Paano gamitin ang MRT ng Singapore. Hindi mo maiiwasan na gamitin ang MRT ng Singapore. Sa unang gamit namin sa Singapore ay paikot-ikot kami dahil walang guide kung paano ito gamitin.Sa post na ito ay ituturo ko ang mga dapat mong malaman sa paggamit ng MRT sa Singapore. Ang MRT ay nasa underground ng Singapore at mga basement ng mall. Hanapin lang ang mga karatula kung saan tinuturo ang MRT para hindi ka mawala.
Paano gamitin ang MRT ng Singapore
-
Kumuha ka ng Mapa ng Singapore sa Airport
Libre ang mga mapa sa Airport at nakakalat lang. Kumuha ka ng mapa para makita mo ang mga MRT stations. Ang MRT system ng Singapore ay ganito at makikita ito sa Singapore map
2. Alamin ang Singapore tourist Pass, EZLink, at MRT Ticket
May tatlong paraan kung paano ka magbabayad sa MRT. May mga automated na small gate kung saan mo iiswipe ang iyong Pass/EZlink/MRT ticket. Para sa mga turista nirerekomenda ko na kumuha kayo ng tourist pass. Iiswipe lang ito at hindi niyo na kailangang pumila pa sa ticket machine ng MRT.
Paano kumuha ng Singapore Tourist Pass?
Makakakuha ka ng tourist pass sa mga Ticket Counter na nasa bawat MRT Station. Tandaan na isang tao isang pass dahil hindi magbubukas ang gate kung dalwang bese mong naswipe ang pass. Ang presyo ng pass ay :
1 Day pass = S$10 (Plus S$10 na deposit)
2 Days Pass = S$16 (Plus S$10 na deposit)
3 Days Pass = S$20 (Plus S$10 na deposit)
Iclaim ang deposit sa Ticket office sa kahit na anong MRT station. Ang Pass ay magagamit sa public Bus at MRT. Iiswipe mo lang ito sa gate at makakapasok ka na. Wala ka ngkailangang bilhin pa kaya kahit mawala ka sa MRT ay hindi lalaki ang gastos mo.
Ano ang EZ LInk Pass
Ang EZ link pass ay recommended sa mga taga Singapore dahil hindi mo na kailangang pumila pa sa ticket machine. Swipe mo lang at okay na. Ang pinagkaibahan nito ay kailangan mong loadad ang EZ link pass mo. Mabibili ang EZ link pass sa mga Ticket office at 7-11 ng Singapore. Presyo:
Changi airport/ Ticket Office – S$12 (S$5 para sa card at $7 na load)
& – 11 = S$10 (S$5 at S$5 na load)
Tandaan na kapag hindi mo naswipe ang card sa unang destination mo ay dodoble ang babayaran mo sa second destination mo. Kumuha na lamang ng tourist pass para mas safe at hindi madouble charge ang pamasahe mo. Maaari itong loadad sa ticket office at sa mga reloading stations.
Ano ang MRT Ticket
Kung nawala mo ang iyong Pass tulad ko noong 4th day ko sa Singapore, kailangan mong gamitin ang MRT ticket. Makikita ang ticket machines sa labas ng MRT gate. Paano ito gamitin? Sa unang gamit mo ay pindutin lang ang map o station (touch screen ito). Piliin ang iyong destinasyon at mag-insert ng pera sa pasukan ng pera o coins. Tandaan na hanggang S$5 bill lamang ang inaaccept ng machine kaya dapat may change ka. Bawat ticket ay one destination lamang o isang round trip. Pagnakarating ka sa next station ay maaari mong itop up ang ticket hanggang 6 times. Ilagay lamang ang ticket sa ticket machine at babasahin ito ng machine, pagkatapos ay puwede ka ng mamili ng destinasyon mo at magbayad. Iswipe lamang din ang ticket tulad ng ez link at Singapore tourist Pass.
NOTE: Magagamit ang EZ link at Tourist Pass sa MRT at SMS BUS. Sa Buses ay dapat exact amount ang bayaran mo. Sa loob ng bus ay may hulugan ng barya at swipe ng card.
MY RECOMMENDATION: Kumuha ng Singapore Tourist Pass at irefund ito pagkaexpire.
3. Magkano ang Pamasahe sa MRT at BUS
Una sa lahat dalawang bese lang kami nagbus. Kailangang magbus papuntang Zoo at S$2.2 ang pamasahe papunta. Bale S$4.4 back and fort. S$2.2 din from Newton to Ang Mo Khio. Ang pamasahe ay $1.00 pataas depende sa destinasyon mo. Kaya mas makabubuting mag Tourist Pass para hindi mo na problemahin ang pamasahe mo. Sa MRT ticket Machine ay nakasulat naman dun ang pamasahe na kailangan mong bayaran. Nalaman ko kung magkano ang pamasahe matapos kong mawala ang aking pass sa Singapore Zoo kaya dapat ay alagaang mabuti ang iyong pass. Tandaan din na dalalwang bese mo kailangang iswipe ang card, papunta at exit ng MRT.
4. Alamin ang “Interchange”
Ang interchange ay ang intersection ng ga Trains. Tandaan na may Limang (5) Trains sa Singapore at bawat isa ay may kanya-kanyang destinasyon. Para makapunta sa kabilang train bumababa sa interchange (intersection ng mga trains) at hanapin ang pupuntahan mong train. Halimbawa:
Nasa Chinatown ka at nais mong pumunta sa Raffles Place para puntahan ang Merlion. Walang direktang train from Chinatown to Raffles Place. So, ang gagawin mo ay from Chinatown pumunta ka sa Interchange ng Dhoby Ghaut kung saan nandoon ang three stations NS line, NE line, at CC Line. Mula Downtown Line ng China town ay lumipat sa NS line.
5. Paano Malalaman kung saan ka Pupunta
Para malaman kung saan ka pupunta, tinganan ang destination. Ang mga nakasulat na direction ay ang end ng MRT line. Halimbawa ang end to end ng Downtown Line ay Chinatown at Bukit Panjang. Kung papuntang Chinatown 1 to 12 ang pupuntahan mo. Kung papuntang Bukit Panjang 12 to 1 naman ang pupuntahan mo. Kaya bago pumunta sa different places ay ilist ang end to end ng mga stations:
North South Line: Jurong Park (NS1) to Marina South Line (NS28)
East West Line: Pasir Ris (EW1) to Joo Koon (EW29)
North East Line: HarbourFront (NE1) to Punggol (NE17)
Circle Line: Marina Bay to Harbourfront
Downtown Line: Bukit Panjang to Chinatown.
See Pinoy Ultimate Guide to Singapore.
Paano gamitin ang MRT ng Singapore . Paano gamitin ang MRT ng Singapore . Paano gamitin ang MRT ng Singapore . Paano gamitin ang MRT ng Singapore . Paano gamiting ang MRT ng Singapore
Leave a Reply