Paano Gumawa ng Mosquito Repellent Lotion
Napakarami na namang lamok ng ngayon at lahat na lang kinakagat nila. Kahit aso ko naiinis sa mga lamok kaya ginawan ko sila ng citronella candle para pantaboy ng lamok. Isang araw e umuwi si mother at sabi niya na nag-order daw siya ng mosquito repellant na lotion gawa sa citronella. Ang una kong inisip ay, “oo nga no, kaya ko ding gumawa nun” so gumawa ako at heto ang recipe.
Paano Gumawa ng Mosquito Repellent Lotion
Ingredients:
Shea butter ( o coconut oil or both)
Beeswax (kunti lang para hindi matigas, mga 2 tablespoon lang)
10ml argan oil (jojoba/avocado/olive/sunflower o kahit anong oil meron kayo)
1 teaspoon almond/castor oil/ rosehip oil (optional)
6 – 10 drops citronella essential oil (kung mas maraming oil, dagdagan ang drops)
(you can play with proportions basta kunti lang ang beeswax at essential oil)
Materials:
Double boiler o improvised (instruction #1)
Silicone molder – nabili ko sa daiso P88 lang
Procedure:
- Kumuha ng kaldero at lagyan ng tubig. Ilagay lahat ang ingredients (except citronella) sa heat proof glass o tin/steel mug/cup. Ilagay ang cup/mug/glass sa kalderong may tubig – iwasang mabasa ang ingredients o matapon ang contents ng mug/cup sa kaldero.
- Hintaying matunaw lahat ng ingredients (except essential oil)
- Pag tunaw na lahat ng ingredients ay lagyan ng citronella essential oil at haluin.
- Patuyuin (huwag ilagay sa ref)
- Tapos pwede mo ng gamitin sa sarili, sa aso, at sa kapamilya.
Saan mabibili ang mga ito?
Silicone mold – Daiso o sa mga baking shops
Tin can/mug/cup – sa dinner ware store
Essential oil – sa casa lorenzo, binili ko siya online pero kung merong nagtitinda malapit sa inyo doon na kayo bumili, take not essential oil at hindi fragrance oil. Mga 300 per 30ml ata yun pero matagal maubos.
Shea butter at Oils – Nabili ko siya online, pero puwede kayong makabili ng virgin olive oil, coconut oil sa grocery. Check niyo rin sa baking store ang shea butter.
Leave a Reply