang emergency fund.
b. Ano naman ang retirement o investment savings? Ito ang perang ipupundar mo para lumago. Para magkaroon ng pera ay iiinvest mo ang iyong pera at babawiin mo pagkatapos ng ilang taon, atleast 3 years. Take note na long term ito. P10,000 ang minimum ngayon sa ibang investments at P5000 para sa stocks na ating pag-uusapan mamaya.
c. Paano ka makakaipon ng emergency fund at investment savings? Ang sekreto ay ang pagbawas muna ng para sa savings mo bago mo ibudget ang pera. Maraming nagsasabi na maganda ang 10-20-70 rule, ito ay paraan ng paghati ng suweldo kung saan 10% ng suweldo mo ay sa Panginoon, 20% a sa iyong ipon at ang natitirang 70% ay para sa gastusin mo. Ang rule na ito ay ideal sa mga single at walang pinag-aaral na anak. Maganda ito subalit para sa mga may pinag-aaral e medjo mahirap. Halimbawa ang suweldo mo ay P13,000 kada buwan at mayroon kang tatlong anak na nag-aaral. Kailangan mong pagkasyahin ang P9100 sa isang buwan. Kung hindi mo kayang pagkasyahin ang 9100 ay maaari mong baguhin ng kaunti ang paghati sa suweldo mo, 5% sa church o charity, unless miyembro ka ng church na required ang 10%. Kapag miyembro ka ng 10% para sa simbahan ay bawasan mo na lng ang savings mo para mapagkasya ang pera mo. Ang savings ay di dapat bababa ng 10%. Puwedeng ang suweldo mo ay 5-15-80 o 10-10-80. Dapat pagkakuha ng suweldo ay ibangko mo na agad ang savings at ilagay na sa envelope ang para sa Diyos. i. tanong, bakit kailang ng tithe o porsyento para sa Diyos? Alam mo na ang dahilan at hindi ko na kailangang ipaliwanag pa. Ang tamang tanong ay kanino mo ibibigay ang tithe mo? Kung may church ka at totoong tumutulong ito sa spiritual mong kalooban ay sa kanila mo ibigay. Kung di ka naman miyembro o nagdududa ka sa church mo, sa charity na lamang tulad ng …..(insert her STEP 2 tamang pagbudget ng 80 o 70% ng suweldo mo
Leave a Reply