Ang facial scrub ay ginagamit para alisin ang skin dead cells sa balat at katawan. Tandaan na huwag gamitin araw-araw ang fscisl scrub sa mukha, gamitin lang ito three or twice a week. Maraming facial at body scrub sa department stores pero mas may mga halo itong chemicals na nakakasira ng balat. Kaya, heto ang ilang recipes ng facial scrub na mura at madaling gawin. Puwedeng body scrub at facial scub ang mga recipe na ito.
Paano gamitn ang facial scrub?
- Una, hugasan ang mukha. Pangalawa, ilagay ang scrub sa mukha gamit ang daliri. Pangatlo, i-massage ang scrub ng dahan dahan, dapat ay outward circular motion ang pag scrub sa mukha. Banlawan.
Paano gamitin ang body scrub?
- I-massage sa sarili ang body scrub at hayaan sa balat ng 1 minute. I-scrub ulit. Banlawan.
Paano gumawa ng homemade facial at Body scrub :
Puwede kang gumawa ng tig kunti o gumawa ng maramihan at ilagay sa glass jars:
Sugar & Honey Blend
- Ingredients: 1 tablespoon honey, 1 tablespoon sugar (puwede mong i-adjust ang sugar o honey depende sa gusto mong consistency ng scrub)
- Procedure: Mix them together to form a paste.
Sugar & oil Scrub
- Ingredients: 2 tablespoon sugar ang 1 tablespoon oil (olive, coconut, sunflower oil)
- Procedure: mix them together. Use warm water when using this mix to rinse of the excess oil.
Baking Soda
Puwedeng gamitin ang baking soda na walang halo o dagdagan ng 1/2 tablespoon coconut oil o olive oil. Puwede mo itong gamitin sa araw-araw as facial wash.
Facial Scrub for Dry Skin
- Ingredients: 1/4 cup uncooked oats
1/8 cup honey
1/8 cup olive oil/ coconut oil / sunflower oil
- Procedure: Paghaluin ang mga ingredients hanggang makagawa ng paste. All done! Puwede rin itong gamiting face mask – ilagay ito sa mukha at banlawan pagkatapos ng 15 minutes.
Coffee Face Scrub
- Ingredients: 1 tbsp Olive/coconut oil, 2 tbsp honey, 3 tbsp coffee grinds (hindi instant coffee)
- Paghaluin ang mga ito. All done!
Lemon and Sugar Face Scrub
- Ingredients: 1/2 fresh lemon
1/2 cup granulated sugar
1 tbsp olive oil / coconut oil
1 tbsp honey - Paghaluin ang lemon juice, sugar, oil at honey. Paghaluing mabuti hanggang maging paste.
Leave a Reply