Minimalist Guide for Filipinos part 1 – Tayo ay Magsimula
Noong taong 2016 to 2017, muling bumalik sa uso ang salitang “Minimalist” at “Minimalism”. Maraming tao, lalo na sa Japan at Korea, ang piniling maging minimalist. Bakit nga ba maraming naaakit na tao ang konseptong minimalism. Sa panahon ngayon, napakaraming binago ng teknolohiya at progreso. Isa sa mga resulta nito ay ang paglimot ng mga tao sa tamang paghawak ng pera at paglimot sa mga bagay na totoong nagbibigay sa kanila ng kaligayahan. Marami sa atin ang nakakalimutan ang totoong halaga ng buhay. Nakakalimutan kung bakit ba tayo nabubuhay sa araw-araw. Marami sa atin na nabubuhay para makiuso sa mga bagong teknolohiya pero nakakaligtaan ang pamilya, sarili, at pangarap sa buhay. Para tayong nakapikit na sumusunod lang sa agos ng buhay. Parang mga robot, walang damdamin at walang fulfillment.
Ano ba ang meron sa Minimalism na hinahanap ng marami? Ito ay and paghinto sa paghabol sa mga bagay na wala talagang kwenta sa ating buhay. Ano ba ang nagpapaligaya sa iyo at ano ang mga kinakailangang hakbang para maabot mo ito? Ano ang mga bagay na nagpapalungkot sa iyo at dapat mong iwasan.
Isa sa hatak ng minimalism ay ang pagdahan-dahan sa buhay. Masyado nating hinahabol ang pera at iniiwan ang mga totoong nagpapasaya sa atin – spiritual, emotional, self fulfillment, contentment. We chase things that we do not need but we leave behind those that we love.
Paano makakatulong ang minimalism sa paglutas ng sitwasyon na ito? Ang minimalism ay nakasentro sa SIMPLICITY at SELF AWARENESS.
SELF AWARENESS – Iassess mo ang sarili mo. Ano ang pangarap mo sa buhay na nais mong matupad. Ano ang mga bagay ng nagpapasaya sa iyo. Paano mo ito gagawing sentro ng mga plano mo sa buhay?
SIMPLICITY – Ano ang mga importanteng bagay sa iyo? Mga material na bagay na kailangan mo? Ano nag luho at ano ang walang halaga?
Ang minimalism ay malawak at malaking topic. Para masimulan ang minimalism, ibabahagi ko ang ilang important concept nito sa susunod na mga post.
Minimalist Guide for Filipinos part 1 – Tayo ay Magsimula. Unahin natin ang unang magandang resulta ng minimalism:
- money management
- Buy what you need not what you want
- Your items should all serve a purpose, not just once but often.
Leave a Reply