Paano Iparehistro ang iyong Negosyo sa BIR sa Baguio City?
May negosyo ka bang nais ipatayo o meron ka na bang negosyo na hindi mo pa naipaparehistro sa BIR? Ang gabay na ito ay naglalayon makatulong sa iyo upang maiparehistro mo ang iyong business at magkaroon ka na ng Official Receipt na ibibigay sa iyong customers.
Babala: Dapat iparehistro mo ang iyong negosyo sa loob ng 30 days mula sa araw na nakuha mo ang iyong business permit para hindi ka magbayad ng penalty. Ang penalty ay nagkakahalaga ng Php500-Php1,000.00.
Paunawa: Ang proseso ng pagpaparehistro ng negosyo sa iba’t-ibang lungsod o lugar ay hindi pare-parehas at maaaring may kaunting pagkaka-iba. Mas mabuting sumangguni sa inyong Local na BIR kung ano ang kanilang policies sa kanilang ahensya.
Paano Iparehistro ang iyong Negosyo sa BIR sa Baguio City?
Oras na gugugulin sa pagproseso ng application: 1 to 2 days at 4 hours seminar.
Mga kinakailangang dokumento: (Tatlong kopya bawat isa)
Mayor’s Permit
DTI Certification
2 IDs ng may-ari
BIR FORM 1901
BIR FORM 0605
Mga Hakbang:
- Pumunta sa BIR at sabihin sa guard na ikaw ay magpaparehistro ng iyong negosyo. Bibigyan ka ng form kung wala ka pang fom at numero ng pila. Hintayin mong matawag ang iyong numero.
- Iche-check nila ang iyong mga dokumento kung kumpleto. Kung kumpleto, kukunin nila ang iyong forms at susulatan.
- Ibabalik nila sa iyo lahat ng dokumento at kailangang mong bayaran ang nakasulat sa forms na fees.
- Magbayad sa authorized agents tulad ng banks. Kung hindi ka sigurado kung saan ay magtanong sa BIR personnel para matulungan ka nila.
- Matapos magbayad, bumalik sa BIR kasama lahat ng dokumento at sabihin mo sa guard na magbabayad ka ng Certification Fee at Documentary Stamp (Php100 plus Php40). Bibigyan ka ng number at hintaying magtawag ang iyong numero.
- Pag nakabayad ka na ay kumuha ka ulit ng numero sa guard para sa susunod na counter. Sabihin sa guard na nakabayad ka na.
- Pag natawag na ang iyong numero, ibigay lahat ng dokumento at ipakita ang resibo. Bibigyan ka ng schedule ng seminar at claim stub.
- Mag-attend sa Seminar. Matapos ang seminar ibibigay sayo ang BIR Certification. Itanong sa teller kung saan ka makakbili ng blue journal at mag-aaply ng resibo.
- Sundin ang kanilang instructions nila kung para sa iyong RESIBO. Huwag aalis sa BIR na hindi ka nakapagpagawa ng resibo.
CONGRATULATIONS REGISTERED KA NA!
HINTAYIN MO NA LANG ANG RESIBO MULA SA BIR.
Paano Iparehistro ang iyong Negosyo sa BIR sa Baguio City?
Alamin:
- Paano irehistro ang iyong Negosyo sa PhilHealth
- Paano irehistro ang iyong Negosyo sa SSS
- Paano irehistro ang iyong Negosyo sa PAG-IBIG
Leave a Reply