Why Minimalism – Pursue our Passion
Lahat tayo may gustong gawin sa buhay na talagang gusto na natin dati pa. Ang problema sa sobrang busy natin ngayon ay hindi natin magawa o masimulang magawa yun. Sa tingin natin imposibleng makamit ang mga bagay na gusto natin. Halimbawa gusto nating matutong magluto o kaya gusto nating yumaman pero hindi natin magawa sa dami ng problema. Unahin mo na natin ang ating pangarap na magawa sa buhay. Alam ko halos lahat tayo ay may gustong gawin pero nasubukan mo na bang simulan itong gawin? Maraming dahilan kung bakit pero hindi mawawala ang salitang, “Wala akong oras gawin yun”. Ako din noon ay sobrang busy at tinalikuran ko na lang ang hilig ko sa pagsulat. Sabi ko noon wala na akong panahon para dito. Pero ng matutunan ko ang minimalism ay nagbuhay ulit ang hilig ko sa pagsulat at pagresearch. At heto, nasimulan ko na ang aking blog at nasimulan ko ng gumawa ng mga libro. Anyway, paano mo nga ba ipagkakasya ang passion o hilig mo sa busy mong schedule?
Why Minimalism – Pursue our Passion
Isa sa magandang benepisyo ng minimalism ay makakakuha ka ng oras para gawin ang hilig mo o kaya humakbang para sa pangarap mo. Paano mo nga ba sisimulang gawin ang bagay na hilig mo?
1. Create Time – Alisin ang mga unnecessary schedules at activities mo na hindi nagdadagdag ng kasiyahan sa iyong buhay. Halimbawa, masaya ka bang nakikipag – inuman gabi gabi kasama ng coworkers mo? Kung oo, ano ang magandang naiidudulot nito sa iyong buhay? Mas marami bang positive kesa sa negative?
Positive:
Bonding with friends
Negative:
Ubos ang suweldo
Ubos ang oras
Nakakasira ng reputasyon
Dagdagan mo ang positive at negative at tingnan mo kung alin ang mas maganda ang result. Para sa akin ay mas maganda na umiwas na lang sa “partying” dahil maraming ibang paran para magbonding. Halimbawa, magrestaurant na lang kayo o coffee/tea sa isang cafe. Gagastos ka dito pero alam mo kung ano ang gagastusin mo, kapag sa bar kasi ay paglasing ka na hindi mo na alam na gumagastos ka na. Kapag wala o minimal ang alcohol ay mas mapapaganda pa ang bonding ninyo at malalaman mo kung sino ba talaga ang magandang kausap. Macocontrol mo pa ang oras mo dahil puwede kang magpaalam kung kailangan hindi katulad sa bar na hindi ka makaalis dahil ayaw ng kaibigan mo o nahihiya ka sa kanila.
2. The power of 25 – Maglaan ng kahit 25 minutes sa isang araw para sa iyong pangarap. Halimbawa gusto mong maging writer, simulan mong magsulat sa isang araw ng mga ideas mo. O kaya gusto mong yumaman? Magresearch kung paano mabawasan ang expenses mo kada araw at iresearch din kung paano makaiwas sa impulse buying. Kung hindi ka puwedeng magbreak sa trabaho mo ay gawin ito kapag lunch time o coffee breaks etc. Atleast 25 minutes lang at gawin itong habit. Paano ito maging habit? Gawin ito everyday at huwag susuko kung naka skip ka ng isa o dalawang araw. Tuloy tuloy lang.
3. The power of waiting – Tandaan na walang pangarap ang instant. Dahan dahan lang. Kahit patak patak lang ang tubig sa gripo ay makakaipon ka ng isang basong tubig kapag hinintay mo ito.
Why Minimalism – Pursue our Passion – You may also read Why Minimalism – Reclaim your Time
Leave a Reply