Nakaka-stress Balita, Bakit natin papakinggan?
Naalala ko ang isang speaker namin noon na nagsabi na wala ng kuwenta ang news sa panahon ngayon. Puro walnag kuwenta ang ating nakikita. Ang news ay dapat nakakaapekto sa ating buhay, ngunit bakit ang mga balita ngayon ay nakakatawa. Anong pakialam ko kung ang isang lola ay binaril ng kanyang kapitbahay sa Visayas, ano ang benepisyo nito sa akin? Ano ngayon kung may nagbarilang magkasintahan, ano ang epekto nun sa akin? Ano ngayon kung may sinabi ang isang artista, anong epekto nun sa akin?
Ngayon ay hindi na natin pinapakialaman ang quality ng balita, ang alam natin basta kahit ano puwede ng ilagay sa diyaryo at TV. Naisip na ba natin na hindi lahat ay dapat nating pinapanood? HIndi ba tayo naiistress sa mga barilan at nakawan? Lagi na lamang na bad news ang napapanood natin. Hindi na ito healthy sa ating emotional quotient. Araw-araw ay nakakakita tayo ng karahasan sa TV at diyaryo, nakakaapekto ito sa ating kasiyahan. Naiistress tayo sa mga bagay na hindi dapat natin pinapakialaman.
Ang payo ng aming speaker ay piliin mo ang balitang papakinggan o bababasahin mo, hindi lahat ng balita ay dapat mong iabsorb. Piliin lamang ang makabubuti sa iyo at makakaapekto sa iyo. Pumunta sa internet.org at hanapin ang inquirer.net para sa libreng news at basahin lamang ang magpapasaya at makakaapekto sa iyo. Iwanan mo ang mga bagay na nakakastress at nakakasakit sa puso mo.
Walang magagawa ang awa at simpatya mo sa napapanood mo sa TV. Stress lamang ang makukuha mo. Ang minimalist ay hindi kumukuha ng stress na puwede namang iwasan. Itigil na ang pagdagdag ng stress mula sa mga balita na hindi naman nakakaapekto sa ating buhay. Ano nga ba ang pakialam mo sa buhay ng ibang tao kung hindi ka naman makakatulong.
Nakaka-stress Balita, Bakit natin papakinggan? Bakit ko susubaybayan?
Naalala ko ang balita tungkol sa SAFF44 noong 2015. Halos lahat ng may puso ay nalungkot sa balita, nakigalit at nagtanim ng sama ng loob laban sa MILF. Inabangan ito ng mga tao. Ako, iniwasan ko ang balitang ito. Hindi ako nanood ng balita tungkol dito at hindi ko sinubaybayan sa diyaryo. Hindi ko tiningnan sa you tube ang mga footage ng SAFF. Hindi ko sila sinubaybayan pero pinagdasal ko ang kanilang pamilya at kaluluwa. Ayokong makita ang mga pictures nila at paghihirap nila dahil ayokong maistress. Dasal lamang ang maibibigay ko sa kanila, bakit kailangan kong madepress sa nangyari? Bakit ko itotorture ang sarili ko sa panonood ng mga videos na nakakasakit lamang sa aking damdamin?
Pinipili ko lamang ang gusto kong makita. Walang batas na nagsasabing tanggapin lahat ng balita. Kung nakakastress ito sa buhay natin, alisin ito. E ano kung hindi tayo updated, atleast hindi tayo stress. Kung importante naman ang isang balita ay maishashare ito ng iyong kakilala.
Nakaka-stress Balita, Bakit natin papakinggan? E ano ba ang balitang pinapakinggan mo?
Mga balitang nagpapakita ng kabutihan ng tao. OO, ang mga tao ngayon ay makasalanan, marami lamang ang mas matindi ang kasalanan kesa sa iba. Pero huwag nating kalimutan na ang tao ay may abilidad din na maging mabuti. Napakaraming balita sa internet, dyaryo, at TV ang tungkol sa kabutihan ng tao ngunit tinatago ito ng media dahil para sa kanila ay walang kuwenta ang good news. Isa siguro itong scheme ng demonyo para ipakita sa lahat na masasama lahat ng tao. Pero, napakaraming mabubuting gawain ang tao na hindi pinapakita ng tao dahil sa sinusunod nilang “bad news is good news”. NArito ang mga halimbawa ng good news na nasa balita ngunit hindi pinapansin ng tao:
- Firemen who stopped forest fire for 24 hours. – Ang mga bombero na walang nag-apula ng isang malaking forest fire ng halos 24 hours. Naging viral ang kanilang mga pictures kung saan sa kalsada na sila natulog matapos maapula ang isa sa malalaking forest fire sa Catherine Bay Hill.
2. Randy Halasan na napangaralan ng Magsaysay Award. Pinakaita niya na ang isang guro, kung may malasakit sa kapwa, ay kayang palaguhin ang pamumuhay na isang komunidad. Hindi lamang niya tinulungang makapag-aral ang kanyang mga estudyante, tinulungan din niya ang buong Matigsalug tribe. Nagawa niya ito kahit siya ay mahirap lamang. Alamin at basahin ang kanyang napakagandang kwento dito.
Nakaka-stress Balita, Bakit natin papakinggan? Dapat ang balita ay balanse, parang yin at yang. Kung may bad news, may good news. Sa totoo lang hindi totoo na puro bad news ang nangyayari sa ating bansa at sa ibang bansa. Ayaw lamang ng media na maglabas ng good news dahil para sa kanila ay hindi ito interesting. Subalit, huwag tayong mawalan ng tiwala sa kabutihan ng tao dahil napakaraming good news na hindi pinapakita sa TV at dyaryo.
Leave a Reply