Paano iparehistro ang Negosyo sa SSS (Baguio City)?
Ang pagrehistro sa SSS ay kailangan meron ka mang empleyado o wala. Kung wala kang empleyado, kailangan mong magrehistro bilang self-employed. Kung meron kang kahit isang empleyado maliban sa sarili mo ay kailnangan mong kumuha ng SSS Employer number. Maaari kang makasuhan ng gobyerno kung wala kang SSS employer number. Kailangan mo rin ito bago ka makapagrehistro sa Pag-ibig at PhilHealth.
Paano iparehistro ang Negosyo sa SSS (Baguio City)?
Oras na gugugulin sa pagpaparehistro: Mahigit 6 hours na pila.
Mga kailangan: (Tatlong kopya bawat isa)
BIR TIN Number
Mayor’s Permit
DTI Certificate
Signature Card (all original)
Sketch ng lokasyon ng Business
Form R1 Prepare 3 originals
Form R1-A Prepare 3 originals
Government Issued ID with photocopies
Mga Hakbang:
- Pumunta sa SSS at ipacheck at documents sa clerk bago ka kumuha ng numero.
- Hintayin mo na matawag ang iyong numero.
- Pagnatawag na ang iyong numero, muli nilang susuriin ang iyong mga dokyumento kung kumpleto.
- Kapag hindi kumpleto ay bibigyan ka ng oras para kumpletuhin ito. Kailngan mong kumpletuhin ito sa araw din na iyon para hindi ka na muling pumila pa.
- Kapag kumpleto na, bibigyan ka nila ng SSS Certificate kung saan nakasulat ang iyong SSS Employer number.
CONGRATULATIONS! Registered ka na sa SSS.
Paano iparehistro ang Negosyo sa SSS (Baguio City)?
Alamin:
Leave a Reply