Minimalist guide for Filipinos part 2 – Money Management
Ang Generation Y or MIllenials na may birth date na 1980s-1990s ay bumubuo sa halos 1/3 ng daigdig at kasali sa workforce o earning bracket ng daigdig. Ibig sabihin, tayo ay nabibilang sa mga taong may income. Ngunit ayon sa article ng imoney na “4 Reasons Why Millennials Are Broke And How To Overcome Them” , marami sa millenials ang “broke” o walang ipon at walang pera. Nabubuhay tayo sa “paycheck to paycheck” o isang kahig isang tuka na pamumuhay. Pagkatanggap ng suweldo ay ipangbabayad agad sa utang, luho, at kung ano pang gastos.
Marami akong kakilala na utang doon utang dito. Ayon sa nabanggit na article, isa sa dahilan ng ganitong buhay ay dahil sa kakulangan na kaalamn ng mga millenials sa pag-manage ng pera. Mababa ang ating finanacial literacy. Ilan sa atin ang nakakaalam sa uitf, stocks, emergency funds, at budgeting? Ilan sa atin ang may ipon at investment? bago ko matutunan ang minimalism ay wala akong kaalam-alam sa mga ito. Ano ang emergency fund? Bakit ito kailangan?
Hindi pa huli para pataasin ang ating financial literacy at magsimulang pagandahin ang ating finances. Napakaraming blogs at websites na tumutulong na magpaunawa sa atin ng tamang pagbudget at pagmanage ng pera. Heto ang ilang websites na makakatulong sa iyo:
- imoney para sa mga Pilipino.
- 10-20-70 by pesos and sense
- Are Your Finances Healthy? A Mid-year Personal Finance Review
- Bo Sanchez ebooks
Marami rin sa boostore ang mga libro na para sa Filipino. Merong Php 50 na libro, nakalimutan ko na ang title pero maganda yun. Kaya simulan ng mag-aral ng tamang paghawak ng pera.
Leave a Reply