Paano ako makakaipon? yan ang tanong ng marami. Gusto nating mag-ipon pero lagi nating nakakakimutan o kaya laging gusto nating gumastos. May paraan ba para mapadali ang pag-iipon? Oo, kung gagawin mo iyong habit. Anong habit? Tipong gagawin mong second nature ang pag-iipon at di kumpleto ang araw mo na hindi ito nagagawa. Heto ang 2bsimpleng paraan para gawing habit ang pag-iipon:
1. Start small – Maghulog sa aljansya ng P5 kada araw o P20 kada linggo depende sa kaya mo. Tandaan na tig konti muna para hindi mo makaligtaan. Kung P100 isang araw ang goal mo ay malamang baka hindi mo ito magawa sa loob ng isang buwan. At oo, bili ka ng aljansya at ilagay sa lagi mong nakikita. Kapag sanay ka na, puwede itong itaas mula P5 hanggang P50 kada araw o kada isang linggo depende sa kaya mo.
2. Use your phone – Araw-araw nating tinitingnan ang phone natin kaya effective itong gawing reminder. Gumawa ng screensaver gamit ang picture na nagreremind sa atin na maghulog sa alkansya tulad ng “put coin”, “give 20” o picture ng pera na magpapaalala sa iyo na maglagay ng pera.
3. Gawin itong habit – Gawin ang pag-iipon everyday hanggang masanay ka. Tandaan na hindi overnight ang pag-iipon at paggawa ng habit. Matagal itong proseso at ang sekreto ay huwag kang susulo.
Paano ako makakaipon?
Para magsimulang mag-ipon tandaan na hindi kailangan malaki agad ang iipunin mo. Ang importante ay masanay kang magtabi ng pera, kapag sanay ka na ay puwede mo ng pataasin ang goal mo everyday. Huwag mong isipin na gad-agad kailangan 20% na agad ang dapat ipunin mo. Kapag ganun kasi, madali kang susuko kasi masiyadong mataas. Magstart ka sa kaya mo at alam mong hindi mo susukuan dahil masiyadong madaling gawin. LAhat ng bagay nagsisimula sa maliit. Ang tamang pag-iipon ay isang habit at hindi chore.
Leave a Reply