Dapat malaman bago mag-invest sa nabanggit na investment para sa OFW. Bago ka mag-invest para sa retirement mo importante na alamin mo muna ang ilang payo bago mag-invest.
Dapat Malaman Bago Mag-invest
1. Magkaroon ng hiwalay na emergency fund.
Bago mag-invest dapat meron kang hiwalay na emergency fund. Ano ang emergency fund? Sa madaling salita, ang emergency fund ay perang naitabi mo na panggastos para sa mga emergency tulad ng sitwasyon kung saan may nagkasakit na miyembro ng pamilya mo, pang-ayos ng nasirang bahay kapag may kalamidad, mga iba pang gastusin na hindi kasama sa monthly budget mo. Bakit kailangan ng emergency fund? Kailangan ang emergency fund para hindi mo galawin ang iyong real savings o ang iyong investment.
2. Alamin ang risk na involved sa investment.
Ang investment ay parang sugal, pero hindi ka laging talo kung magda-diversify ka. Ano ang diversity? Mag-invest hindi lamang sa iisang stock at iisang investment. Mas maganda na mag-invest sa iba’t ibang stocks at sa mutual funds.
3. Huwag umutang ng pang-invest.
Huwag iinvest ang perang inutang o hindi sa iyo. Huwag mag loan ng pera para pang-invest. Ang starting capital naman sa mutual fund ay P10,000. Mas ,abuting ipunin ito kaysa mangutang para iinvest.
4. Alamin ang tax at fees na babayaran sa investment.
May TAX ang investment mo, kaya bago mo iredeem o kunin ang investment mo siguraduhing may at least 10% increase dahil may mga admin. fee etc. Huwag mag-alala hindi ito ganun kalaki.
5. Bayaran muna ang utang
Bago ka mag-invest, bayaran muna lahat ng utang mo tulad ng credit card loan o utang mula sa kaibigan. Dahil kapag nag-invest ka habang may utang ay mapupunta rin sa kanila ang kikitain ng investment mo. Isa pa mas magandang wala kang iniisip na utang.
Mga Dapat Malaman Bago Mag-invest : Summary
ito ang mga dapat mong malaman bago mag-invest, 1. Bayaran muna ang lahat ng utang, 2.Mag-ipon ng emergency fund, 3. Mamuhay below sa suweldo mo 4. Magdiversify sa pag-invest.
Leave a Reply