Paano babawasan ang paggamit ng facebook. Bakit kailangang bawasan ang paggamit ng facebook? Ang paggamit ng facebook ang isa sa dahilan kung bakit tayo laging nawawalan ng oras. Hindi man natin namamalayan pero halos 3 hours tayong tumitingin ng mga newsfeed ng ating mga kaibigan. Minsan pa, sa pagtingin natin sa newsfeed ng iba e naiinggit lang tayo at pakiramdam natin ay napakamalas natin. Kung lagi kang naiinggit sa post ng mga kaibigan mo, basahin and detoxify social media at internet usage.
Paano babawasan ang paggamit ng facebook
1. Ilista ang mga dahilan kung bakit ka nagfafacebook, alin doon ang mga nagpapasaya sa iyo?
2. Gumawa ng top 5 list ng activities sa facebook na nagpapasaya sa iyo. Iyun lamang ang gawin mo kapag magfafacebook ka na.
Halimbawa, ang rason ko sa pagfafacebook ay ang sumusunod:
a. Share my stories
b. See someone in particular’s post
May kaibigan ako na mahilig magpost ng pictures ng Japanese culture kaya lagi kung binibisita ang page niya dahil natutuwa ako sa mga pictures na pinopost niya.
c. Messenger
d. Check Birthdays
Marami sa atin ang addict sa facebook, ako noon ay laging nagchecheck ng notifications na nakakaabala na sa ginagawa ko. Kaya ginamit ko ang technique sa taas at nabawasan ang pagkahilig ko sa facebook. Minsan ay sinubukan ko na ideactivate ang account ko for 15 days. Two days pa lang ay gusto ko ng icheck ang account ko, kung may message ba ako, notification? Sa first 5 days ay gusto kong tingnan ang facebook ko pero after 5 days pakiramdam ko ay nakalaya ako sa approval ng mga tao. Mas nakita ko ang sarili ko dahil finocus ko ang sarili ko sa pag-aaral ng minimalism, meditation, at iba pang lessons. Pagbalik ko sa facebook ay hindi ko na siya everyday chinicheck, kaya ko ng mamuhay kahit walang facebook.
Bakit ka gumagamit ng facebook at bakit ka sumasaya pag ginagamit mo ang facebook? Ishare mo sa comment sa bababa.
Leave a Reply