Mga Dapat mong Matutunan Bago ka mag-edad 40 anyos. Hindi paunahan ang buhay ngunit may mga bagay na dapat mong matutunan bago ka mag-edad 40 anyos. Ang mga kaalamang ito ay maaari mong ipamana sa iyong mga anak o kaanak. Ito rin ay tutulong sa iyo para mas sumaya ka bago mo marating ang bagong yugto ng iyong buhay.
Anu-ano ang mga Dapat mong Matutunan Bago ka mag-edad 40 anyos.
1 Maaari kang Matuto ng Bagay na gusto mo kahit ilang taon ka ngayon
May kasabihan na, “You can’t teach an old dog new tricks” ngunit ito ay walang katotohanan at nalaman ko ito mula sa mga taong aking nasalamuha. Walang pinipiling edad ang pagkatuto, ikaw man ay teenager, 20s, 30s, o maging 60s. Isa sa aking classmate noon sa law school ay nasa kanya ng 60s ngunit natapos niya ang kursong law at ngayon ay isa ng abogado at nagtuturo na sa aming Unibersidad. Aniya, kahit mas nakababata ang mga kamag-aral niya ay hindi ito balakid para makamit niya nag kanyang pangarap na magkaroon ng “atty” sa kanyang pangalan.
Ang balakid ay hindi edad kung hindi ang ating sariling pag-iisip. Kapag sinabi mong “I can’t” ay talo ka na una pa lamang. Kung ang iniisip natin ay kaya nating gawin lahat, makakaya natin. Kaya’t kung naniniwala kang kaya mong matuto dahil gusto mong matuto, magagawa mo ito.
Ang kailangan mo lamang ay kumbinsihin ng iyong sarili na ito ang gusto mo at kaya mo itong gawin. Matapos mong kumbinsihin ang iyong sarili, maaari ka ng maglaan ng konting oras para sa iyong nais matutunan na bagay.
Anu-ano ang mga maaari mong matutunan?
Maaari kang matuto ng mga sumusunod:
- Stocks at Investment
- Budgeting
- Minimalism
- Gardening
- Sewing/ Dressmaking
- Accounting
- Blogging
- Writing
- Adulting 101
- Child Care
- At iba pang nais mong matutunan noong bata ka pa
2 Ang Internet ay Kaibigan mo kung nais mong Matuto ng mga Bagong Skills
Ang internet ay puno ng mga kaalaman patungkol sa halos lahat ng paksa na nais mong malaman. Maraming libro na maaaring basahin at mga karanasan ng ibang tao na maaari mong pag-aralan. Ang paborito kong websites pagdating sa mga kaaalaman ay ang YouTube, Archive.ord, Gutenberg.org, at Google Scholar.
Napakarami ring FREE online courses kung saan pwede kang mag-enroll tulad ng sophia, skillshare, coursera, Tesda, UP, at iba pang libreng courses. Maglaan ng ilang oras para matuto ng bagay na nais mong malaman.
3 May Oras ka pa Para Abutin ang Pangarap na Hindi mo Nakamit noong Ikaw ay Bata pa
Marahil noon ay nais mong maging isang business woman ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pangyayari o kaya ay dahil mayroo ka ng pamilya. Dahil sa internet, maaari ka ng matuto kung paano mag simula ng business at kung anu-ano pa. Kahit anong gulang ka pa ay maaari mong abutin ang pangarap mo basta mayroon kang “passion” para ito ay abutoin.
Isang halimbawa ng pag-abot ng pangarap ay ang deternibasyon ng aking ama, matapos siyang magretiro sa pagiging police ay gusto niyang abutn ang matagal na niyang pangarap – maging konsehal. Noong una ay nais niya na kaming mga anak niya ang tumupad ng pangarap na iyo ngunit dahil ayaw namin, nagdesisyon siyang kumandidato. Maraming balakid ng pagtakbo sa eleksyon ngunit dahil pangarap niya yun ay binalewala niya ang mga pumipigil sa kanya na sumali sa halalan. Ngayon ay isa na siyang konsehal at makikitang ito talaga ang nais niya sa buhay. Siya ay 60 years old na ngayon at naihalal siya noong nakaraang taon.
Isang kwento pa na maaari kong ibahagi ay ang kwento ng aking classmate na dating taxi driver, ang kanyang pangarap ay maging abogado para itaas ang standard ng pangarap ng kanyang mga anak. Nais niya na ipakita sa kanyang mga anak na kaya nilang abutin ang mga pangarap nila kahit gaano kataas. Hindi niya naituloy noon ang pagiging professor dahil kailangan niyang magtranaho agad para sa dalawa niyang anak na ngayon ay edad 5 at 8. Sa umaga ay pumasada ang aking classmate at sa gabi ay pumapasok sa law school. Ngayon ay isa na siyang abogado. Sabi niya noong kami ay nag-aaral sa canteen, “gusto kong mag set ng bar para sa mga anak ko”.
Sa Pilipnas kasi ay madalas hindi na nangangarap ng mataas ang isang tao kapag ang nakapaligid sa kanila ay negatibo. Sa isang documentary, naalala ko na ang pangarap ng isang bata ay maging katulong dahil yun ang naging trabaho ng kanyang ate. Noong una, sabi niya, ay nais niyang maging doktor pero dahil sa hirap ng buhay masaya na siyang maging katulong. Ngunit sa tulong ng mga taong handang tumulong sa kanyang pag-aaral ay maaari niyang maabot ang pangarap ng doktor.
Mga Dapat mong Matutunan Bago ka mag-edad 40 anyos
Sa madaling salita, maaari ka pang matuto at gawin nag nais mong makamit sa buhay.
Leave a Reply