Paano gumawa ng homemade toothpowder? Una sa lahat ano ba ang tooth powder? Ito ay alternative sa commercial toothpaste kung saan gagamit tayo ng natural materials. ang recipe na ito ay nagamit ko na for 3 months at ayon sa aking dentist walang okay walang sira ang aking ngipin.
Paano gumawa ng homemade toothpowder
Materials:
Glass Jar
Ceramic cup/ glass cup basta hindi metal
Hindi metal na spoon
Ingredients – Soon available sa aking online store on December
1 tsb Activated Charcoal
6 tsb Bentonite Clay
3 tsb baking soda
2 tsb Virgin Coconut Oil
1 tsb sea salt (optional kung meron ka)
5 drops essential oil – peppermint
Paano gumawa ng homemade toothpowder
1. Paghaluin lahat maliban ang essential oil at haluing mabuti hanggang even ang coconut oil. Mapapansin na powder siya kahit may coconut oil. Huwag gumamit ng bakal o steel dahil mawawala ang bisa ng bentonite clay.
2. Ihalo ang essential oil at imix uli ang powder.
Paano gamitin ang homemade toothpowder
1. Gamitin na parang toothpaste.
- Note:
Hindi siya bubula dahil wala siyang sabon pero effective pa rin ito.
Wala itong flouride pero makukuha ang flouride sa tea at iba pang pagkain. Tandaan na ang excessive flouride ay nagdadala ng dental problems. - Ang bentonite clay, sea salt at baking soda ay nagbibigay ng mineral sa ngipin habang nag-aalis ng dumi
- Ang Activated charcoal ay nagpapaputi ng ngipin at nag-aalis din ng impurities
Ang Coconut oil ay antibacterial at nag-aalis ng mikrobio sa ngipin.
BABALA:
Hindi ko pa ito nasubukan sa may synthetic na ngipin, kung may synthetic o plastic na ngipin.
Kapag may braces, hindi gagana ang bentonite clay. Ang remedy ay gumamit ng sea salt, at mas maraming baking soda at alisin ang bentonite clay.
Leave a Reply