Paano gumawa ng Mosquito repellent oil
Sana nakatulong sa inyo ang post na Paano gumawa ng mosquito repellent lotion. Ngayon, karamihan ay walang shea butter o beeswax, may paraan ba para makagawa ng mosquito repellent item na mas mura? Ngayon, eto naman ang project ko. Nainspire ako sa Bug Shield ng Human Nature, isa siyang Filipino brand at hindi ko alam kung meron na sila sa mga major stores. Anyway, para iwas dengue at lamok effective ito para itago kayo sa lamok. Ito ay oil base kaya ipahid niyo lang ito sa inyong katawan at repeat the process kapag wala na siyang amoy. Mas madali at murang gumawa ng Mosquito repellent oil kesa sa lotion.
Paano gumawa ng Mosquito repellent oil
Ang kailangan niyo lang ay carrier oil, preferrably cold pressed, at essential oil. Ang cold press ay process ng pag extract ng oil mula sa halaman na hindi ginagamitan ng bleach, alcohol, at iba pang harmful products.
Tandaan: Ang rule of thumb sa essential oil ay 12 drops per 30 ml or 2% ng carrier oil.
Ingredients:
30 ml Carrier oil – Choices: Virgin Coconut oil, Virgin Olive Oil, Sunflower oil, Soy bean oil, or Canola oil. Puwede kayong mamili sa kanila kung ano ang gusto niyong gamitin at puwede ring pagsamahin. Kadalasan ay makikita sila sa grocery stores, ang iba ay available online. Kung gusto niyo ng premium oils puwede kayong gumamit ng Argan, Jojoba, Almond oil.
Citronella Essential Oil – 12 drops per 30mL. Mabibili ang Citronella essential oil sa thecasadelorenzo.com, i email niyo lang sila at magrereply agad. Mas mura ang citronella dito dahil gawa sa Pilipinas at mula sa Pilipinas ang ingredients. Available din siguro sa mga stores pero wala pa akong nakikita.
Procedure:
Paghaluin lamang ang carrier oil at essential oil. I-shake at puwede ng ilagay sa lalagyan. Ipahid lang sa katawan ninyo at ng inyong mga kamag-anak para sa mosquito free day.
Paano gumawa ng Mosquito repellent oil:
Tips and Suggestions:
- Puwedeng magdagdag ng ibang essential oil tulad ng lavender, Calamansi, eucalyptus at orange basta dagdagan din ang carrier oil o bawasan ang drops ng mga essential oils.
- Ang Human Nature ay may website na www.humanheartnature.com
- Huwag ilagay sa direct sunlight at store below 35 degrees celcius ang inyong oil.
-
Pricelist From thecasadelorenzo.com:
Essential Oils*10mL30mL100mLLavender3257652310Peppermint175305775Lemongrass2455151475Citronella175320815Calamansi155250590Tea Tree Oil3658802690Eucalyptus2054001081Ginger45511503595Elemi3909552945Carrier Oils*250mL1000mLVirgin Coconut Oil240745Olive OilAvocado Oil5602030Grapeseed Oil3401140* Prices updated as of June 15, 2016
Leave a Reply