Paano Ayusin Ang Baby Boy/ Baby Girl sa Birth Certificate? Marami sa atin ang Baby Girl o Baby Boy ang nakalagay na pangalan sa kanilang Birth certificate. Ang magandang balita ay hindi niyo kailangangang pumunta sa korte para ayusin ito. Kailangan ng personal appearance para ayusin ang birth certifcate, kung wala ay kailangan ng authorization letter o kaya Special Power Of Attorney na nagsasabing binibigyan mo ng awtoridad ang ibang tao para iprocess ang iyong birth certificate.
Question 1: Saan aayusin ang Baby Boy/ Baby Girl sa Birth Certificate?
1 Para ayusin ang baby boy/ baby girl sa iyong birth certificate, pumunta sa LOCAL CIVIL REGISTRAR kung saan nakarehistro ang inyong pagkapanganak.
Question 2: Ano Ang Mga Kailngang ipakita?
2 2 copies each ng mga sumusunod:
a. Original Birth Certificate mula sa PSA
b. Notarized Supplemental Affidavit
c. Payment: Php60 each document.
Question 3: Ano Ang Steps Sa Pag-Ayos Ng Birth Certificate?
3: Mga hakbang sa pag-ayos ng baby girl/ baby boy sa birth certificate:
a. Pumunta sa Local Civil Registrar at ibigay ang mga dokumentong nabanggit.
b. Magbibigay sila ng endorsement na ilalagay sa sealed envelope.
c. Ipadala ang sealed envelope sa Address na nakalagay sa sealed envelope (PSA Main Building). Maaaring gumamit ng JRS, 2GO, at iba pang couriers.
d. Matapos ang 1 month, ifollow up sa PSA icare sa inyong lugar kung updated na ang inyong Birth Certificate. Maaaring umabot ng 3 months ang pag-update ng inyong pangalan.
Question 4: Paano ko Malalaman kung napalitan na ang aking Baby Girl/Baby Boy name?
4 Magkakaroon ng annotation ang iyong PSA Birth Certificate na nagsasabi ng iyong ginagamit na pangalan.
Disclaimer: Ang pag-ayos ng Birth Certificate ay base sa proseso na sinusunod sa Local Civil Registrar ng Baguio City. Maaaring iba ang proseso sa ibang lugar. Walang guarantee ang awtor na mapapalitan agad ang inyong pangalan. Maaaring magdagdag ng requirements ang inyong Local Civil Registrar depende sa inyong sitwasyon.
Leave a Reply