Investment para sa OFW
Investment para sa OFW na hindi kinakailangan ng technical na kaalaman. Ang mga investment para sa OFW na babanggitin ay passive o mga investment na hindi mo kinakailangan ng karanasan o experience para makapagsimula. Hindi mo rin kailangan ng malaking halaga para makapagsimula ng investment. P10,000 lang ay puwede mo na itong simulan. Hindi mo rin kailangan na bantayan ang investments na ito kaya kahit nasa ibang bansa ka ay may nagmamanage ng investment mo.
Tandaan: Gaya ng ibang investments maaaring makagain at hindi depende sa investment na papasukin mo. Ang mga sumusunod ay subok na at marami ng ang kumita ngunit kahit ganito ay hindi parin 100% ang gains.
Tandaan: Hindi ito easy money o networking. Ang mga ito ay investments sa Bangko kung saan professionals ang magmamanage ng pera mo. Para itong time deposit pero ang kaibahan ay may risk of loss pero malaki ang maaari mong makuha.
Mga Listahan ng mga investments para sa OFW:
1. Money Market at Bonds
Isa sa magandang investment para sa OFW ay ang money market at Bonds. Sila ay conservative investments kaya maliit lamang ang loss (kung meron) ngunit maliit din ang gain. Ang gagawin mo ay magbibigay ka ng contribution mo. Ang contribution mo ay idadagdag sa pondo ng bangko kung saan ipapautang ang pondo na ito sa gobyerno at iba pang kumpanya. Mababa ang risk of loss dahil ang kita mo ay magmumula sa interest na binabayaran ng gobyerno. Mababa rin ang gain dahil fixed ang interest rate nito. Ito ay recommended sa mga baguhan at ayaw magrisk ng loss.
Note: Risk of loss – mabawasan ang pera dahil sa pagbaba ng price ng unit.
Ang mga sumusunod ay mga Bangko na nag-ooffer ng Moneymarket:
Notes: Minimum Investment: Minimum amount na pwede mong iinvest
- BDO MOney Market – Minimum investment: P100,000
- BPI Short Term/Bond- Minimum Investment: P10,000
- Security Bank (Money Market&Bond) – P10,000
- Other Banks
2. UITF (Unit Investment Trust Fund)
Ang investment para sa ofw #2 ay Unit Investment Trust Fund (UITF). Kung gusto mo ng mas mataas na kita at gusto mo ng long term investment (atleast 3 years), UITF ang bagay sa iyo. Mag-iinvest ka rin dito at imamanage ito ng bangko. Ang pinagkaiba ay ang pera mo ay idadagdag sa pondo para pang stock trading. I-iinvest nila sa stocks ang pondo at professionals naman ang magma-manage. Mas mataas ang gain dito tulad ng sa Security Bank last year kung saan ang kanilang year 2012-2015 ay nakagain ng halos 90%. Malaki rin ang risk of loss dito kaya kailangang long term para mabawi ang losses, sa ngayon ang investment ko last 2015 ay may loss na 16%, pero huwag magpanic dahil tataas din ito after 3 or more years. Hindi ito recommended sa mga nerbiyoso at takot mawalan ng pera dahil nakakatakot talaga ito. Pero marami na ang mga nakinabang sa UITF kaya panatag ako na lalaki rin ang gains dito.
Halos lahat ng bangko ay nag-ooffer ng UITF, ito ang banks kung saan may investment ako: Minimum investment: P10,000. Minimum holding Period – 3 years
- Security Bank
- BDO
- BPI
3. STOCKS
Ang investment para sa ofw # 3 ay ang long term stocks investment. Maraming takot sa stocks dahil hindi nila alam kung paano kumikita ang mga tao dito. Ang investment na tutukuyin ko ay hindi nangangailangan ng matinding kaalaman sa stocks. Ang investment na ito ay long term atleast 5 years para sa mas malaking benefit. Ang gagawin mo ay tinatawag ng cost averaging kung saan every year ay bibili ka ng stocks at hintaying tumaas sila after atleast 5 years. Ito ang isang paraan na recommended ni Bo Sanchez. Ito rin ang prinopromote niya sa kanyang blog at libro. Minimum investment: P5000.
Paano itong Cost Peso Averaging? Step 1: Bumili ng Stable na Stocks o tinatawag na bluechip stocks tulad ng Jollibee. Step 2 Bumili taon taon ng stocks, iwithdraw after 5 and above years.
Ang tungkol sa pag-invest sa stocks ay pag-uusapan natin sa susunod na post.
4. Insurance with Investment
Ang investment para sa ofw #4 ay ang insurance plus investment style. Ang nag-ooffer nito ay Philam-Bpi, Bdo (generali), Security Bank, at iba pa. Isa itong long term investment at isang form ng endowment policy. Ang endownment policy ay isang uri ng insurance kung saan babayaran ka kung hindi ka namatay sa loob ng effectivity ng policy. Kunwari kumuha ka ng insurance sa sarili mo kung saan makakatanggap ka ng 100,000 kung namatay ka sa loob ng 10 year insurance, kung buhay ka sa loob ng 10 years, bibigyan ka ng 90,000 o depende sa policy. Ang pinagkaiba ng endowent policy sa invetments na ito ay ganito:
Ang kalahati ng pera mo ay mapupunta sa insurance at ang kalahati ay maiinvest sa UITF. Ang nasa insurance mo ay endowment policy at bonus ang UITF.
Ang disadvantage nito ay malaki ang kailangan mo na pera: Ang minimum sa Phil-Am BPI ay P20,000 for 10 years. Magbabayad ka ng 20,000 kada taon sa loob ng 10 years. Sa BDO naman ay P50,000 sa loob ng 25 years. (Not accurate pero ganito yun). In short, long term at magastos to.
Ang mga nabanggit ay mga recommended investment para sa OFW na hindi kinakailangan ng matinding effort, pera, at kaalaman. Kung may katanungan o nais idagdag na investment icomment lamang sa baba.
Leave a Reply