Paano Gawing Apelyido ng Tatay ang Apelyido mo. Marami kaming natanggap na katanungan tungkol sa pagpalit ng apelyido para gawing apelyido ng tatay. Kung ang apelyido o surname mo ay apelyido ng nanay at nais mo itong palitan ng apelyido ng iyong tatay.
Karaniwan sa natanggap naming tanong ay ganito:
Bakit wala kang middle name at apelyido ng nanay mo ang nasa PSA Birth Certificate mo?
Ayon sa batas, kung ang bata ay ipinanganak na hindi kasal ang magulang ang apelyido na gagamitin ay apelyido ng nanay. Wala ring middle name na ilalagay pag apelyido ng nanay ang gamit. Ang ilan ay nilalagay ang middle name ng nanay pero hindi dapat.
Paano ko gagawing apelyido ng tatay ko ang apelyido ko?
Maraming apelyido na ng tatay ang gamit nila at hindi alam na iba pala ang nasa PSA Birth Certificate. Para maayos ito kailangan na ayusin ito sa Local Civil Registrar. Ang Local Civil Registrar ay government office na nagre-record ng mga Birth (panganganak), Marriage (kasal), at Death (kamatayan). Ayon sa batas, maaari nilang i-record ang apelyido ng tatay sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Magkaiba ang paraan base sa taon kung kailan ka naipanganak at kung kinasal ang iyong magulang pagkatapos mong naipanganak.
Ipinanganak bago August 3, 1988 –
Hindi mo maaaring palutan ang iyong apelyido sa iyong tatay kung hindi sila kasal. Kung kasal sila pagkatapos mong maipanganak ang process ay LEGITIMATION. Ang magagastos mo ay higit sa PHP10,000. Ang documents at requirements ay makukuha sa iyong Local Civil Registrar. Maaaring hanapin ang kanilang phone number sa google at tawagan para mag-inquire ng mga gastos at requirements. Para sa mga Affidavit, marming notary public ang maaaring gumawa nito.
Paano kung ipinanganak ka bago ang August 3, 1988 at hindi kasal ang magulang mo? Mas mabuting palitan mo ang iyong mga school records at IDs para sundan ang iyong PSA Birth Certificate. Lumapit sa kanilang offices para malaman ang kanilang requirements.
2. Ipinanganak mula August 3, 1988 –
A. Hindi kasal ang magulang – Maaari mong palitan ang Birth Certificate para gamitin ang apelyido ng tatay kung gagawa siya ng Affidavit to Use Surname at Affidavit of Acknowledgment. Mag-aapply ka ng change of surname sa Local Civil Registrar kung saan nakarecord ang iyong birth certificate. Maliban sa mga Affidavits, may iba pang requirements na hihilingin ang LCR para mapalitan ang iyong apelyido. Mas makabubuting pumunta sa office nila para magtanong dahil sila ang sangay ng gobyerno na nagpro-process ng mga ito.
B. Kung kasal ang iyong magulang pagkatapos mong maipanganak, ang process ay Legitimation. Kailangan mo ng PSA Marriage Certificate ng iyong magulang. Kung kasal sila ngunit wala silang Marriiage Certificate, kailangan mag-apply muna nito.
C. Kung pumanaw na o hindi mahanap ang ama, pwede pa rin palitan kung meron siyang affidavit na ginawa bago siya pumanaw o nawala. Kung wala naman, palitan na lamang ang IDs at school records para umayon sa iyong PSA Birth Certificate dahil di mo na ito mapapalitan.
Magkano ang gagastusin sa pagpalit ng Apelyido?
Hindi namin alam ang exact fee. Pero kung sa LCR lamang, at least PHP10,000 ang processing fees. Sa consultation fee ng lawyer, tanungin sa kanilang law office. Pag may abogado sa korte, at least PHP70,000, hindi kasama ang mga appearance fees.
Disclaimer: Tandaan na lahat ng advice dito ay maaaring mabago at hindi final. Depende pa rin ito sa buong detalye ng iyong problema, iyong Local Civil Registrar, at abogado na lalapitan.
Anonymous says
Ung asawa ko po ay nagkaron ng anak sa dati nyang bf pero ndi sila nagsama.at un bata ay ang gamit n last name ay sa mama nya.ngaun po kasal na kami ng mama ng bata nais ko po sana papalitan ang last name ng bata.ano ang dapat kung gawin
Simplify says
Kailangan niyo po i-adopt yung bata para magamit ang apelyido niyo. Punta po kayo sa pinakamalapit na DSWD para magpa-assist for adoption kasi doon na po ang adoption proceedings ngayon.